STMZD 06 : I want her

5.4K 126 1
                                    

        Kararating lang ni Etel galing sa kanyang maghapong paglalako. Pakiramdam niya ay nauubos na ang kanyang lakas at iniinda pa niya ang sakit ng katawan. Nang maibigay na niya kay Ingka Besing ang bayad-puhunan, ay agad niyang tinungo ang kanilang bahay na walking distance lang mula doon. Matapos mailapag ang kanyang dala-dalang buslo ay agad niyang hinubad ang patong-patong na kasuotan. Nagbihis na agad siya hindi pa man nakakapag hilamos o ligo. Babad siya sa sikat ng araw, kaya ay pinalalamig muna niya ang katawan bago maligo. Nang nakabihis na ay kanya ng ininum ang gamot na binili upang maibsan ang pananakit ng kanyang mga pasa at sugat. Limitado lamang ang galaw ng dalaga dahil takot siyang magising ang ina. Sa ganito kasi na oras ay nagpapahinga ito upang maka punta ng kasino mamaya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng ina doon. Basta ang alam lang ng dalaga ay lasing ang ina tuwing umuwi ito. Wala pa mang ilang minuto nang maka pasok siya sa loob ng kanyang k’warto ay natanaw niya si Ana sa may bintana. Laking pagtataka ni Etel nang makita si Ana na paparating, sapagkat sa pagkakaalam niya ay pupunta lang ang babae rito ’pag may lakad ito kasama ang kanyang ina. 

        “Ana!” Napailing na lang si Etel nang makita ang ina na kumaripas palabas nang bahay upang salubungin si Ana. 

        “Mami!” 

        “Ang ganda mo, anak!”

        “Kanino ba magmamana? Syempre! Sa mami.” Napaismid si Etel nang makita ang dalawang babae na nagyakapan. Napapaisip din siya na mas nagmumukha talagang mag-ina ang dalawa. Dahil pareho sila kung manamit parang kinulang sa tela at kung maka makeup ay wagas.

        “Oy, Celeste!” tawag naman nito sa kanya. ‘Sarap talagang kutasan ng babaeng 'to, ang arte.’ Himutok ni Etel sa sarili. Napipilitan siyang ngumiti nang may pagka-plastic, dahil kung hindi ay baka magtutuos sila ng ina pag sila na lang dalawa.

        “Hi Ana! Ang ganda mo.” 

        “I know! 'Di tulad mo, mukhang manang!” ‘Ab'at! Ang kapal.’ Gustong isigaw ng dalaga. Ngunit mas pinili na lamang niya ang yumuko at ’di na umimik pa. Iniisip niya na mukhang totoo naman siguro na mukha siyang manang. Wala pa kasing lalaking nagka-interest sa kanya kahit kailan.
Lalabas na sana siya ng k'warto upang ihanda ang mga gamit ng ina bago ito umalis kasama si Ana. Nang may biglang pumarada na magarang sasakyan sa harapan mismo ng kanilang bahay.

        “Mr. Devrox!” wika ng kanyang nanay Katrina. Nahihiwagaan ang dalaga sapagkat kilala ng ina ang gwapong lalaking lumabas galing sa magarang kotse. Unang beses itong nangyari na may lalaking napadpad dito sa kanilang bahay. Inisip na lang niya na customer lto ni Ana. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na pokpok ang babae kaya ay masyado nitong inaalagaan ang panlabas na anyo.
Alam din niya na dating bugaw ang kanyang ina.

        “Siya na ba ang anak mo, Katrina?” Pa-inosenteng tanong ni Trevor na mistula hindi narinig ang usapan ni Katrina at Ana sa telepono.

        “Ay opo, Mr. Devrox.” Matapos iyong sabihin ay sinipat nang maigi ni Trevor, si Ana,mula ulo hanggang paa. 

Kunot-noo na napalabas ng bahay si Etel upang alamin kung ano ang nangyayari. 

        “Okay, here's the money” Sabay abot sa ina ni Etel ng case na dala nito. Hindi alam ni Etel kung ano ang laman ng case. Ang nakikita lang niya ay mukha ng kanyang ina na ubod ng saya. Ngayon na lamang niya nakita ang ganoong klaseng ngiti ng ina.

Hindi naglaon ay may isa pang magarang sasakyan ang pumarada katabi ng unang sasakyan na dumating. Nang bumukas ang pinto ng kotse ay iniluwa ang isang lalaki. Naka business suit ito at malulula ka sa sobrang tangkad na medyo moreno ang kulay ng balat. 
Hindi mapigilan ni Etel na mas-titigan pa ang lalaki. Ang tindig at awra nito ay talagang pamilyar sa kanya.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon