Tinanong ko si Boss kung kailan ako pwede lumipat sa bago niyang Restaurant. Ansabi niya eh malapit naman na daw baka daw 2 weeks ganoon.
Pero, gusto ko na umalis sa trabaho nato. Okey naman sakin etong trabaho nato. Napamahal na nga sakin eh. Saka andito si Anna. Ganyan kami katalik na kaibigan hanggang trabaho magkasama .
Ngunit, hindi ko na kayang makatrabaho si Angel . Oras pa nga lang eh . Hirap na hirap nako . Paan0 pa kaya kung taon na ?
Tapos nakong maglunch kaya bumalik na ulit ako sa Restaurant.
"Hi Maam naglunch na po kayo?" Ngumiti na lang ako bilang tugon sa Tanong ni Angel the Sipsip.
Okey na sana eh . Bat nagpakita ka pa sa akin .
Iniwanan ko na lang siya doon at dumiretso na sa kusina.
Nakaramdam ako ng pananakit ng tyan ko. Kaya dali dali ako ng punta sa Comfort Room . At naglabas ng sama ng loob. Habang nagcoconsintrate ako sa paire . Bigla akong nakarinig na yapak. Kaya hininaan ko ung pagire ko. Nakakahiya naman kase.
Biglang tumunog yung telepono ng tao na nasa labas ng Cubicle.
"Hello BABEEEE" bigla nalang ako napairap ng wala sa oras noong narinig ko yung boses ni Angel. Biglang umurong yung sama ng loob ko ayaw na tuloy lumabas.
Badtrip naman oh sakit sa tyan nito hindi ko nailabas lahat e.
"Oo palabas na ako...... Antayin mo ko.... Oo sigeee... Sige bye J.... I love you too" narinig ko yung pagbukas at pagsara ng pinto . Ibig sabihin lumabas na ang Anghel na si Angel.
J sino kaya si J?
J stand for John. Naknang yan . Sabi na eh may something talagang nangyayari eh.
Noong naramdamang ko wala ng tao sa labas. Lumabas narin ako. At sinundan si Angel.
Habang papalabas ako natanaw ko na agad sa labas si Angel. Nagtago ako sa haligi . Pero alam kong hindi niya ako makikita rito .Pero, makikita ko siyao sila
Biglang may pumarada sa harap ni Angel . Kulay palang ng kotse niya at tunog nito . Kilala ko na. Takte bumaba pa edi lalo kong nakilala.
Hay*p ka John
Ano yon habang wala ako may kinikita siya. Okey lang naman wala nanamang kame
(Wala ngang kayo , pero nasasaktan ka) *inner me*
Pero, sa totoo lang noong nakita ko silang magkasama. Masakit pero, atleast nalaman ko ang totoo na meron ngaNg sila.
Lumapit ako sa kanila at nakakita ako ng live show na landian.
"Ang sakit niyo sa mata" bigla silang nagulat sa pagsingit ko.
"Ano may live show na naman ?"tinanaw ako ni John . Halata na kinakabahan siya.
Ngayon ako naman ang dudurog sayo.
"Maam andito pala kayo" singit ni Angel. Hindi , wala ako dito. Ang laki laki ko tapos hindi ako mapapansin.
Syempre nginitian ko lang siya.
"Akala ko si Grace lang , may angel pa pala. Ano ka cellphone na tatlo ang ginagamit na sim ?" Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Ano ayaw mong malaman niya?" Tinanaw ko si Angel . Halatang naguguluhan siya.
"Smile naman" angil niya sakin.
"So hindi niya alam? Hayaan mo ako na ang magsasabi . Bakit hindi mo kaya?" Tinaasan ko siya ng kilaya.
Kabahan kana .
"Yang boyfriend mo ay boyfriend ko rin. Actually ex-boyfriend pala. Pero , wag kang pakampante may Grace pa. " nakita kong nanlaki ang mata ni Angel.
Mabilis tumakbo si Angel at balak pang ni John habulin pero, hinawakan ko na yung kamay niya.
" Mag-usap tayo John. Please" pagmamakaawa ko, gusto ko lang malaman yung totoo.
"Nakita mo na yung ginawa mo . Walang kame. Saka balak ko na talagang kausapin ka. Ipaliwanag sayo lahat pero, imbes na umayos pinagulo mo pa" nakita ko sa mata niya yung irita.
Akala ko pagnakita ko siyang nasasaktan magiging masaya ako . Pero, hindi pala. Akala ko hindi ako masasaktan pero , akala ko lang pala.
Kase , sa totoo lang gusto kong danasin din niya yung sakit Na naramdaman ko. Ano yung ako lang ang masasaktan? Hindi pwede damay damay nato.
"John kahit ngayon lang, piliin mo naman ako. "Pero umiling lang siya at tumakbo na para maabutan niya si Angel.
Napaluha na lang ako sa sakit. Kase , pangalawa nanaman ako.
Ano option lang ako ganon?
Kahit kailan ayokong maging isa sa pagpipilian niya. Dahil, kung ako lang. Ako lang dapat.
Narealize ko na, kahit anong gawin kong pag-alis sa sistema ko si John . Wala hindi ko parin magawa.
Buti na lang at nakita ako ni Anna kung hindi ,hindi ako makakauwi.
Tama na yung pagpapakatanga ko sobra na kase. Ang sakit na.
(>_<)(>_<)(>_<)
YOU ARE READING
You are the Reason
Teen FictionYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.