STMZD 23 : PREGNANT

4K 93 3
                                    

Filicity Falcon

Actually, kanina pa talaga ako naiinis hindi ko lang pinapahalata kay Zack at daddy Trevor. Kanina pa kami nag hihintay d’yan sa babaeng paimportante na ’yan. If she didn't know where to put herself or she forgot what her role was in this mansion. Then I would be glad na kaladkarin siya doon sa dapat na kalalagyan niya mismo.
I'm losing my temper but I still manage to act okay like I always do in the front of the cameras. Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat ay ang pinag hihintay ako ng mga walang kwentang tao. So now, while having dinner nagkukulitan din kaming tatlo. I really miss being with my Zackary, sobrang na miss ko ang kakulitan niya, ang sweetness niya, and the way he cares everything about me. Nagtatawanan lang kami nang may babaeng biglang pumasok at nag salita. So! She's the rebound girl, just because I can't do that fucking marriage thing.
My god! Sa dami-daming babae sa mundo isa pa talagang mukhang babaeng basahan ’tong pinakasalan ni Zack. Then I look at her, from her head to her toes.
Shit! Walang ka class-class kung manamit, compare sa ’kin mi wala siya sa kuko ng aking kalingkingan . So in short! Nothing to worry, she's not the kind of girl na matitipuhan ni Zacky.
Habang pinagpapatuloy namin ang aming pagkain ay tahimik lang ang babaeng basahan. But! Pansin na pansin ko ang mga titig niya sa amin. May time na nahuhuli ko siya, but she just kept on pretending like I don't really see her. Go on! ‘Mamatay ka sa inggit bitch! Kasi kahit kailan ay hindi ka magugustuhan ng lalaking mahal ko. Libre ang mangarap so makuntento ka nalang d'yan.’ I'm a girl so I know how to look at a girl admiring someone with just their eyes. I'm gorgeous, smart, I have a great voice, I'm rich, and most of all Zackary is madly and deeply in love with me. So I am very much confident na hinding-hindi niya papansinin ang babaeng ito. At kahit kailan, hinding-hindi ako makakapayag na sirain ng babaeng ’to ang mga plano ko. No never, I will never let go or lose my Zackary, ever! Hindi ko kakayanin ’pag nawala sa ’kin si Zack.
Kahit kumakain kami ay maysalutang ang aking diwa. Paliging tumatakbo sa akin ang nangyari sa abroad. The main reason why I'm here.

“Brandon!” halos pasigaw ko nang tawag sa lalaking katabi ko ngayon. And when I peek under this thick blanket, my God! Pakiramdam ko ay mababaliw ako because I'm totally naked. We're both naked!

“Uhmm . . . Will you shut up? Let me sleep more.” Fuck your damn face!
Maygana pa talaga siyang matulog, after what we did?

“What the— why did you do that?” tanong niya sabay kamot ng kanyang ulo na tumama sa sahig ng siya ay sinipa ko paalis ng kama. Good for him! Alam naman niyang may boyfriend na ako. Ganito pa ginawa niya sa ’kin. I admit may kasalanan din naman ako. Brandon and I were friends. He confessed to me before that he loves me. Pero I said no to his love, and I told him that I already have a boyfriend. But he keeps on following me. Such creep! At ngayon . . . What if, what if. . .

“Fuck your stupid brain, asshole!”

“Yes love, we fucked each other last night. Such a hot and your very agressive night,” nakatingala niyang sabi na parang inaalala ang mga nangyari sa amin kagabi habang naka ngisi. Halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking katawan sa sobrang inis.

“Aww! Damn it. Stop throwing me things you see!” sigaw niyang awat pabalik sa akin. Wala ako tigil sa pag bato sa kanya ng kahit na anong makita ko. Damn Him! I hate this! ‘Paano na lang kung mabuntis ako? Paano na ang mga pangarap namin ni Zack together? Bakit naman kasi naglasing ako kagabi.’ Halos sabunutan ko na rin ang aking sarili sa sobrang inis. Nag-away kami ni mommy kahapon. Simula ng sinabi ko ang tungkol sa amin ni Zack ay lage na lang mainit ang kanyang ulo. Like kahapon, so I ended up drowning myself with liquor in my own mini bar inside my condo. Ang pesting lalaki naman na ’to ay sinamantala ang pagkakataon. ‘What if may mabuo? My God! 1 month na lang at uuwi na ako sa Pilipinas para makumpleto ang aking tour.’

“Damn all of these! Damn you!”

“Hey stop crying love, don't worry pag may mabuo, pananagutan kita,” sabi niya mas lalong nagpa lugmok sa akin. Hindi ko pala namalayang umiiyak na ako. ‘Anong pananagutan? Damn him!’

