"Saan mo ba ako dadalhin, Marcus?" Hindi parin siya natigil sa paglalakad at paghila sa akin.
Nang makarating kami sa likod ng school, sa tabi ng fishpond, binitawan niya na ang kamay ko at hinarap ako.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Mag-uusap tayo. Yung nakita mo kanina. Oo siya si Hailey, yung ex ko. Hindi ko rin alam kung bakit siya pumunta rito o kung ano ang sadya niya. At yung nakita mo, yung paghalik niya sa akin, maniwala ka babe, walang ibig sabihin sa akin 'yon. Believe me."
"Naniniwala ako Marcus. Pero hindi mo rin maaalis sa akin na magalit, magselos. Marcus, may pinagsamahan kayo. Narinig ko rin yung pinag-usapan niyo. Narinig ko na gusto ka parin niya, at hindi parin siya nakakarecover sa'yo. Mahal ka niya Marcus."
"Wala akong pakielam kung may nararamdaman pa siya sa akin, Riley. Matagal na kaming tapos."
"Alam ko, Marcus. Pero paano, one day, marealize mo na mahal mo parin siy-"
"Hindi mangyayari 'yon. Mahal kita, at ikaw lang ang mahal ko. Kahit na bumalik siya, hindi kita ipagpapalit, babe."
"Pero Marcu-"
"Believe me. Ikaw lang ang babe ko. Remember that. Kahit na may bumalik o may dumating na iba sa buhay ko. Ikaw parin ang nag-iisang babe ko."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik. Pinunasan ko ang mga namuong luha sa mata ko at ibinaon ang mukha sa dibdib niya.
"I love you, babe," sambit niya sa malamyos na boses.
"I don't love you," sumbat ko.
"Ouch! My poor heart. Hindi na ako mahal ng babe ko."
"Childish,"
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at iniangat niya ang mukha ko para halikan. Dahil sa halik niya, parang naging bula ang selos at galit na naramdaman ko sa kaniya na bigla nalang naglaho.
Habang nakalapat ang labi namin ay nadako ang tingin ko sa di-kalayuan. Duon ko nakita si Ate Guard na naglalakad.
Lagot na!
Itinulak ko si Marcus pasandal sa puno at idinikit ko sa kaniya ang aking katawan para magtago.
"Babe, ang hard mo pala."
"Shhhh," pagpapatahimik ko sa kaniya.
"Hindi ko inexpect na gusto mo pala ng ganito kahard-" natigil siya sa pagsasalita nang ilapat ko ang kamay ko sa bibig niya.
"Si ate Guard, naglilibot. Huwag kang maingay."
Nasa ganung posisyon kami hanggang sa makaalis si ate guard. Para naman akong nabunutan ng tinik nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
........
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Marcus. After kasi ng klase, bigla nalamang siya nag-ayang lumabas. Hindi naman ako nakatanggi dahil matagal na rin kaming hindi nakakapasyal ng magkasama.
"Sa mall. Manonood ng sine. Matagal na rin kasi ng huli tayong nanood sa sine eh."
"Wala ba kayong gig? Hindi ka ba magtratrabaho sa coffee shop?" Tanong ko. Hanggang ngayon ay pumapasok parin si Marcus sa mga sideline niya, after ng school. Sinabihan ko na siya noon na magfocus nalang muna siya sa pag-aaral at hayaan muna ang pagtratrabaho. Pero matigas ang ulo niya at napakataas ng pride. Gusto parin daw niya magtrabaho, kahit extra lang, dahil gusto niyang ipakita sa dad niya na kaya niyang mabuhay nang hindi dumidipende sa kanila.
BINABASA MO ANG
Believing Lies
Ficção AdolescenteI'm hurt. I'm alone. I'm broken. You came. You fixed me. You promised to never leave me; To love me forever; And accept me for who I am. You Lied. And I'm so stupid for believing your lies. 'BELIEVING LIES' ............ Full summary is on the first...