TWENTY SEVEN: Dalawang Uri ng Halik: Ginusto at Ninakaw

188 12 0
                                    

Binabalangkas namin ngayon ni Marcus ang daan sa hallway ng school. Hawak ng kanan niyang kamay ang kaliwa kong kamay. Hindi naman na bago sa akin ang ganito. Ang sabay kaming pumasok, sabay kumain, sabay maglakad sa hallway, at ang paghawak niya sa kamay ko saan man kami magpunta. Hindi na rin ito bago sa mata ng mga estudyanteng nakakasalubong namin yung iba kinikilig tuwing nakikita kaming magkasama, yung iba naman ay pinapatay na ako sa mga isip nila dahil grabe sila kung makatitig sa akin. Yun bang may inggit. Pero hindi ko nalang iyon pinapansin lalo pa't alam kong nasa tabi ko lang lagi si Marcus.

"Marcus," pagtawag ko sa pangalan niya.

"Mmmm?" Tugon niya, tuloy lamang siya sa paglalakad.

"Tungkol nga pala sa babae noong nakaraang gabi."

Napatigil siya sa paglalakad nang matanong ko sa kaniya ang babaeng naka-enkwentro namin noong nakaraang gabi. Matatandaan ko, nasa edad 40 pataas ang babae. Hindi ko nga lubos maintindihan kung bakit iniiwasan siya ni Marcus.

Nilingon ako ni Marcus, "Huwag na nating pag-usapan 'yon," sambit niya.

Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa daan at patuloy na naglakad. Pansin ko naman ang pagbabago sa ekspresyon niya at tila galit na siya ngayon. Hindi ko alam kung saan siya galit. Galit ba siya sa akin dahil tinanong ko sa kaniya ang babaeng 'yon? O galit siya dahil may mas malalim pa siyang pinaghuhugutan? Napayuko nalamang ako at otomatikong sumimangot ang aking mukha.

"Ayos ka lang?" Ang tanong ni Marcus nang makapasok kami sa room. Napansin ata niya ang pagsimangot ko. Hindi ko siya nilingon at tumango lang ako.

Nagtungo ako sa aking upuan. Nang makaupo, nilingon ko si Marcus. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon niya at parang may galit na namumuo sa kaniyang mga mata. Pansin ko rin ang pagkuyom ng kaniyang kamay at sinuntok ang ibabaw ng mesa. Hindi iyon nakagawa ng ingay dahil mahina lang ang pagkakasuntok niya.

Hindi ko alam pero apektado ako sa nararamdaman ni Marcus ngayon. Ramdam ko ang galit na itinatago niya sa loob niya at nalulunglot ako dahil nakikita kong wala siya sa sarili niya at parang pinuno siya ng galit. Hindi ko naman alam ang sanhi ng lahat, ayaw niya rin namang sabihin sa akin. Ngayon, ay parang konektado ang lungkot na nararamdaman niya sa sistema ko at hindi ko rin maiwasan ang sarili ko na hindi malungkot sa ikinikilos niya.

Hindi na ako nakatiis at tumayo ako sa aking kinauupuan. Kinuha ko ang kamay ni Marcus at pinilit siyang pinatayo at hinila palabas ng room.

"S-saan tayo pupunta?" Ang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hila-hila siya.

Hindi na siya nagsalita pa at sumunod nalang siya sa akin. Tumunog ang schoolbell pero hindi ko iyon pinansin at patuloy lang kaming pumanhik papunta sa rooftop ng isang building.

Nang makarating kami sa rooftop ay hinarap ko siya. "Ngayon sabihin mo sa akin, Marcus."

"Ang ano?"

"Ang lahat!"

"Ano bang ibig mong sabihin, Riley?"

"Marcus alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Please Marcus sabihin mo lahat sa akin. Makikinig ako," wika ko at pinunasan ang luhang nagbabadyang kumawala sa aking mata. Naging emosyonal ako dahil ayaw kong nakikitang nagkakaganyan si Marcus at nalulungkot ako tuwing nakikita ko siyang nagdaramdam.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon