"A-nong ginagawa mo rito? Diba may pasok? 'Wag mong sabihing umabsent ka para puntahan ako rito?"
"Sorry Riley. Sorry talaga kasi hindi kita nasamahan kahapon. Wala man lang akong nagawa para tulungan ka." Hindi parin tumitigil sa pag-iyak si Amber.
"Ayos lang ako. Kailangan ko lang mapag-isa kahapon kaya hindi na kita ginulo." Inilayo ko ang mukha niya na nasa aking balikat at pinunasan ang mga luhang umaagos sa kaniyang mata pababa sa kaniyang mukha.
" Okay ka na ba talaga?" Bakas sa kaniyang mata ang pag-aalala.
"Sa loob nalang tayo mag-usap Amber."
Tinahak namin ang daan pabalik sa loob ng bahay.
"Teka! May lagnat ka ba Riley? Hala!!! I'm sorry! Ganun ba kalakas yung sampal ni Alyssa? Ano pang ginawa niya sa'yo? May masakit ba sa katawan mo?" Pag-aalalang wika niya at chineck ang buong katawan ko, tinitignan kung may masakit akong parte.
"Ayos lang talaga ako. Makaka move-on rin ako sa kanilang lahat. Makaka-move on rin ako sa issue ko kay Aiden at kay Allysa." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at nginitian siya para sabihin sa kanyang ayos lang ako.
"Riley, speaking of that witch, Alyssa, and Aiden," she stated.
"What about them?" I stressed.
"Wala silang relasyon."
"A-anong walang relasyon? Hindi ba't girlfriend ni Aiden si Alyssa? Yuon ang sinasabi ng iba."
"Kalat na ngayon sa school na kinompronta ni Aiden si Alyssa na wala silang relasyon. Si Alyssa lang ang nag a-assume na meron silang relasyon. Alam mo naman kung gaano kabaliw ang babaeng 'yon kay Aiden. Ang sinabi nila, si Alyssa raw ang nagkalat ng pictures niyo ni Aiden at sinabing inagaw mo siya sa kaniya. Pinagkalat rin ni Alyssa na siya ang Girlfriend at ikaw ang kabit."
"Totoo ba 'yan Amber? Ang sama niya talaga! Ano bang ginawa ko sa kanila para gawin nila ito sa akin? Sinira nila ako. Sinira nila ako sa mata ng mga tao!"
Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mata ko nang dahil sa galit. Galit sa aking sarili dahil hinayaan ko itong mangyari. Galit sa mga taong naniwala sa kasinungalingan ng iba at galit sa taong nagpasimula ng lahat ng 'to.
"Nagulat nga kaming lahat nung sinabi ni Aiden yun sa lahat ng mga tao," pagpapaliwanag niya.
"Tinanong din ni Aiden sa akin kahapon kung nasaan ka. Nag aalala siya sa'yo. Lalo na nung nalaman niya yung nangyari sa'yo," dagdag niyang sabi.
"Nalinaw nga ang mga bagay sa pagitan namin ni Aiden pero hindi ko parin matatakasan yung mga taong may galit sa akin."
"Hayaan mo bes. 'Pag may umaway sa'yo at nagpakalat ng chismiss, pagsasampalin ko silang lahat."
Kahit papaano ay nabawasan yung bigat na nararamdaman ko dahil sa kaibigan ko. Matagal na kaming magkaibigan ni Amber. Since Elementary, kami na talaga ang magkasangga sa lahat ng bagay. Kami rin ang nagtutulungan tuwing may nang-aaway sa amin at nagdadamayan sa lahat ng problemang kinakaharap namin.
"Salamat Amber ha! Dahil nandito ka ngayon. Halika nga dito baliw kong friend." Lumapit ako sa kaniya at dinaganan ko siya gamit ang buo kong katawan. Napuno ng tawanan ang buong bahay at tila hindi ko alintana ang lagnat kong nararamdaman.
Sariwa pa man ang mga bagay na nangyari, pero nabawasan naman ito nang malaman ko ang totoo, lalo na ang relasyon ni Alyssa at ni Aiden. Hindi ko parin maiwasan ang sarili ko na magalit tuwing naiisip ko si Alyssa at ang mga ginawa niya sa akin.
Wala akong balak na bumawi sa kaniya. Ipapamukha ko lang sa kaniya ang pagkakamali niya at itatama ang mga walang katotohanang balita na pinapakalat niya tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
Believing Lies
Teen FictionI'm hurt. I'm alone. I'm broken. You came. You fixed me. You promised to never leave me; To love me forever; And accept me for who I am. You Lied. And I'm so stupid for believing your lies. 'BELIEVING LIES' ............ Full summary is on the first...