STMZD 25 : TORRIDLY KISSING

3.8K 90 0
                                    

Zackary

Kanina pa ako naiinis habang naka-masid sa kanila. ‘In my own house? Ano bang ginagawa ng lalaking ’yan dito?’ Hindi ko ipinagsasawalang bahala na birthday n’ya. It's the reason why I let her have a celebration here. But she doesn't have the right to bring a man here in my mansion. I don't have the guts to adjust, It's not my thing. At hindi ako basta-basta nagpapasok ng ’di ko lubos na kilala.

Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila. Hindi kapani-paniwala ang Lawrence na iyan. I know there's something behind him. Hindi ko lang mapangalanan kung ano.

‘Tsk! That stupid guy seems don't want to go home breathing. Kanina ko pa napapansin ang panananshing niya kay manang. Buti na lang at malaking t-shirt ang suot niya. Good for her and I like her wearing it.’

“Baby . . . I miss you.” Kinakausap ako ni Filicity but I didn't know why I just can't get my eyes away from them. Pakiramdam ko ay aahasin ng lalaking ‘yan ang asawa ko anytime. ‘Wait! Did I just say, asawa? No! I'm just confused.’ I'm a hell of possessive man, kaya ay ayaw kong dinidikitan ng ibang lalaki si manang.
Kung isa talaga siyang pormal na babae, dapat hindi na siya nagpapalapit ng kahit na sinong ibang lalaki.

“Baby . . . Didn't you miss me?”
Ramdam ko ang pag kiskis ni Filicity ng harapan niya sa may braso ko. I feel aroused but still, l'm firmly watching manang and the moron. While sipping my wine, “Oho! Oho!” ‘Shit! Why does she has do it?’ Kitang-kita ko kung paano siya halos kainin sa tingin ng lalaking ’yun. Ang katawan niya ay mistula nakabalandra sa harapan ng isang manyak na lalaki. She should not be wearing that kind of thing. Lalo na at nasa harap ng taong ’di n’ya gaanong kilala.

Nang napansin niyang umuubo ako na kagagawan din namn niya ay agad siyang lumapit sa amin ni Filicity. Agad niya akong dinaluhan, but I don't care. I'm so mad at her! May asawa ng tao nakuha pang magdala ng lalaki sa mismong bahay ko. Hindi ko na lang siya pinansin. I don't care and care for her! Bigla siyang naglakad paalis na parang nagdadabog, hell! ‘Siya pa ang may ganang magalit!’ Kitang-kita ko kung paano niya hilahin paalis sa pool ang gagong lalaki. They walk or should I say they almost run to the mini bar, just near to the pool. I can still see them clearly. Then I saw her drink from the glass on the counter. ‘Shit! Filicity, it's filicity's drink, and it has a bit of her medicine.’ She's taking it to keep her adrenaline rush for her concert. And I think she's now addicted to that medicine. But she just keeps on telling me she's okay.

After drinking it, I saw her laughing while talking to that moron like lunatic. ‘Shit!’ Halos hindi ko na maintindihan ang mga sinabi sa ’kin ni Filicity, my whole damn attention was I admit, It's all in the two of them. May tama na si manang. Napapitlag na lang ako when I saw her took the bottle of wine and drink it. Sa pagkakaalam ko ay hindi siya umiinom. Tawa siya nang tawa, she's now laughing like a crazy woman again. ‘Bitch! Wala ba siyang pakialam na naka two piece lang siya habang nakikipag landian sa pesting lalaking ‘yan?’ Halos umakyat ang lahat ng galit ko sa aking katawan ng hawakan niya si manang sa beywang nito at pilit na kinukuha ang iniinom nitong alak. Tatayo na sana ako upang pagpahingahin na siya dahil alam kong may tama na ito. But the next thing that happened really made my blood boil to its boiling point. They're now torridly kissing each other. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Napansin ko na lang na nagmamadali ako at mabilis ang aking mga hakbang tungo sa kanilang kinalalagyan.

“Baby, wait! Baby, stop!"

Hindi ko na pinansin ang pag tawag sa akin ni Filicity. All I know, and what is in my mind right now, Is I'm going to kill that moron. I'll make him suffer and bleed to death!

Celeste Makini

Uhm. . . Grabe! Ang sarap sa pakiramdam ng pagtugon ni Zack sa aking mga halik. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Nakalalasing ang bawat pagtugon niya sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay nasa alapaap ako ngayon at kung nananaginip man ako ayaw ko ng magising. Ayaw kong maputol ang sandaling ito.

“Arayy!” napasigaw na lamang ako sa sobrang sakit bunga ng may biglang humablot sa ’kin na tila walang paki kung masaktan man ako at mabalian ng buto.

“I'm going to kill you, asshole!”

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang sinuntok ni Zack si Phoe. Kitang-kita ko ang pag dugo ng labi niya dulot ng pag putok nito dahil sa malakas na suntok ni Zack. Saglit niyang pinahid ang dugo sa kanyang labi . . .

