THREE: The Bitch and Her Ugly Minions

602 155 6
                                    

6:45

It is a cool morning and the only bright light on the street is the rising sun. I'm on my way to school. Walking on a busy scene as several horse-drawn vehicles of all sizes pass on a cobbled street, with pedestrians walking and talking.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa bus stop.

I'm now patiently standanding at the bus stop. Beside me, there are also many students waiting.

"Ikaw pala. Ang liit talaga ng mundo noh? Nagkita nanaman tayo." A man stood next to me and started talking.

Lumingon ako sa aking kaliwa at pinasadahan siya ng tingin.

"Himala hindi ka umiiyak ngayon," he spoke again.

Hinayaan ko lang siyang magsalita at hindi siya pinansin.

"By the way I am -."

Naglahad siya ng kamay at aktong magpapakilala sana nang dumating na ang Bus. Agad naman akong umakyat sa bus pagkabukas nito. Umupo ako sa pangalawang row ng upuan, katabi ang isang ale na nakapusturang pang opis.

Nang makapasok na ang lahat ay nakita ko ang pag entrada ng lalaking kumausap sa akin. Siya yung lalaking nakisali sa usapan namin ni Aiden kagabi at ang lalaking nagpahiram sa akin ng panyo nung araw na lumuluha ako mag-isa sa likod ng school.

Bigla ko namang naalala yung panyo na pinahiram niya sa akin nung araw na yun. Hanggang ngayon ay hindi ko parin iyon naibabalik. Napayuko ako bigla nang dahil sa kahihiyan. Nasa basket parin yun ngayon, kasama ng mga maruruming damit.

Punuan na ang bus. Napahinto naman sa harapan ko ang lalaki dahil wala nang lugar sa likod.

Itinaas niya ang kaniyang braso upang abutin ang hawakan, para hindi siya matumba habang umaandar ang bus. Dahil sa kasikipan, napaatras siya papalapit sa akin. Ramdam ko ang pagsagi ng tagiliran niya sa balikat ko.

Nang nilingon ko ang kaniyang mukha ay bumungad sa akin ang kaniyang mala anghel na aura. Nakatingin siya ngayon sa harap at mapapansin ang kaniyang perfectly- refined face. I couldn't help myself to compliment his looks. Especially his pinkish lips, jawline and his blue eyes that shines as bright as the rising sun in the mourning. However, mas nakuha ang atensyon ko ng earings sa kaniyang tenga. Kapansin-pansin ang pagkinang nito dulot ng liwanag na tumatama sa kaniyang hikaw na nagmumula sa liwanag na tumatagos mula sa labas ng  bintana ng bus.

"Baka matunaw ako miss," he said, smirking.

Bigla naman akong napayuko nang magsalita siya.

"Kapal mo!" I replied. 

Kinuha ko ang earphones sa aking bag at sinulpak ito sa aking taenga.

....

Hindi ko pinansin ang mga taong nagbubulungan sa paligid habang tinatahak ko ang hallway papunta sa aking locker.

Pagkabukas ko ng locker ay agaran kong kinuha ang mga kakailanganin kong libro.

Sa hallway na ito, kung saan ako naglalakad, naranasan kong mapahiya sa lahat. Ang hallway na ito ang nakarinig ng mga kasinungalingang binabato ng mga tao sa akin. Sa hallway rin na ito, naranasan ko ang una kong sampal.

I walked on the hallway without looking at anyone. I kept my head down, hugged my books that was on my chest and walked straighly until I reached our room.

Nasa loob na ako ng room at wala pang mga tao rito.

Tables were arranged neatly in rows, each table seating two people side by side. Now, I'm sitting in the classroom alone, air conditioner lazily whirring in the background, I let out a sigh of relief.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon