TWENTY TWO: Hintayin mo ako!

243 21 1
                                    

Na- enjoy ko ang bakasyon namin at ganun rin ang buong pamilya. Kaka-uwi lang namin sa bahay at kasalukuyan naming tinutulungan si daddy na mag empake ng kaniyang gamit dahil kinabukasan ay lilipad na siya pabalik ng France. Ang bilis ng panahon, kailanlang nung umuwi si daddy dito sa Pilipinas at ngayon ay kailangan niya na ulit bumalik para magtrabaho.

"Mami-miss kita dad," I said with my downcast eye.

"Ako rin naman anak. Mami-miss ko kayong lahat," wika ni daddy. Binuka niya ng malapad ang kaniyang bisig at nag-anyaya ng yakap. Lumapit kaming lahat kay daddy at niyakap siya ng mahigpit.

*Doorbell ringing*

"Riley, nak. Tignan mo kung sino yung tao sa labas," sabi ni mommy.

Kumalas ako, maging sila mommy at sofie sa pagkakayakap kay daddy at pinagpatuloy ang pag i-empake. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tumungo sa gate para tignan kung sino ang nandon.

Binuksan ko ang gate at bumungad ang imahe ng lalaking ayaw kong makita.

"Hi babe," pambungad na bati ni Marcus.

"Marcus stop it," pagbawal ko sa kaniya. Dahil simula nung araw na tinawag ko siya sa salitang yon ay hindi na siya natigil sa pang-aasar sa akin.

"Why babe?" He said with his seductive voice.

"Could you please stop teasing me, Marcus?" I yelled and rolled my eyes. He just chuckled.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"I came here to see you. Kasi miss ko na ang babe ko," aniya at humakbang papalapit sa akin. Hindi parin talaga siya nababasag sa pang-aasar sa akin.

"I don't miss you, and pwede bang wag mo na akong tawagin sa endearment na 'yan. Hindi pa naman kita boyfriend," sagot ko at humakbang papalayo.

"Hindi pa? So?"

I just realized what I have said.

"T-that's not what I mean. Aish"

Mas humakbang pa siya papalapit sa akin at umatras naman ako hanggang sa tumama ang likuran ko sa gate. Nginitian niya ako ng nakakaloko at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Inilapit niya ang bunganga niya sa tenga ko at bahagya akong nakiliti ng magsalita siya.

"So... anong ibig sabihin non? Pwede mo namang sabihin sa akin kung gusto mo na rin ako para tayo na," he whispered. Tinignan ko siya at nakaangat na ang gilid ng labi niya.

"C-crazy," saad ko at pilit na nilalayo ang mukha ko sa kaniya.

"Ate, sino daw yung tao sa labas?" Sigaw ni sofie. Mabilisan kong tinulak si Marcus at lumayo sa kaniya.

"W-wala, delivery lang galing sa lazada," pagsisinungaling ko dahil baka ano pang isipin ng kapatid ko.

"Saan yung diniliver, ate?" Napatalon ako sa gulat nang sumulpot si Sofie sa gilid ko.

"Hi baby girl," pagbati ni Marcus sa kapatid ko. Iniyuko niya ang katawan niya para pantayan ang kapatid ko.

"Hi ate's boyfriend," sabi ni Sofie at kumaway pa kay Marcus. Ginulo naman ni Marcus ang buhok ni Sofie dahil sa kakyutan nito.

"Ate nasaan na yung delivery boy ng lazada?" Tanong ng kapatid ko.

Ano nang sasabihin ko niyan?

"Ah eh. Akala ko kasi delivery boy eh, si Marcus pala," pagsisinungaling ko.

"Kuya Marcus gusto mo bang pumasok sa loob? Marami kaming biniling pasalubong galing sa boracay and may food din na niluto si daddy," pag-anyaya ni Sofie.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon