"Smiley pinapatawag ka ni boss." Sabi ni maica . isa sa mga katrabaho ko.
Bakit kaya?
Habang naglalakad ako papunta sa Office ni Boss. Kinakabahan ako dahil wala naman akong ginawang katangahan ngayon ahhh.
" Goodmorning po Boss. Napatawag niyo po ako? ". Tumango lang siya at pinaupo ako sa silyang bakante na katapat sa kanya.
"Smiley napatawag kita dahil alam mo naman na lumalago na ang negosyo ko ." Ika ni boss. Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin niya.
"Gusto ko sana na ilipat ka sa bagong branch na ipapatayo ko. Payag kaba? Sayang di yung sahod na ibibigay ko sayo. " saad ni boss.
Sinabi ko na lang na pagiisipan ko. Habang malapit na ko sa pintuan palabas sa office ni boss . Bigla siya nagsalita.
" Kung anuman yang bumabagabag sa isipan mo at hindi mo matanggap itong magandang alok ko. Iwanan mo muna kung ano o sino yan." Nagulat ako sa sinabi ni boss. Binaliwala ko na lang at lumabas na sa silid na iyon. At nagtrabaho ulit.
Habang nagtratrabaho ko may biglang tumawag si John lang pala.
"Hey Luv, sunduin kita mamaya ah. Maghintay kana lang sa labas I love you mwhaa". Naknang lalaki nayon tumawag pero, hindi man ako pinagsalitaan. Tapos pinatayan pako. Pero, okey lang susunduin naman daw niya ko ehhh.
Habang nagiintay ako sa waiting shed. Tumabi sakin ang si Anna ang bitter ng taon este ang bruha ng taon hahah.
"Naku, hinihintay mo nanaman yung jowa mong Manloloko" saad ng bruhilda.
"Alam mo anna inggit kalang ehh. Sinisiraan mo pa kame, kung ako sayo magjowa kana lang din." Mataray kong sagot. Panibhasa inggit ehh walang jowa ang gaga. Cheee siya
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at sinabing... " Smiley maniwala ka niloloko kalang ni john . Nakita ko siya sa ba-." Hindi na niya naituloy yung balak niyang sabihin dahil biglang may nagparadang kotse,at kotse ni John iyon.
"Mauna nako" nagpaalam na ang bruha. Ang weird talaga ng babae nayon. Minsan mabait sakin minsan naman mataray may kaltok na siguro sa utak iyon.
Sinawalang bahala ko na lang ang sinabi ni anna bruhilda dahil alam kong hindi ako kayang lokohin ng John ko.
"Hey Smile tulala ka diyan . Ayos kalang ba huh?". Tamo ang sweet ng tao nato . Paano ko lolokohin natoh.
"Ayos lang ako. Gutom lang siguro". Masayahin kong tugon.
Dumiretso na kame sa kotse niya at kumain sa isang restaurant na eat all you can . Sa madaling salita matakaw kame ni John . Halos lahat ng date namin kailangan may pagkain laging foodtrip.
Habang kumakain kame bidahan doon bidahan diyan . Pagkatapos naming kumain nagpasya na kaming umiwi at parehas kaming pagod
"Salamat sa libre luv" awiiieee ang sweet ko minsan nga lang.
"Wala yon , anything for mylove." Sweet din niyang tugon. Nagpaalaman na kame sa isat isa.
Habang nagpapaantok ako iniisip ko yung sinabi ni anna . Paano kung totoo yon?. Paano kung niloloko talaga ko ni John ?. Paano kung may iba na siya ?
Kayo ko ba?
Hanggang sa naramdaman ko na unti unting bumabagsak ang mata ko sa kaantukan.
(>_<)(>_<)(>_<)
Plssz vote
YOU ARE READING
You are the Reason
Teen FictionYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.