Noong lumingon ako sa gilid ko . Natanaw ko si Mama , Joy at Anna. Nakatayo lang sila sa bukas na pinto na parang pinapanood lang nila ako.
Pinapanood nila kung gaano ko kahina ngayon. Ayokong nakikita nila ko ng ganito . Na yung panganay nila ay sobrang hina.
Lalo , nalang akong napahagulgol.
Hinayaan ko na lumapit sila sa akin. At imbis na patahanin nila ako ang sinasabi pa nila ay......
"Iiyak mo lang yan anak"
Parang ewan din itong si mama ehh. Ano ba ginagawa ko hindi pa ba to iyak?
"Hindi siya kawalan ateeeeee"
Tamaa ka diyan joy.
"Marami pang iba na MAS BETTER pa sa kaniya. Makakahanap karin. Hintay lang bess".
Sana nga Anna.
"Hindi ba ako kamahal-mahal? " tinanaw nila ako at sinamaan ng tingin.
"Kamahal-mahal ka. Mahal ka nga namin eh. Mahal kanaman niya anak , ngalang hindi pangmatagalan. Kumbaga sa pagkain , panis na ngayon. Kaya dapat ng itapon" si mama yan.
Lalo lang akong naluha sa sinabi ni mama. Hindi ako showy na anak pero, mahal na mahal ko rin sila.
"Kung niloko kaman niya, huwag mong hayaang lamunin ka ng galit mo dyan sa dibdib mo . Alam kong nasasaktan ka ate pero , darating ka din sa punto ng buhay mo na masasabi mo sa sarili mo na" hindi ko na siya Mahal" nginitian ko na lang si Joy.
Mga kabataan nga naman ngayon kung makapag-advice akala mo nagkaroon na ng Jowa. Ni hindi nga siya mapansin ng crush niya eh.
At ang huli nagsalita ay si Joy.
" Ngayon lang ako magpapaka - emo . Siguro, si God na yung naglayo sayo sa taong hindi makunento sa isa, tinatlo pa kayo. Everything happen for a resson. Siguro, baka ayaw na niya talaga. Pakawalan mo na lang siguro siya. At pakawalan mo narin yung sarili mo sa sakit. Okey lang naman masaktan pero, huwag kang iiyak " firstttt timeeeee tohhh
"Ayyyy first time ka nagsalita ng mahaba na may sense hahhah." Kahit umiiyak ako inokray ko parin si Anna. Diyan ko kase naipapakita na mahal na mahal ko siya, sa pambabara.
Tumayo na si Anna nagpaalam siya at aalis na daw siya . Medyo late na kase, baka mapano pa yon. Sinabi ko na lang na mag-ingat siya at salamat sa gabi nato
Malas man ako sa lalaki swerte naman ako sa kaibigan at pamilya.
Isinama ni Anna si joy noong lumabas siya. Kaya ang ending natira kame ni Mama
Tahimik lang ako este kame.
"Siguro, nagtataka kayo ni Joy kung bakit ganyan yung pinangalan ko sa inyo" tumango na lang ako " kase kayo yung nagpapasaya samen ng tatay niyo. Kaya sana huwag ka ng umiyak anak. Kase, kapag umiiyak ka nasasaktan din si mama"
Tumango ako at pinunasan yung luha ko. Wala ng mas sasakit pa sa makita mong nahihirapan yung magulang mo ng dahil, sayo.
"Hindi kaman niya kayang mahalin hanggang dulo pero, kame kayang kayang namen. Kaya anak magpakatagtag ka. " tumango ako at lumakad na palabas si mama.
Pero, bago siya makalabas sinabi niya na...." IF HE DOES'NT LOVE YOU JUST THINK THAT , WE LOVE YOU VERY SO MUCH " Sinara na niya yung pinto.
Nahimasmasan ako sa sinabi ni mama
Nagvibrate yung cellphone at binasa ko kung sino yung nag text .
At nakita ko na si Anna iyon.......
"Its painful to say goodbye to someone you dont want to let go. But, more painful to ask someone to stay when you know they want to leave. LET HIM GO."
-GM
Pero, alam ko para sakin yan. Nilagay lang niyang gm pero, sakin lang niya talaga sinend. Obyus naman na pinapatamaan niya ko.
I am happy to have a bestfriend like , Anna.
***************
YOU ARE READING
You are the Reason
Fiksi RemajaYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.