“Isaksak mo ’to sa kokote mo Brandon! Pag may nabuo, ipapa-salvage kita!” matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay binato ko na naman siya ng kahit na anong mahawakan ko.
Makalipas ang dalawang linggo wala akong ginawa kundi ang mag PT araw-araw. Sandamakmak na Pt ang pinabili ko sa aking P.A. Buti na lang advocate rin ako ng early teen pregnancy end, kaya ay hindi maghihinala ang mga taong nakapaligid sa akin kung para saan ang mga PT na ito. Nagpapasalamat ako kasi puro negative ang lahat ng resulta.
But one day, I woke up, thinking almost a month na simula nang may nangyari sa amin ni Brandon. When I do my PT again . . . It's a damn positive!
Hindi ko alam ang gagawin. Masyadong magulo ang aking utak kaya nakipag break ako kay Zack. Hindi ko siya kayang lokohin. But when I heard the news na ikinasal na siya, nabuo lahat ng aking mga plano. I'll go back to the Philippines and my man, Zachary, is gonna be the father of my child and no one else.

Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata habang nakatingin sa makating babae na nasa harap namim ni Zack. Ngayon ko sisimulan ang aking mga plano. No one can take Zack away from me. He's mine. . .

Celeste Makini

Kanina pa ako naka-subsob sa aking unan. Pakiramdam ko ay wasak na wasak ang aking puso ngayon. Dumudugo na rin ata ’tong mga mata ko sa kaiiyak. ‘kailangan ba talagang iwan na bukas ang pinto ng kwarto habang nag aano sila?’ Kanina ko pa pinapagalitan ang aking sarili, pilit kong isinisiksik sa aking isipan kung ano lang ako rito. Pero laging bumabalik sa isipan ko ang ginagawa ni kanina. ‘Ahhh!’ Parang gustong sumabog ng aking utak. Today is the wedding day of Mr. And Mrs. Celeste and Zackary Devrox. Ngunit ng sumapit ang gabi ay iba ang ka honeymoon niya. Sa madaling salita ay dinaig pa ang frustrations sa aking nararamdaman ngayon. Sobrang bigat na parang pasan ko ang mundo.
Napag pasyahan kong umupo muna at huminga ng malalim. Baka kasi atakihin na ako sa puso sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Habang kinukusot ko ang aking luhaang mga mata ay nahagip ng aking paningin ang box na ibinigay ni daddy Trevor na may lamang cellphone.
Isang sobrang mahal na phone. . . Sa magazines ko lang ’to nakikita noon.
Excited akong kinalikot ang kauna unahan kong cell phone for over 18 years. Ako lang yata ang excited na sumisinghot at wala talaga sa mood. Birthday ko pero sira ang araw ko. Speaking of birthday binibigyan ko talaga ng halaga ang mga kagustuhan ni nanay, kaya as usual ang magiging birthday ko talaga ay September 19 at 4 days na lang ’yon. Siguro ay kagaya pa rin ng dati, ang tanging gagawin ko lang ay haharap sa salamin at babatiin ang sarili ng happy birthday.
habang kinakalikot ko ito ay napunta ang attention ko sa facebook. ‘Oo nga pala, ginawan ako ng isa sa mga suki ko sa kakanin ng fb account noon, buti na lang malakas ang wifi dito sa mansyon. Mari-call nga iyong account ko na ’yun.’
Kaya ay pindot ako ng pindot at incorrect password. Sinubukan ko naman ang ibang combination at incorrect password again.

“Uhm! Nauubusan ako ng bait. Makisama ka nalang password, okay?” para akong sira na kinakausap ang sarili.
Pindot . . . Pindot pa ulit at salamat naman at nabuksan ko na rin. Bumungad agad sa ’kin ang pangit kong mukha! Este! Napangiti ako ng makita ang aking profile picture sa fb. ’Ito talagang si Krisha, tinutoo talaga nito ang paglalagay niya sa picture ko habang hawak-hawak ang aking mga paninda.’ Kaya ito ang profile ko, mukhang hindi ko mawari kung ano.
Then napansin ko na mayroon akong nag-iisang friend request. Nang tingnan ko ito ay. . . P. Grey lawrence. Si Phoe ito, ang gwapo niyang mukha. Pinindot ko ang confirmed at ngayon ay friends na kami sa Facebook. Suddenly may nag-appear na message sa aking message box at nang binuksan ko ito. . . Install messenger.
‘Ay mag install muna ako ng messenger’
Humiga ulit ako sa kama, nakatitig lang ako sa ceiling ng aking k’warto.

“Nanay. . .” nasambit ko ng wala sa sarili. Hawak ang aking dibdib na ubod ng bigat. Ang hirap huminga kapag emotionally tortured. Ang sarap sana kung maymakausap akong ina. Pero wala, kikimkimin ko na lang lahat, hanggang sa mapagod na ako.



SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon