Masyado kong kilala ni Mama na alam niya na kila Anna ako pupunta. Wala naman akong ibang kaibigan na pupuntahan kundi si Anna lang. Buti nga napagtyatyagaan ako ni bruha ehh.Nagpunta kami sa isang park. Ewan ko ba sa siraulo na to . Kung bakit gusto pa niya dito.
Ehhhh ayaw naman niya sa mga nature na ganito.
"Bakit dito ?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap kami ng damong mauupuan.
" alam ko namang gusto mo sa ganito" tinawanan ko na lang siya dahil, halatang banas na banas siya
Humiga kami at namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
*insert tunog ng kuliglig.*
"So hindi mo naman sinabi sakin na tatanga lang tayo dito." Siya na ang bumasag sa katahimikan.
(Tanong lang: paano nababasag ang katahimikan , babasagin ba ito?)
" Sino ba talaga ang may kasalanan . Ako na nagkulang o Siya na hindi na kuntento? " hindi ko pinansin yung pang-aalaska niya .
Kase, sa totoo lang hindi ko alam kung sino sa amin ang may Kasalanan . Kase ako aminado ako na hindi ako naging mabuting girlfriend.
"Walang may kasalanan. Actually meron pala. Kasalanan niyong dalawa " sagot ni Anna.
Pumikit siya at ninamnam yung hangin.
( anu kaya lasa ng hangin?)
"Kasalanan ni John kase hindi siya marunong makuntento sa isa. Anu siya cellphone na kailangan ng dalawang sim?. Kasalanan mo rin kase hindi mo nagagampanan yung pagiging Girlfriend mo. Hindi mo naibibigay yung pangangailan niya bilang lalaki. You know what i mean". Mahabang litanya ng malibog na si Anna.
"Anna"lumingon ako sa kanya. At sinabi niyang magkwento ako.
"Anna hindi ko na kaya" nagumpisa ng tumulo ulit yung luha ko. Tahimik lang siya at nakikinig.
" sobrang sakit . Mahal na mahal ko siya tapos (huhuhuhuh) lolokohin lang niya ko . Oo,hindi ako magand-"
"Sino nagsabi bugbogin ko" singit niya. Parang tanga lang kitang kasasabi ko lang tapos tatanungin kung sino. Okey back to emo
"Sobrang loyal ko kay John . Kase wala namang lumandi sa akin bukod sa kanya.*Insert tawa ni anna* pero seryoso sobrang nagkulang ba talaga ako kaya ako niloko ng ganito." Hingang malalim kase sobrang pinipigilan ko yung iyak ko . Medyo masakit sa dibdib(kahit wala ako non)
"Bakit hindi mo siya bigyan ng second chance? Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao kahit ilang chance pa ang hingin niyan ibibigay mo " napaisip ako bigla sa sinabi ni anna .
"Hindi ko kayang makipagsama pa ulit sa kanya na parang walang lokohang naganap. Ano magbubulag bulagan ako, magtatanggahan ganon. Naging tanga na nga ako nong minahal ko siya, magpapakamartir pa ba ako. " sagot ko
"Eh bakit yung iba kaya nila, bat ikaw hindi" pahabol ni anna.
" Hindi kase ko sila." Sabay tingin ko kay anna.
Nginitian niya ako na parang nagustuhan niya yung sagot ko .
Kung ang iba nagbibigay ng second chance kase EVERYBODY DESERVE A SECOND CHANCE (DAW) pero, para sakin kapag nagmahal ka sapat na ang isang Chance. Okey lang yung mga kasalanan na kaya pang patawarin. Pero ang pagloloko ay hindi ko na mapapalampas yon. Kung nagawa niya noong una pwede niyang magawa ng paulit ulit.
At sa puntong ganon yung sakit paulit-ulit din pero, palala ng palala nga lang.
"Kailangan kong magmove on" sabay tingin ko kay anna na may determisyon sa mga sinasabi ko . Kase, kung mamahalin ko pa ulit siya masasaktan at masasaktan ulit ako.
Minahal kita hindi para lokohin mo lang ako .
***************
(>_<)(>_<)(>_<)
Thank youuuuuu
YOU ARE READING
You are the Reason
Novela JuvenilYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.