Pagkatapos kong makahanap ng kakainin dahil, gutom na gutom na talaga ako.
Dapat pala kumain muna ko bago magpagupit ng buhok.
Nakahanap din ako ng makakainan. Habang pumipila ako may mga lalaki akong nakatingin sa gawi ko . Ang weird lang. Sinawalang bahala ko na lang at hinantay nalang ang turn ko .
Ng sawakas sinerve narin yung inorder ko . Nilantakan ko na agad agad. Wala ng pabebe bebe pa .
Gutom na gutom ako ehh
Natapos narin akong kumain . Habang nagpapababa ng kinain . May lalaking umupo sa harap ko .
"Hi miss" tanong ng lalaking nakaupo sa harap ko.
"Hehe Hello"
Naiilang akong makipagusap dahil, hindi ko naman siya kilala eh. Malay ko bang rapist yan.
Bigla kong naalala na hindi pala ko karaperape hahahah. Natawa na lang ako sa iniisip ko.
"May boyfriend ka Miss" ayyyy walaa kuya kase yung boyfriend ko ayon may kalandiang bago. Pinagpalit banaman ako sa mas malaki ang dyoga kesa sakin.
Siyempre hindi yan yung sinabi ko ano ko siraulo.
"Meron po" nginitian ko na lang yung kuya.
Tumayo si kuyang ewan kung ano ang pangalan . Kaya kuya na lang hehehhe. Sinabi niya sakin.....
"Ang swerte ng Boyfriend mo dahil, mayroon siyang isang girlfriend na katulad mo ". Lumakad na papalayo si kuyang diko alam ang name.
Swerte nga ba na ikaw ang naging Boyfriend ko John. Masaya naman sana kami eh , pero bakit niloko parin niya ako.
Nagkasala ako dahil, wala naman talaga akong boyfriend. Meron noon pero, ngayon wala na.
Ganoon ba ako nagkulang para ipagpalit niya .
Habang naglalakad papalabas ng Mall bigla akong napahinto at parang inugat na yung paa ko sa kinatatayuan ko dahil, nakita ko si John may kasamang IBAng babae naman.
So ano sila ni grace?
Sino naman yung bago ngayon?
Iniwas ko kaagad yung tingin ko baka makita pa nila ko. Pakiramdam ko gusto kong humagulgol pero, hindi ko magawa kahit medyo gabi na talaga. Marami paring tao na makakakita sakin kung iiyak ako.
Kaya umiyak nalang ako ng palihim.
Wala akong masakyan na Taxi kaya nagjeep na lang ako tutal noong hindi panaman kami ni John puro commute lang ang ginagawa ko .
Sana hindi nalang niya ko sinanay sa mga bagay na mawawala din pala. At sana hindi ko siya nakilala kung sasaktan lang pala niya ko ng ganito pero, wala na naman akong magagawa nangyari na. Tanggapin ko na lang.
Habang tumatakbo ang jeep . Payapa akong nakatingin sa langit. Naisip ko parin si John.
Si John na nanaman
Bakit ibang babae nanaman ang kasama niya. Hindi ko masyadong naalala yung mukha ng babae pero, siguro kapag nakita ko ulit baka mapatay ko na este baka makilala ko na.
Pinunasan ko yung luhang nasa pisngi ko baka may makakita pa sakin isipin ang oa oa ko . Pero, ikaw ba naman taksilan at lokohin ka ng taong pinagkakatiwalaan mo at mahal na mahal mo ng sobra . Hindi kanaman ba maiyak .
Sino nga ba ang may kasalanan ang nagkulang o ang hindi nakuntento ?
**************
(>_<)(>_<)(>_<)
YOU ARE READING
You are the Reason
Fiksi RemajaYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.