FIVE: Study Date

576 131 6
                                    

I'm in front of a mirror, watching my own reflections while brushing down my hair. Hindi parin ako lubusang makapaniwala sa mga nangyari sa akin. Sa ginawa sa akin ni Alyssa, at sa mga masasakit na salitang paulit-ulit niyang binibigkas sa akin.

"Sa susunod matuto kang lumaban. 'Wag mong hayaan ang sarili mong inaapi ng iba. A person like you deserves to be respected and no one has the right to hurt you. Kahit na yung Alyssa na 'yon. Learn to fight. Kasi kung hindi ka lalaban, matatalo ka. Tandaan mo 'yan." Marcus' sentence keeps on flashing back to my head. 

Tama siya. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko na inaapi. Dapat lumalaban rin ako. Masyado na siguro akong naging mabait sa kanila dahil hinahayaan ko lang ang mga pambu-bully nila sa akin, but this time. I'm going to fight them back.

"Ano ba talagang nangyari sa'yo Riley? Sinong may gawa sayo nito?! Si Alyssa ba? Tell me! Namumuro na talaga yung bitch na yun ha, konting- konti nalang bi-BINGO na yun sa akin," sabi ni Amber habang nilalagyan ng gamot ang mga galos ko.

"'Wag na nating pag-usapan yung mga nangyari, Amber."  Humarap ako sa kanya at nginitian siya. Kung maaari ayaw kong madamay ang kaibigan ko sa mga problemang kinakaharap ko ngayon.  I don't want her to get involved at baka pati siya ay saktan rin nila Alyssa. I know na mas malakas ang loob ni Amber kesa sa akin. Siya kaya niyang lumaban at hindi niya pinapalampas ang panahon na makapaghiganti 'pag may nanakit sa kaniya. While me? Yuon ang kahinaan ko - ang lumaban.

"Sumusobra na talaga 'yang bitchesang yan ha! Naku, 'pag may pagkakataon talaga reresbakan ko yung bruhang 'yon." Habang nagsasalita ay inaaksyon pa niya ang mga sinasabi niya.

Natuwa naman ako sa ginagawa niya. Kahit papaano ay napapagaan niya  ang pakiramdam ko. I can say na kilala talaga ako ng kaibigan ko. Alam niya kung kailan ako patatahanin, alam niya kung kailan siya tatahimik at higit sa lahat alam niya kung paano ako pasayahin everytime na nakikita niya akong malungkot at nasasaktan. And I'm so thankful dahil may kaibigan akong kagaya niya.

"By the way, anong plano mo ngayon?" Tanong ni Amber.

"Siguro dito muna ako sa bahay niyo? Pwede ba, Amber? Plsssss plssss. Siguradong ma ho-hot seat ako kay mommy 'pag nakita niya itong nangyari sa akin."

"No problem bes. Parang first time mo namang mag sleep over dito sa bahay. And mas okay na dito ka muna kasi for sure mag-aalala yung mum mo sa nangyari sa'yo."

"Salamat Amberrr." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Umakto naman siyang parang nasasakal. Natawa lang ako sa reaksyon niya.

"Call your mum Riley para alam niyang dito ka matutulog. Tell her na gagawa tayo ng project." I nodded and fetched my phone. I messaged her. Pumayag naman siya. Wala naman daw problema dahil kaibigan ko naman si Amber.

.....

Pumasok ako sa school at suot ko ang damit ni Amber. Wala na kasi akong time umuwi sa bahay para kumuha ng isang set na uniform. Pumayag naman siya.

Pagpasok ko kanina sa school, pansin ko ang mga tingin ng mga tao sa hallway, they are looking to my hair, kahit sino naman makakapansin sa pagbabago ko dahil sa gupit ko. Ang mahaba at wavy kong buhok ay maikli na ngayon. Hindi na rin mainit ang balita tungkol sa issue ko kay Aiden. Siguro ganun talaga ang buhay. Sa una pag uusapan ka nila, pero habang tumatagal ang panahon, may bago nanaman silang pagkwekwentuhan at pagkakaabalahan. Pero isa nalang ang problema ko- yuon ay si Alyssa.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon