THIRTY TWO: Basag-ulo (Basag na Ulo)

70 3 0
                                    

"Kamusta? Nagkaayos na ba kayo?" Tanong ni Amber.

Nandito kami ngayon sa canteen at kakatapos lang namin kumain ng lunch. Inaantay nalang namin ang bell, bago kami pumasok sa aming mga room. Naikwento ko rin kay Amber ang nangyari sa amin ni Marcus at ang ginawa ni Aiden, kaya ngayon ay puro ang tanong niya sa akin.

"Okay na kami. Napag-usapan na namin ni Marcus yung nangyari at ipinaliwanag ko rin sa kaniya na misunderstanding lang yung nakita niya. Naindindihan naman niya ako, kaya tinapos na rin namin yung issue," saad ko.

"Ay naku, dapat lang! Kung may tampuhan kayo, kailangan niyong pag-usapan. Hindi dapat pinapairal ang pride. March palang, tatlong buwan pa bago ang pride month. Huwang niyong pangungunahan."

"Nagsalita. Eh kayo, kamusta kayo ni Third? Kayo yata ang advance sa pagdiriwang ng Pride month eh? Nagkausap na ba kayo?"

"Ayy naku! 'Wag na nga natin pag-usapan 'yon. Naiinis parin ako sa kaniya. Puro siya ML. Kapag tumatawag ako sa kaniya, hindi niya sinasagot. Lagi niyang sinasabing 'one game pa'. Tapos nanghihingi pa sa akin ng pambili raw niya ng skin. Eh hindi ko alam kung anong skin hinihingi niya, kung balat ba ng lizard, crocodile o balat ng soro. Ang kapal niya manghingi ng skin ni Miya. Ewan ko ba, babae niya siguro si Miya. Bakit ko siya bibilhan ng skin, eh hindi nga niya ako mabilhan ng damit." Pagkatapos magsalita ni Amber ay nilagok niya ang tubig sa kaniyang baso at idinabog ito sa mesa pagkatapos.

Natawa ako sa sinabi niya dahil wala siyang kaalam-alam kung ano ang skin at kung sino si Miya. Marahil ay hindi pa siya nakapaglaro ng Mobile Legends.

"Hoyyyy, Amber! Tawang-tawa ako sa'yo HAHAHA. Hindi ka pa ba nakapaglaro ng ML? Yung skin yuon yung parang damit o armor ng hero sa ML, pampadagdag yuon ng physical attack. Si miya naman, hero siya sa Mobile Legends HAHAHA. LT ka talaga," wika ko habang tawang-tawa sa kaibigan.

"Talaga ba? Akala ko naman nag checheat na sa akin si Third. Pero, basta! Bahala siya! Manigas siya sa kaka-ML niya."

"Amber. Mag itatanong pala ako," pagbabago ko sa usapan.

"Ano 'yon, friend?"

"Ahh. Ehh. Paano ba'to? P-posible bang magkita or magkaroon ng connection sa isa't isa ang mag ex na after break up? Sa tingin mo, ano yung mga reason ng sudden meet up nila?" Tanong ko. Nais ko kasing malaman yung mga posibilidad ng pagkikita ni Marcus at ni Hailey. Ayaw ko mang bigyan iyon ng kahulugan, ngunit naiintriga ang isipan ko at hindi ko maiwasang magtanong.

"Bakit mo naman natanong? Nakaka-intriga naman ites. Nakipagkita ba si Marcus sa ex niya?"

"H-hindi si Marcus."

"Aysus! Magtatanong ka ba kung hindi siya? But... You know friend, base sa mga napapanood ko sa mga kdrama at telenobela, may mga iba't-ibang dahilan kung bakit nakikipagkita ang ex-girlfriend sa ex-boyfriend niya. (1) It is because she has felt emptiness in his life since he exited it. (2) She missed him (3) She is curious about what he's doing in his life. Nangangamusta. Ganern. (4) She wants him back. Girl humanda ka. Char. Kasi sa mga napapanood ko, trying hard yung girl na maibalik yung jowa niya, yun bang pati mount everest kaya niyang akyatin (5) Closure. Yun bang kailangan nila mag-usap para officially na putulin na yung ugnayan nila sa isa't- isa...... So mamili ka diyan kung ano ang mas prefer mo."

"Sa tingin mo, Amber?"

"Ayyy aba, ewan ko. Bakit hindi mo nalang tanungin si Marcus, diba? Ask him kung anong deal niya sa ex niya at kung bakit niya kailangan itong kitain."

"P-pero."

"P-pero ano, Riley? Bruhilda ka. Ako naiistress sa'yo," ani Amber.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon