"Happy Birtday to you," pag-awit ni Amber sabay abot sa akin ng isang paper bag.
"Naalala mo? Alam mo kung hindi mo lang ako binati, hindi ko maaalala na birthday ko pala ngayon," saad ko sa kaniya. Isinara ko ang pintuan ng locker ko at kinuha mula sa kaniya ang paper bag na may nakasulat pang 'Happy Birthday'.
"Baliw ka ba? Ilang taon na tayong magkaibigan, sa tingin mo ba ay makakalimutan ko?"
"Salamat, Amber. Nag-abala ka pa sa regalo mo."
"Ano ka ba? Maliit na bagay, hindi naman iyan ikakabawas ng ganda ko." Napatawa nalang ako sa sinabi niya at niyakap siya.
"Ngapala. Binati ka na ba ng jowa mo?"
Duon ko naman napag-isip na simula kagabi ay hindi pa ako nakakatanggap ng text mula kay Marcus. Marahil ay nakalimutan niyang mag-message dahil narin sa problema niya na hindi niya sinasabi sa akin.
"H-hindi pa nga eh."
"Naku! Hindi ko na papangunahan. Pero baka may surprise siya sa'yo, friend. Baka kunwari nakalimutan niya, tapos mamaya may pa surprise party pala."
"Napaka-advance mo talaga mag-isip, Amber. Paano na ako masusurprise niyan?" Pagbibiro ko. Nagtawanan nalang kami.
*Message tone*
Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinignan kung sinong nagtext. Nag-pop sa lockscreen ko ang pangalan ni Marcus.
Binuksan ko ang message.
Marcus 7:57
Hindi ako makakapasok ngayon babe. May konting sinat kasi ako at sumasakit din yung katawan at ulo ko dahil naabutan ako ng ulan kagabi. Itetext nalang kita mamaya kung masusundo kita. Labyu❤️Riley 7:58
Okay ka lang ba? Uminom ka ng gamot mo ha. Ako nalang ang pupunta diyan mamaya, huwag mo na akong sunduin.Pagkasend ko ng message kay Marcus ay tumunog na ang bell, senyas ng panimula ng klase.
Dumiretso na ako sa classroom at pinagdiwang ang kaarawan ko sa pamamagitan ng pakikinig sa klase maghapon.
Hanggang sa matapos ang klase sa maghapon.
"Saan mo balak?" Tanong ni Amber. Kasalukuyan naming binabalangkas ang daan palabas ng school. Tinatanong ni Amber kung saan ko balak mag college. Tapos na kasi ang finals at malapit na ang graduation. Ilang lectures nalang at projects na ipapass ay wala na kaming gagawin kaya pwede na naming asikasuhin ang college na papasukan namin.
"Inaantay ko pa kasi yung resuts ng entrance exam ko sa UP and ATENEO. Depende kung saan ako nakapasa. Pero hindi ko pa alam. Kasi nag suggest si dad na sa France nalang daw ako magpatuloy ng studies ko. Gusto ko rin naman don, para narin may kasama si dad. Ikaw ba?"
"Sana nga rin pasok ako sa ATENEO. Alam mo namang dream school ko 'yon ever since the world began."
"Tiwala lang. Makakapasa ka rin don. Ikaw pa," tugon ko at nag 'fighting sign' pa.
"Kamusta na pala ang dad mo, friend?" Pagbabago ni Amber sa usapan. Naikwento ko kasi sa kaniya ang lagay ni Dad. Bigla naman akong nalungkot nang maisatinig si dad.
"Sabi ni mommy ok naman na ang lagay ni dad. Ngayon, ipinagdarasal ko nalang ang fast recovery niya," saad ko at pilit na ngumiti.

BINABASA MO ANG
Believing Lies
Novela JuvenilI'm hurt. I'm alone. I'm broken. You came. You fixed me. You promised to never leave me; To love me forever; And accept me for who I am. You Lied. And I'm so stupid for believing your lies. 'BELIEVING LIES' ............ Full summary is on the first...