TEN: The Tale of The Moon And The Earth

475 75 8
                                    

Hawak ngayon ni Marcus ang kamay ko at hinila ako papalayo sa lalaki. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla-bigla nalamang siyang nagagalit. Hindi ko rin maipinta ang kaniyang mukha at bakas ang inis sa kaniyang ekspresyon.

"Marcus bitawan mo nga ako," pagpupuniglas ko at pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Marcus sa kamay ko. "What's wrong with you? Bakit ba bigla-bigla mo nalang akong hinila, alam mo naman na may kinakausap ako diba?"
Hindi parin siya tumigil sa paglalakad at paghila sa akin.

Binuksan niya ang pinto ng fire exit at nasa stairway na kami ngayon. Huminto ako sa paglalakad at hinila ang aking sarili. Huminto rin siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Ano ba talagang problema mo Marcu-"

He took a deep sigh and faced me.

"You told me na hindi ka pwedeng ligawan, diba? Tapos ikaw itong nag e-entertain ng ibang lalaki. Tch. Pati number mo, ibibigay mo na kung hindi lang ako dumating."

"Pake mo ba? Ikaw ba si Riley? At siyaka hindi naman kita boyfriend."

"Can't you see? I'm Jealous. My poor heart," pagdradrama niya. Hinawakan pa niya ang dibdib niya at umarte na parang tinusok ng sibat sa puso.

"Marcus, pwede bang tumigil ka na sa trip mo? Tigilan mo na ang paglalaro mo sa akin, dahil hindi ako nakikipaglaro. Diba isa lang naman akong laro? Na kapag nanalo ka na at nagsawa ka na, ibang game naman ang lalaruin mo."

"You think na laro lang ito, Riley? You are not a game and you will never be."

"Then what?"

"I like you, I really do. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin Riley," Marcus stated, resting his forehead to mine and caressly touched my face.

"I-I don't really understand you, Marcus."

Tinignan ko ang mga mata niya at paulit-ulit na nanghihingi ng paliwanag sa mga sinasabi niya.

"Riley I really like you. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, basta ang alam ko lang ay gusto na kita. I got jealous, I got worried, I got mad, that's only because I like you and I don't want anyone else to have you. Hindi ako naglalaro," Marcus said, caressing my head.

"Y-you're not serious, Marcus."

"Seryoso ako, Riley."

My phone suddenly rang and it caught both of our attention. I managed to scape to his arm and picked the phone in my pocket. When I opened my phone tons of messages from Amber flashed on the screen. I forgot. Nakalimutan ko na naghihintay pala siya

"Marcus I have to go," ibinaba ko ang kamay niya na nakaharang sa akin.

"Where are you going?" Marcus asked.

"Kailangan kong puntahan si Amber. We are going to watch a movie and nakalimutan ko siyang balikan," wika ko at nagsimulang maglakad papalayo pero hinawakan niya ang aking kamay. Hinarap niya ako sa kaniya at niyakap.

"I will wait for you," he said and kissed my head. He released me and I managed to escape from his warm hugs.

.......

"What took you so long? Akala ko nilamon ka na ng kubeta. Wait, Okay ka lang ba? Bakit parang mukha kang stress?" Tanong ni Amber.

Hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang mga sinabi Marcus. Hindi parin ito lubusang nap-proseso ng utak ko. Gulong-gulo na ang isip ko ng dahil sa kaniya, at kahit na anong gawin kong paglimot ay hindi ko magawa.

"Hoy! Okay ka lang ba talaga? Bakit natulala ka bigla?"

"W-what? I'm fine. Sa tingin ko kailangan na nating pumasok sa sinehan, magsisimula na ang show," sabi ko at nagsimula nang maglakad.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon