Mahirap maging masaya lalo na kung alam mo na maaring eto na ang huli .
Kinabukasan , pumasok ako pero walang naghatid sa akin. Imbis na magisip isip ako ng kung ano ano hinayaan ko na lang. Baka busy lang talaga.
"Smiley tawag ka ni Boss". Anya ni Maica
Tinanguan ko na lang si maica at dumiretso na sa opisina ni Boss. Alam ko na yung paguusapan namin.
"Smiley ano na sagot mo?"tanong ni boss sa akin pero, hindi ko pa kayang magdesisyon ngayon agad agad. Masyadong magulo ang isipan ko nitong mga nakaraang araw.
Kaya sinabi ko muna na bigyan ako ng tatlong araw para magdesisyon. Pumayag naman ito dahil, mabait naman kahit papaano ang boss namin.
Break ko ngayon kaya naisipan ko munang magisip-isip imbis na lumapang. Habang nagiisip -isip ako tumabi sakin ang Bruhildang anna.
" Anlalim ng iniisip natin ah" tanong nito.
"Oo nga ehh . Pwedeng pwede kita lunudin" sarkastiko kong sagot. Tumawa lang ang bruhilda.
"Pero , seryoso ako bakit anlalim ng iniisip mo ?" Seryoso talaga siya. Halata naman hindi maipinta yung mukha niya.
"Wala yon anu kaba ." Sabay hampas kay anna. Sana maniwala ang gaga.
"Smileyyy namannn ehhh!!!" Padabog niyang sabi . Nagpapadyak pa. Tinawanan ko lang ang gaga dahil wala parin siyang pagbabago siraulo parin siya.
"Okey okey . Kase, ililipat ako ni Boss sa bago nating branch". Kwento ko rito.
"Wala namang problema doon ah . Saka dagdag sahod yon . Diba pinaaral mo pa si Joy . " sagot nito
"Merong problema"
"Ano"
"Si John" mahina kong sambit . Hindi ko pa nasasabi kay John yung tungkol dito.
"Eh ano naman problema kay John" pranka nitong sagot.
"Ayoko siyang iwan alam mo yan."
"Hindi mo kayang iwan pero, kaya ka niyang iwanan. Niloko ka na nga ng hindi mo nalalaman eh." Naknang inirapan pa ko .
"Anna ano ba "
" Totoo naman kase ehh. Antanga tanga mo . Huwag puro ito ang ginagamit mo " sabay turo sa dibdib niya na ang ibig sabihin ay sa puso.
"Gamitin mo din yang kukote mo. Matalino kang tao eh, bat ang bobo mo ata ngayon." Tumayo na ang gaga. Minsan talaga ansama ng tabas ng dila nitong si anna . Puro kaprangkahan ang lumalabas sa bibig.
Pero, paano kung niloloko lang talaga ko ni John?
YOU ARE READING
You are the Reason
Teen FictionYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.