Nasa tapat na kami ng bahay namin. Nagulat ako dahil nakasunod parin sakin si Anna.
"Salamat nga pala" nginitian ko siya ng tipid.
"Wala yon. Ayos kalang ba?".
Hindi ko sinagot yung katanungan niya at tumingin nalang sa ibang direksyon.
"Hahahah Paano ka nga pala magiging okey ehh ginago kalang namang ng Boyfriend mong gago" sabay talikod sakin at pinaharurot yung kotse niya.
Bwisit ka anna bakit pinaalala mo pa? Kaya imbes na maging ayos ako eh eto umiiyak ako .
Kase,ansakit talaga eh.
Bago ko pumasok sa bahay ay hinantay kumunang kumalma ako . Dahil, baka mahalata nila mama at Joy na galing ako sa iyak.
Habang paakyat ako sa hagdan. Nagulat ako na naguusap sila.
"Joy masasaktan ang ate mo pag sinabi mo yon" si mama yan
"Atleast alam niya na niloloko siya ng boyfriend niyang gag*." -Joy
"Joy anu ba ? Yang bibig mo". -mama
So alam na nila?
" Wow alam niyo rin pala." Singit ko sa kanilang dalawa na ngayon na gulat na gulat sa pagsabat ko.
" wag kang mag-alala Joy alam ko naman na." Pumasok nako sa kwarto ko at doon ko pinakawalan yung hikbing kanina ko pa pinipigilan.
Ayokong makita nila na mahina ako.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa pakiramdam ko wala na kong maiiyak pa.
Tinago ko lahat ng binigay niya. Kinahon ko at kung hindi lang ako nanghihinyang susunugin ko to lahat pati siya isasama ko narin.
Sa sobrang pagod ko . Ramdam na ramdam ko yung pagod . Kaya nakatulog bigla ako.
Pagkagising ko sa umaga. Buhay pa naman ako pero, pakiramdam ko may parte sa katawan ko ang namatay .
Bumangon na ako at gumayak . Hindi porket broken hearted ako eh hindi na ako magtatrabaho aba sayang ang kikitain ko. Magkakaroon ba ako ng pera sa pagiyak ko ng pagiyak .
Pagkatapos kong gumayak bumaba na ako at nagulat ako sa taong nakita ko.
"Anong ginagawa mo dito ?" Parang biglang nawala lahat ng galit ko sa nakita kong itsura niya ngayon. Halatang walang tulog .
Pero, hindi porket naawa ako eh babalik na ako na parang walang trayduran na nangyari .
"Pwede ba tayong magusap?" Tanong nito. Si John nandito. Akala ko pagkatapos mong makipaghalikan doon sa babae mo eh hindi kana magpapakita pa sakin.
" Malalate na ako kaya next time na lang siguro , baka hinahanap kana ng Grace mo ." Tumalikod nako baka hindi ako makapagtimpi at sapukin ulit siya.
Kung naawa ako kanina siguro ,ngayon hindi na ramdam na ramdam ko yung galit sa puso ko .
Hinabol niyo ko hanggang sa labas ng gate.
Buti na lang at biglang may nagparada ng taxi sa harapan ko bago ko sumakay hinarap ko siya at sinabing ....
"Break na tayo."nakita ko ang panlulumo sa mata niya at ang sakit na nadarama niya.
Pero, kung hindi mo ko niloko edi sana masaya tayo ngayon.
Pagsara ko ng pinto ng kotse kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Akala ko walang ng tutulo pa. Madami pa pala .
Hinayaan kong makita ako ng driver na umiiyak . Eh hindi naman niya ako kilala. So what? .
Tumanaw na lang ako sa bintana para makaiwas sa tanaw ng driver.
Hindi ko man gustong makipaghiwalay pero, kailangan dahil hindi ko kayang makipagsama pa muli sa kanya na parang walang panlolokong naganap.
************
(>_<)(>_<)(>_<)
Thankyouuuu
YOU ARE READING
You are the Reason
Ficção AdolescenteYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.