THIRTY ONE: Hailey

139 41 5
                                    

"M-marcus?"

Bakas ang pagkabigla sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin sa kaniya. Hindi ko rin maipinta ang ekspresyon sa mukha ni Marcus. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at ikinuyom ang kaniyang kamao, dahilan ng pagkalukot ng hawak niyang papel sa kanan niyang kamay.

"Bagay kayo. Kung hindi mo lang ako boyfriend, iisipin kong magsyota  kayo," wika ni Marcus at tumawa ng nakakainis.

"M-marcus m-mali ka ng iniisip," saad ko, sinusubukang ipaliwanag sa kaniya ang nakita niya.

Inilukot niya ang hawak niyang papel hanggang sa pumorma itong bilog. Ibinato niya ang papel sa mukha ni Aiden.

"Tangina mo pre!" Singhal ni Marcus bago naglakad paalis sa lugar.

Pinulot ko ang ibinato niyang papel at hinabol siya. Pero nang tignan ko si Marcus ay nakalayo na ito. Patakbo akong naglakad at sinundan siya. Kalaunan ay nawala na siya sa paningin ko at hindi ko na alam kung saan siya lumiko. Dahil sa pagod, sumuko ako sa paglalakad at isinandal sa pader ang aking likuran. Dumausdos ako pababa sa sinasandalan kong pader, kasabay ng pagbagsak ng mga luha na pilit kong nilalabanan. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari ang bagay na ito. Naiinis rin ako dahil alam kong nasaktan ko si Marcus.

Kinuha ko sa aking bulsa ang papel na ibinato ni Marcus. Pagkabuklat, bumungad sa akin ang results ng kaniyang exam. Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa aking mata at sinuri ang mga numero sa papel. Hindi niya ako binigo. Lahat ay naipasa niya. At hindi lang pasa, kundi ay mas mataas pa ang nakuha niyang score sa ineexpect ko.

Hanggang madako ang tingin ko sa isang sulat na nasa ibaba ng papel. Ibinuklat ko ng mabuti ang papel para mabasa ang nakasulat roon.

Sabi ko naman sa'yo babe chicken lang 'yang exam. Kwits na tayo ha, 'wag mo rin kakalimutan yung reward ko. Maraming salamat nga pala babe, kung hindi dahil sa'yo hindi ako magpupursigi at hindi ko maipapasa ang exam ko. You're my savior. Hindi na ako mag rerepeat next year at makaka-graduate na ako. Salamat babe. I love, love, love, love you more than million times.

-Gwapo mong boyfriend

Pagkabasa ng sulat ni Marcus ay mas lalo akong humagulhol at nakaramdam ng mas matinding pagkainis sa aking sarili.

Dinial ko ang number ni Marcus at tinawagan siya. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya at sabihing mali ang iniisip niya at humingi ng tawad dahil hinayaan kong mangyari ang bagay na 'yon.

The number you've dialed is either......

Sumubok ulit akong magdial.

The number you've dialed is either...... please try your call later.

Subok.

The number you've dialed is either...... please try your call later.

Subok.

The number you've dialed is either...... please try your call la-

Ilang tawag ang ginawa ko ngunit walang response. Dahil siguro nakapatay ang cellphone niya.

Hindi na ako muling sumubok pang tumawag at tumayo na ako sa aking kinauupuan.

Patakbo akong lumabas ng school at nag-abang ng masasakyan sa tabi ng kalsada. Nang makahanap ng masasakyan, tumungo ako sa restobar ni ate Jen, kung saan tumutugtog ang banda nila Marcus.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon