Bakit kailangan ko pang magmove on kung siya nga nakamove on na ata . Sobrang dali lang sa kanya na lokohin at palitan ako .
Oo na gets ko na hindi ako maganda. Pero, deserve ko naman na mahalin at respetuhin dahil, babae din ako . Mukha lang lalaki .
Dito natulog si Anna. Para daw makatipid siya sa mga bayaring bills. Ginawa pa kong sagip kapamilya.
Actually, si anna lang ang nakatulog . Magdamag lang akong nakatitig sa kisame . Iniisip kung paano ko siya lilimutin. Sa bawat sulok ng kwarto ko may alaala siya. Anak ng imbis na makalimot lalo ko pa siyang na aalala.
"Wala sa kisame ang paraan kung Paano makalimot" gising na pala si anna.
"Paano ba kase magmoveon? Ibablock ko siya sa messenger, magpapagupit, magpapapayat, magpapaganda(kaso malabo yon). Ganoon ba?"tanong ko kay Anna na walang ginawa kung hindi titigan lang ako.
"Hindi pagmomove on yan. Pagbago yan sa kung sino ka . Kung ako sayo wag kanang magmove on." Anya ni anna.
"Eh kung hindi ko siya lilimutin . Paulit ulit na lang akong masasaktan at iiyak. Ayoko naman ng ganoon". Tumayo si Anna at lumapit sa bintana. At nagpahangin na lang.
Kegaleng lang kinakausap siya ehh. Talikudan banaman ako.
"Choice mong masaktan at lalong choice mo ding umiyak. Bakit kapag ba nagmove on ka hindi kana masasaktan at iiyak?. Proprotektahan kaba ng pagmomove on sa mga parating ng sakit huh. " hindi ako nakasagot dahil tama siya.
Kahit bruhilda yan may sense ding kausap
"Bakit hindi mo na lang tanggapin na pinagpalit ka , na niloko ka. Kase Smiley ang pagmomove on walang step by step yan. Kailangan mo lang tanggapin ang lahat at unti unti mo ding matatanggap ang nangyare. Baka nga hindi talaga kayo?" Hindi ako makasagot sa mga sinasabi ni Anna kase tama siya.
Baka hindi nga talaga tayo ang para sa isat isa.
"Kung ayaw mo talaga siyang bigyan ng second chance baka ulitin din niya. Bakit hindi mo na lang tanggalin siya sa sistema mo. " tama nga siya
Sinanay niya ko sa mga bagay na hindi naman pala pangmatagalan .
Tumayo na si Anna at dumiretso sa Cr. Alam ko na kung ano gagawin niyan. Nagpaalam ba naman sakit. "Eebak daw siya" gaano kadugyot yung si Anna. Maganda nga dugyot naman. Eh ako dugyot lang.
Pero, tama si Anna bakit ako magmomove on kung hindi pa ako ready. It takes time to move on. Siguro yung sakit namnamin ko muna. Kase kung hindi ako nasasaktan ngayon ibig sabihin hindi ako nagmahal. Okey lang na masaktan dahil , parte yan ng pagmamahal pero, ang magpakatanga ay hindi maganda.
May parte sakin na gusto siya patawarin at balikan. At hayaan na lang yung mga nakita ko sa bar. Kaso,hindi ako katulad ng iba na sobrang nagpapakatanga. Niloloko na nga sila ng harap harapan ayos lang dahil, mahal naman daw nila eh. Para sa akin hindi maganda yon. Natatapakan na nga yung pagkababae mo tatapakan pa yung pagiging tao mo.
Madaming lalaki diyan na mas mamahalin tayo at mas rerespetuhin tayo kahit hindi ako o tayo kagandahan. Hindi man ako makakahanap ulit ng sing bait ni John siguro, makakahanap din ako ng Lalaking full package na. Yung nasa kanya na ang lahat.
Pero, bago ako makahanap siguro kailangan ko muna magmumog baho na ng hininga ko ehh. Amoy ko na ehh "ewwzzz O_o".
******************
(>_<)(>_<)(>_<)
Thank you
YOU ARE READING
You are the Reason
Teen FictionYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.