Umuwi narin si Anna at ako naman ay naghanda para sa trabaho ko. Balak ko ng tanggapin yung alok ni Boss na lumipat ng iba niyang Branch. Sure ako na hindi sang-ayon yung mga magulang ko pero, alam kong maiintindihan nila ako.
Siguro , eto na yung way para makamove-on ako . Ang paglayo sa mga bagay o tao na nakakapagpaalala sakin kung bakit ako nasasaktan ngayon.
Kailangan ko din naman to. Habang tumatanda si Joy lumalaki narin yung gastos niya. Kaya kailangan ko ng mas malaking sahod ngayon.
Pamilya ko muna bago ako.
Tapos ko ng kausapin si Boss. At natuwa siya sa pagtanggap ko sa alok niya. Ipapatawag daw niya ako kung kailan ako maguumpisa sa bago niyang branch. At sinabi niya may bago daw siyang tauhan ngayon at ientertain ko daw.
Ano ko clown? Charot lang
Usap usapan yung bago naming kasamahan sa trabaho. Naglakad lakad ako at nakita ko silang nagkakagulo.
" miss ano pangalan mo?"
"Ilan taon kana po?"
"May boyfriend kana?
Hays paano kaya makasasagot kung sunod- sunod silang magtanong? Pati si Anna nakikisawsaw ren.
"Paano siya makakasagot kung Sunod sunod yung tanong niyo? *insert:halakhak*" biglang nagsi ayos sila na tayo at hindi na pinagkumpulan yung bago naming kasamahan.
Nagulat ako kung sino yung babae . Siya yung kasama ni John .
Shetang inumanin wag milo.
Bakit siya pa?
Hindi ko kayang makasama ang isang katulad niya sa isang trabaho. Hindi naman sa nagmamagaling ako pero, hindi ko kayang makipagtrabaho sa isa sa sumira ng relasyon namen.
Pero, hindi ko pinakita na ayaw ko sa kanya. Bagkus ay nginitian ko siya ng sobrang tamis. Yung tipong lalanggamin siya. Pwede pa nga niyang ihalo sa kapeng mapait eh.
Tumayo siya dahil, nakaupo siya sa isang bangko.
"Hello po" sabay lahad ng kamay niya sa tapat ko.
" Hi. Wag ka ng mag-po magkaedad lang naman ata tayo eh" sabay tanggap sa kamay niya. Ngumiti siya syempre ngumiti rin ako.
After non. Naglakad na ako palayo dahil, hindi ko na kailangang iwelcome siya kase , pati relasyon pinapasok niya.
Hindi din ako nagpakilala dahil, ayaw ko lang.
Napag-alaman ko ng Angel ang pangalan niya. Anghel din kaya ang ugali? Dahil, kung tataray taray siya aba hindi siya uubra sakin. Kung mataray siya mas mataray ako.
Nagumpisa na siya magtrabaho at napapansin ko na lagi niya akong kinauusap like,
"Kumain na po ba kayo?"
"Pahinga na po kayo"
"Ang ganda niyo po "
Syempre hindi kasama yung pangatlo. Masyadong impossible na gumanda ako .
Ano tina try niya na maging close kame. Paano kung malaman niya na Boyfriend ko ang boyfriend niya. Pero, hindi panaman kase ako sure kung totoo nga sila eh . Oh masyado lang akong oa. Baka naman magpinsan sila. Dahil, may magpinsan namang naghoholding hands. Oo tama noong nakita ko sila sa mall. Nakaholding hands sila. Pero, ako may pinsan di naman ako. Pero hinde kame naghoholding hands.
Saka kilala ko ang angkan ni John . Kilala ko karamihan sa pinsan niya at ang babaeng pinaka kaclose niyang pinsan ay si Shappy.
π_π π_π π_π
Knock knock
Who's there?
Shappy
Shappy who?
"Sa shappy py py py py free shipping pipingping "
R. I. P. NEXT JOKE
π_π π_π π_π
Pero , baka may namamagitan nga sa kanila.
Nauulinigan ko sa mga katrabaho ko na , mabait si Angel.
Edi siya na.
Hindi ko alam kung bakit ako asar na asar. Dapat kay John ako maasar dahil , kasalanan naman niya toh.
Buti na lang at aalis na ako dahil , alam ko sa sarili ko na kahit anong bait ni Angel hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya . Alam ko na ayaw ko sa kanya.
At kung malalaman ko man na siya ang anu ni John. Ano smiley?. Oo na ang kabit ni John . Hindi ko kayang magtimpi baka makapatay ako pero syempre hindi ko kayang pumatay noh.
Imbis na istressen ko ang sarili ko sa mga walang kwentang bagay . Lumabas na lang ako at sa Mall naglunch. Ayokong makita yung Angel na yon.
********
(>_<)(>_<)(>_<)
YOU ARE READING
You are the Reason
Teen FictionYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.