THIRTY THREE: Finding X

80 3 0
                                    

"Finding "x". To solve for "x", kailangan mo munang maintindihan yung basic rules ng algebraic operations. Isolate "x" on one side of the algebraic equation by subtracting the sum that appears on the same side of the equation as the "x." Halimbawa, in the equation "x + 6 = 18", rewrite the equation as "x = 18 - 6" and solve for "x." The solution is "x = 12. Nakuha mo ba?" 

Tumango lang si Marcus at sinabing naunawaan niya ang itinuro ko sa kaniya. Kanina ko pa inuulit sa kaniya ang  basic rules ng algebraic operations at hindi ko sigurado kung naunawaan niya talaga.

"Sure ka ba talagang nagets mo? Baka kapag nag-quiz na kayo mamaya malimutan mo na? Gusto mo bang ulitin ko?"

"Wala ka bang tiwala sa babe mo, babe? Chicken lang sa akin yan. Ganito nalang, bigyan mo ako ng isosolve ko," suhestiyon niya.

Nagsulat ako sa papel ng equation at pinasagot kay Marcus.

x+4=12. Find the value of x.

Kinuha niya ang papel at sinagutan ang tanong. Nag-isip siya ng ilang segundo bago sagutan ang tanong.

"I'm done. 16 ang sagot," aniya at proud na ipinakita sa akin ang computation niya.

"Mali! Akala ko ba alam mo na? Para makuha mo yung value ni X, kailangan mo silang i-minus sa 4. Para macancel yung 4, kailangan mo siyang isubtract sa 12. So ang sagot is 8," paliwanag ko.

Nagkamot ng ulo si Marcus bago nagsalita ." Bakit ba kasi kailangan pang hanapin si X? Bakit mo pa hahanapin yung value niya, kung X na siya? Kapag X na, wala nang halaga 'yan. Aray!" Pinisil ko ang pisngi niya dahil ang dami niyang sinasabing dahilan.

"Kaya ka laging bumabagsak eh. Dinadaan mo lagi sa biro." Binitawan ko ang pisngi niya nang mapansin kong namumula na ito. Nagpout siya at hinawakan ang pisngi.

"Grabe naman itong teacher na'to. Mapanakit," sumbat niya. Inirapan ko nalang siya.

The bell went soon after, making me get up from the table without hesitation.

"Anong next subject mo, Marcus?" I asked as I stucking my notes to my bag.

"P.E. May practicum kami ngayon. May basketball game kaming boys sa gym para sa PT namin. Ikaw, babe?"

"Vacant. Sa library muna ako magpapalipas ng oras," saad ko bago kinuha ang bag na nakapatong  sa mesa at nagpaalam kay Marcus.

"Later? Mag-iingat ka babe," ani Marcus at kumaway pa bago umalis. Napangiti nalang ako at nagsimulang maglakad patungong library.

"Excuse me." Napatigil ako sa paglalakad nang may lumapit sa akin, isang babae. Maganda, matangkad, maputi at maayos ang pagkakabihis. Ngayon ko lang siya nakita dito sa school, marahil ay outsider siya dahil hindi siya nakasuot ng uniform na gaya sa akin . Lumpait  sa akin ang babae at nginitian ako.

"Pwedeng magtanong?" Aniya sa malamyos na boses.

"Sure," tipid kong sagot at nginitian siya pabalik.

"May itatanong sana akong estudyante, dito siya nag-aaral. Baka kakilala mo."

"What's her or his name? Baka kakilala ko," saad ko.

"Marcus. Marcus Ferierro. Kilala mo ba?" Para namang nagpanting ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Marcus. Anong kailangan niya kay Marcus?

"Y-yes. Why? Anong sadya mo?"

"Gusto ko sana siyang i-meet. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Inalala ko kung anong subject nila ngayon, PE. Natandaan ko na nasabi niya sa akin kanina na may Practicum sila sa Gym ngayon. "Try to look him sa Gym," wika ko at nginitian siya.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon