Hindi pa ako ready magkwento sa pamilya ko kase, hanggang ngayon masakit parin.
Oo tumatawa ko pero, hindi ko alam kung dahil totoong masaya ba ako o napipilitan lang.
Masaya naman ako sa kung anong meron ako . Masaya ako dahil, swerte ko sa pamilya . Swerte ko sa kaibigan (kahit bruhilda)
Pero, iba yung saya na naidulot niya . Ibang iba. Yung saya na kahit lumipas na maaalala mo parin kung ano yung pakiramdam.
He makes me feel so special.
Buti na lang pala umalis na si mama at joy . Kung hindi makikita nila kung gaano naging mahina yung anak nila.
Malakas naman ako pero, bakit pagdating sa kanya sobrang hina ko ?
Unti unti akong dinudurog ng sakit.
Gusto ko ng makakausap kaya kumuha ako ng jacket at umalis na sa kwarto.
Habang pababa ako sa naulinigan ko si mama at papa na naguusap.
"Ano ba problema ng anak mo huh? " tanong ni papa kay mama. So nafefeel nila na may problema ako.
"Ayos lang po ako papa. Wag kang mag-alala." Biglang singit ko. Ayokong malaman ni papa na wala na kami ni John. Baka pagsabihan lang niya ako na simula noong una tama siya.
Hindi boto si papa kay john. Pero, wala siyang ibang sinabing masama kay John. Tahimik lang siya.
" Ma, pa aalis lang po ako " paalam ko kay mama saka kay papa.
" Masyado ng gabi baka ku- " hindi na pinatapos ni Mama yung sasabihin ni Papa.
" sige mag-ingat ka anak" nakita kong pinanlakihan ni mama ng mata si papa. Natawa na lang ako narinig ko pa silang nagtatalo.
"Bakit mo naman pinayagan yung anak mo kita mong gabi na "- papa
"Kaya na niya yon. Kaya ko nga pinag-aral ng self defensed yang anak mo ."- Mama
" Love naman kase" -papa
" kaya niya yon . Tigilan mo nga ako sa kalolove mo diyan. Bangasan ko yang mukha mo eh"- mama
Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Kasi kahit anong problema yung pinagdadaanan nila nanatili parin silang matatag at nagmamahalan.
Nakakainggit yung relasyon ng mga magulang ko. Kase, kahit anong mangyari faithful parin sila sa isat isa.
Sana ganoon din si John.
Habang naglalakad ako papunta sa kanto. Naisip kong kalkalin yung laman ng Cellphone ko .
Pagbukas ko ng cellphone ko. Bumungad sakin yung mukha naming dalawa (wallpaper). Nakakaiyak na nakakahinayang. Sa picture na yan sobrang saya namin.
Pumunta kami sa isang beach . Sa sobrang tuwang tuwa kami sa sunset nagpicture kaming dalawa at ginawang ko itong wallpaper. Kasi, everytime na nakikita ko yung wallpaper natutuwa ako at kinikilig pero, ngayon sobrang sakit ng nararamdaman ko. To the point na kahit picture palang yung nakikita ko nagbrebreak down nako.
Naisipan kong palitan ng Bible verses yung wallpaper ng phone ko . Pampalakas loob lang.
Natanaw ko bigla si Anna. Kaya dali dali kong pinunasan yung luha ko dahil, alam kong mahahalata niya nanamang umiyak ako.
"Ohhh bat nandito ka?" Swerte nga naman hindi na ako gagastos ng pera para lang makapunta sa kanila.
"Tinawagan ako ni tita kailangan mo daw ng kausap" alam kong banas na banas siya dahil, halatang kagagaling lang niya sa tulog. Ayaw na ayaw niya ng nagigising kapag natutulog siya. Hindi lang talaga siya siguro makahindi sa Nanay ko . Bwhahahaha
Tinawanan ko na lang siya sa pagirap niyang ginawa *insert tawaaaa bwhahahahahaha*
******************
(>_<)(>_<)(>_<)
Thankyouuuu
YOU ARE READING
You are the Reason
Teen FictionYou are the reason why im happy and, at the same time you are the reason why im hurt now.