TWENTY FIVE: Second and The Two Glasses of Gin

220 15 0
                                    

Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko iyon pinapansin dahil busy ako sa pag-aayos. May lakad kasi kami ni Marcus ngayong araw at paniguradong nag-aantay na siya ngayon sa akin dahil kanina pa siya tumatawag.

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa unan ko at sinagot ang tawag ni Marcus.

"Anong ginagawa mo, Riley? Nandito na ako sa harap ng bahay niyo," pambungad ni Marcus.

"Just a second Marcus. Pababa na ako," sabi ko, sabay suklay sa aking buhok.

"Your seconds mean hours," he said.

He knows me well.

Kilala na ako ni Marcus dahil ilang buwan na rin ang relasyon naming dalawa. Ngayong araw ang 2nd monthsary namin kaya inaya niya akong kumain sa labas para mag celebrate.

"Pababa na talaga ako, Marcus. Nag-aayos lang ako saglit," wika ko at kinuha ang purse bag na nakapatong sa table.

Pagkatapos mag-ayos ay pumanhik na ako pababa at tumungo sa living area para magpaalam kay mommy.

Naabutan ko si mum and sofie na nanonood ng TV.

"I will call you later mum 'pag pauwi na po ako," sabi ko kay mommy at humalik sa kaniyang pisngi, ganun rin kay Sofie na busy sa kinakain niyang popcorn.

"Mag-iingat ka ha," wika ni mommy.

"Yes mum. Love you," saad ko bago buksan ang pinto at tuluyang lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko agad ang nakatindig na katawan ni Marcus, nakasandal siya sa kaniyang sasakyan at pinaglalaruan ang susi sa kaniyang kaliwang kamay.

Lumapit siya sa akin, "Babe, you look so beautiful," pambungad na sabi ni Marcus at pinasadahan ng tingin ang suot ko.

Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya at sa endearment na tinawag niya sa akin.

Hinarap ko siya, "W-what did you say?" Wika ko.

"I said, you look so beautiful," pag-uulit niya sa sinabi niya.

"N-no. B-before that,"sumbat ko at umiiwas ng tingin sa kaniya at pinipigilan ang sarili ko na mapangiti.

"Owww. You like it? Babe?" He said and smirked.

Yes.

"N-no. Ang cheesy kaya," tugon ko at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang helmet.

"Tingin ko you liked it. Then, I will call you babe," He said, hopping on his motorcycle.

Sinuot ko ang hawak kong helmet para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko alam at napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya. Aish you Marcus.

Sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan at tinahak namin ang madilim na daan hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan.

"Anong lugar ito, Marcus?" Tanong ko sa kaniya nang ihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang restobar.

Tinanggal niya ang helmet na suot niya at humarap sa akin. Tinanggal rin niya ang suot kong helmet at inayos niya ng bahagya ang buhok ko.

"Andito na tayo," aniya at tinulungan akong bumaba.

"B-bakit dito?" Nagtataka kong tanong dahil ang alam ko sa mga restobar ay nagseserve sila ng mga alcoholic beverage at hindi naman ako umiinom.

"Dito kasi kami tumutugtog ng banda namin. Minsan may gig kami rito at sideline ko na rin ito maliban sa pagtratrabaho sa sinehan." Sambit ni Marcus.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon