Nagising ako ng may tulo ng luha sa gilid ng aking mata. Pero, paano kung niloloko lang niya ko . Paano kung may iba na talaga siya?. Kaya ko ba ?
Kahit kailan hindi ko kakayanin na iwanan ako ni John. Sanay nako na nandyan siya. Hindi ko kayang mawala siya.
Pinunasan ko nalang ang takas na luha sa mga mata ko. Alam ko na hindi ako iiwan ni John. Bumanggon ako at nagayos ng onti . Bumababa nako kaso, wala yung taong inaasahan ko . Wala si John. Akala ko naman ihahatid niya ko ulit.
Yan ang hirap sa ating mga babae ang hilig natin umasa sa mga bagay na malabong mangyari. Pero, sa punto ko baka busy lang yon. Busy lang siya tama.
Umupo nako at kumain nalang.
"Ate malapit na pala ang birthday mo" saad ni joy. Si joy ay nakababata kong kapatid. Duper duper close kami ni joy. Kahit may pagkasiraulo yan mahal ko yan.
Tama siya malapit na ang birthday ko.
" Oo , ano regalo ko ? " pabiro kong tanong.
" Hindi muna kailangan ng regalo dahil isang malaking regalo na si Kuya john para sayo. Hihihiiee yieee kilig siya." Ang kulit talaga ni Joy. Pero, tama siya hindi ko na kailangan na regalo dahil si john palang sapat na.
"Pero, wag kang magpakampante ate. Baka nga loyal siya pero, hindi naman faithful." Nagulat ako sa pahirit ni Joy. Tumayo na siya at naghanda na para pumasok. Bakit parang may alam siya na hindi ko alam? Sila ni mama. Dahil nakita ko na pinanlakihan ni mama ng mata si joy. Ano ibig sabihin non?. I really need to find out.
Tumayo narin ako at lumamabas para makapasok na sa aking trabaho. Naabutan ko si Joy na nagaantay ng masasakyan.
"Joy anu yung sinasabi mo kanina . May alam kaba na hindi ko alam? " seryoso kong tanong sa kapatid ko. Makikita mo sa mukha niya na kinakabahan siya. Kutkot siya ng kutkot sa kuko niya. Mannerism niya iyon pagkinakabahan siya.
"Ano kaba atee. Hugot ko lang yon. Oo tama hugot ko lang." Kinakabahang sagot niya. May tinatago talaga siya . Bakit ayaw mong sabihin Joy maniniwala naman ako ehhh.
Biglang may tricycle na pumarada sa harapan namin Joy. Sumakay siya bigla para makaalis na. Halatang iniiwasan niya yung sitwasyon.
Nakaalis na si Joy. Pero, bakit hindi parin tumatawag o nagtetext si John. Simula kagabi na naghiwalay kame ng landas ehh wala parin akong natatanggap.
Habang kung ano ano ang pumapasok sa aking isipan . Biglang nagvibrate ako aking telephono. Mayroon akong nareceive na dalawang Text kay Joy at John. Inuuna ko ang kay John.
"Morning luv. Di kita mahahatid . Take care mwahha".yan yung nakalagay sa text bakit alang i love you. Ganon naba kahirap itype ang 8 letters na iyan. Pero, hayaan ko na baka busy lang talaga siya.
Binasa ko din ang text ni Joy at nagulat ako sa kung ano ang nakalagay.
" Ate mamasahe kana. Hindi ka maihahatid ni kuya John." Paano niya nalaman na hindi ako ihahatid ni John . Pero, base sa text niya parang seryoso siya kase knowing Joy mahilig siya mag magemoji sa mga text .
Kinakabahan ako sa kung ano ang alam ni Joy na hindi ko alam?
***************
(>_<)(>_<)(>_<)THANK YOUU
YOU ARE READING
You are the Reason
Teen FictionYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.