“The hell of you, bastard!” Hindi ako makagalaw, 'di ko alam kung ano ang aking gagawin. Si Phoe naman ang sumuntok kay Zack. Hanggang sa sinubukan ko silang awatin. Hindi ako magkandaugaga sa pag pigil sa dalawang nagsusuntukan. Nang maramdaman ko na may biglang humablot ng aking buhok.

“Arayy ko po!” napasigaw ako sa tindi ng sakit. Sa tingin ko ay makakalbo ako sa tindi ng pagkakahila ng aking buhok ng kung sino mang gumawa nito.

“You, bitch! It's all your fault! I'm going to kill you ugly bitch!”

“Please po. Aray . . . Miss, Filicity, bitiwan n'yo po ako . . .” Ramdam ko ang sakit ng aking pisngi ng dumapo ang kanyang malakas na sampal. Binitiwan nga niya ang aking buhok ay mukha ko naman ang kanyang pinagbalingan.

“What did you do to my Zackary, bitch? What did you do to him?” Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.

“Aray po! Ahhh!” Nakatanggap na naman ako ng isa pang sampal mula sa kanya. Talagang ang sakit ng mga sampal at kalmot ang binigay niya sa akin. Isa pang sampal. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko na sanang pumatol kaso, inuubos niya ang aking pasensiya. Hindi ko na kaya, ang sakit na. ‘Bakit ano ba ang ginawa ko? Ano bang problema ng higad na ’to sa ’kin?’ Nasa kanya na nga si Zack tapos . . . Tapos, sa hindi sinasadya ay bigla na lang nanumbalik ang pag-aano nila sa aking isipan. Ang bawat galaw ni Zack habang inaangkin siya nito. Nakaramdam ako ng matinding panibugho. Parang mayroong sungay na bigla na lang tumubo sa aking ulo. Ang gusto ko na lang ngayon ay gantihan ang babaeng dahilan kung bakit kailan man ay hindi magiging akin ang lalaking mahal ko.

“Ouch! My beautiful face! How dare you, bitch!” sigaw n’ya na nagulat sa aking ginawa. Akala siguro niya ay hindi ko siya papatulan. ‘Isang sampal pa ’yan, marami pa ang kasunod.’ Ang sarap sa pakiramdam na maka-ganti. Alam ko mali, pero masaya ako.

“Bitch? Ako pa ang bitch ngayon? Sino ba ang parang higad na dikit nang dikit sa lalaking may asawa na, huh? Baka gusto mong malaman ang ibig sabihin ng salitang bitch? Manalamin ka kayang higad ka!” Inilabas ko lahat ng inis ko sa kanya. Mistula nabunutan ako ng malalim na tinik ng nasabi ko ang mga nais kong sabihin.

“How dare you!” Sinugod niya ako, nanlilisik ang kanyang mga mata habang pilit na inaabot ang aking mukha. ‘Shit! Wala na akong paki, sinugod niya ako kaya ay rambulan na kung rambulan. Basta hindi ako padadaig sa makating higad na ’to!’

“It's enough!”

Sabay kaming napatigil ng marinig namin ang boses ng dalawang lalaking na sumigaw. Hinawakan ni Zack si higad habang niyakap naman ako ni Phoe. Ramdam ko ang hapdi ng aking braso at mukha. Ang haba at ang talas ng kanyang mga kuko na talagang humiwa sa aking balat.

“Baby that ugly bitch hurt me,” sabi ni higad habang umiiyak. Ang oa niya, kung titingnan ay mas marami akong pasa at sugat. Pero hindi ko na inaasahan ang susunod na gagawin ni Zack. Humalukipkip ako ng unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. Habang si Phoe naman ay hinawakan ang aking kamay at hinila ako papunta sa kanyang likuran.

“Try to get near her and I'll rip your throat,” Pagbabanta ni Phoe kay Zackary na labis kong ikinabahala. Kaya bago pa niya masaktan uli si Zack ay nagpupumiglas na ako upang iharap na mismo ang aking sarili kay Zack.

“Honey! No! Etel!”

“Men!” Nang lumingon ako ay hawak na ng tatlong kalalakihan si Phoe. Tiim ang kanyang bagang habang nakatitig kay Zack. Ako man ay nagulat sa ginawa ni Zackary ngunit wala na akong magagawa.

“Aray, aray ko! Sir, Zack! Nasasaktan ako ano ba!”

“You bastard! I'm goi—” Nagsimula ng maglandas ang aking mga luha ng marinig ko ang pay piyok ni Phoe. Hinila ako ni Zack paalis sa pool habang nakangiti ng malapad si Filicity sa akin. Rinig na rinig ko rin ang pagtawag sa 'kin ni Phoe at pagmumura niya kay Zack. Alam ko na gustong-gusto niya akong tulungan, pero hindi na niya magawa. Ngumiti ako sa kanya. Ngiting magpapa kita na okay lang ako hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.
Labis ang nararamdaman kong lungkot dahil nadamay uli siya sa gulo ko. Tanggap ko na kung ano man ang magiging parusa ni Zack sa ’kin.



SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon