Prologue - One Maundy Thursday

1.1K 30 7
                                    


It was a confusing belief.

Probably because she knew anything could change, and yet, she craves for consistency.

Na sana wala na lang nagbabago. Na sana palagi na lang mapayapa ang kanyang buhay.

But that would also be boring.

Nag-inat siya at huminga nang malalim habang pinagmamasdan ang mga parte ng kabundukan na kasalukuyan niyang nakikita. Tahimik doon at mga huni ng mga ibon at paminsan-minsan na pag-ihip ng hangin lang ang maririnig.

Summer Fernandez doesn't mind that kind of moment. In fact, she needed that isolation as soon as possible. Luckily, it was holy week.

Pinili niyang mamundok kaysa tumunganga lang sa kanyang kuwarto. Mountain climbing became her new hobby when she experienced from it the peace and silence she can no longer get from the city. It was her way to unwind and to somehow divert her mind. Pero pilit pa ring pumapasok sa isip niya ang mga kailangan niyang gawing trabaho, ang mga taong kailangan niyang harapin sa susunod na linggo, at ang realidad na magawa niya mang magbakasyon ngayon ay babalik at babalik pa rin naman siya sa sitwasyon na pansamantala niya munang nilayuan.

Ipiniling niya ang kanyang ulo at nagsimula uling mag-inat.

She is there to recharge herself.

Noong unang beses na aakyat siya ng bundok ay sinabihan siya ng nakatatanda niyang kapatid na si Freya na magsama ng kaibigan o kaopisina.

Pero ang naging sagot niya...

"Sinanay mo akong mag-isa tapos ngayon gusto mo akong maghanap ng kasama?"

Muntikan siyang batukan ng kanyang ate pero alam naman nila pareho na sadyang lumaki silang hindi umaasa sa ibang tao. Ever since their parents died they both become independent. Pinalaki rin kasi sila ng lola nila na hindi umaasa mula sa iba.

Kaya wala itong magawa at nasanay na lang ang nakatatanda niyang kapatid na namumundok siyang mag-isa. She had been doing it for three years anyway. Kaya alam na alam na ni Summer ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag umaakyat ng bundok.

But on this day she decided to violate one very important rule—not to climb alone.

Inisip niya kasi na hindi naman talaga siya mag-isa. Umalis lang naman saglit ang tour guide niya na si Mang Edgar dahil sa tawag ng kalikasan. Pagbalik nito ay malamang na paakyat pa lang siya.

Pero lumipas ang ilang minuto at halos makalahati na ni Summer ang inaakyat. She had been trained for rock climbing. Wala naman sigurong masama sa ginagawa niya. Nang balikan siya ni Mang Edgar at nakita nito na nasa kalahati na siya ng inaakyat na mabatong bundok ay tinawag siya ng tour guide.

Napangiti si Summer. Gusto niyang sabihan si Mang Edgar na ayos lang siya at puwede niya itong antayin. Pero paglingon ni Summer ay bigla siyang nalula. Nanlamig din ang kanyang mga kamay.

Mataas na rin pala ang naakyat niya.

Pagbaling niya uli ng tingin ay nanigas naman siya nang makitang may kakaiba sa malaking puno na nasa harap niya.

It was a huge foot. Para iyong nakakonekta sa puno dahil ang kulay at balat niyon ay parang marumi na kulay berde. Napaangat si Summer nang tingin at napatanga nang makita kung gaano kalaki ang nakikita niya na nakatingin rin sa kanya. Alam niya na hindi iyon multo dahil hindi ganoon ang karaniwang nakikita niya sa siyudad. Most ghostly figures she sees come and go as fast as she blink. Pero hindi ganoon ang mga engkanto. Mas kaya nilang magpakita nang matagal.

Bigla niyang naisip ang kaibahan ng pag-akyat ng bundok sa wall climbing. Walang harness na nakatali sa kanyang katawan at wala ring aalalay sa kanya kung sakaling makabitaw siya.

Now she thought what she did was plain stupid.

How could she forget about them?

Nalimutan niyang mas naglalakas loob na magpakita sa kanya ang mga kakaibang nilalang kapag nag-iisa siya. O posibleng makakita siya ng engkanto kapag napadpad siya sa teritoryo nito kahit pa may ibang tao na malapit lang sa kinaroroonan niya. Bihira naman kasi iyong nangyayari kay Sum. Mas lapitin ng kakaibang nilalang ang kapatid niya.

Nakita ni Sum na unti-unting gumagalaw ang nakikita niya at parang lalapit papunta sa kanya.

Sum was trying to maintain her balance. Pero kahit anong pagpapakalma pa ang gawin ni Summer ay tuluyan na siyang nataranta nang biglang humakbang ang engkanto at sa isang iglap ay nakalapit sa kanya.

Nakabitaw si Summer sa mga batong kanyang kinakapitan.

She fell hard and fast. Ang huli niyang narinig ay ang pagsigaw ni Mang Edgar sa kanyang palayaw. Naramdaman din niya ang malakas na pagbagsak sa batuhan. Hindi siya makagalaw. Parang bigla ay nawalan siya ng kontrol sa sarili niyang katawan. But she can feel the pain. Mabilis iyong kumakalat.

Gusto niyang sumigaw. Pero maging iyon ay hindi niya magawa.

Bago pa man niya maisip kung duguan ba siya ay unti-unti ng nagdidilim ang paningin niya.

The last thing she thought was that she was okay with the idea of dying someday. Hindi naman niya kailanman hiniling na maging imortal. She just did not expect it to happen on that day.

If only death wouldn't be so unpredictable and surprising then maybe it will give Summer enough time to prepare for it. Pero sino ba ang may gusto nang ganoon? Siya lang yata ang naghahangad na malaman kung kailan siya mamamatay.

No one would like to prolong grief. So no one would like to know their date of death.

Mas gugustuhin ng mga tao na biglaan na lang iyong mangyari dahil kung ipapaalam iyon agad mas mahirap iyon para sa kanila.

So Summer settle on believing that death could happen anytime anywhere. It could be on a sunny day. Even while someone is just having a vacation.

AmbiguousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon