STMZD 31: FIVE YEARS AGO

4.2K 99 7
                                    

Makalipas ang limang taon ay muling bumalik ang pamilya ng mga Lutherford sa pilipinas. Sa muli nilang pag babalik ay isinabay din ang selebrasyon ng bago nilang bukas na branch ng Cleopatra Rensè Boutique. Marami ang mga tao na mataas ang antas sa lipunan ang naimbitahan na dumalo sa kanilang idinaos na fashion galore. Tampok dito ang mga orihinal na gawa ng Cleopatra Rensè. At ang hindi nila matatawaran na ambag pagdating sa pagpapaganda.

Biglang nagbago ang ritmo ng ilaw ng umakyat na sa entablado ang host at ipinakilala ang mga modelo nila habang suot ang nag gagandahan at eleganting mga produkto ng Cleopatra. Umalingawngaw ang palakpakan ng mga tao ng matapos ang pagrampa ng mga modelo. Hanggang sa muling nagbago ang ilaw at ipinakilala ang mukha ng Cleopatra. Ang logo ng Cleopatra ay kilala dahil sa mukha ng babaeng halos tinakasan ng dugo sa kaputian at may fringe na abot hanggang sa matangos ngunit maliit niyang ilong. Ang tanging makikita mo lang sa mukha ng dalaga ay ang kaniyang labi na may perpektong hugis.

After the warm introduction of the master of ceremony, ay sinimulan ng tugtugin ang isang sexy classical music habang paisa isang nag silabasan ang mga special models wearing they're classical sexy elegant dresses and gowns.
Makikita mo sa mukha ng mayaman na mga manonood ang pagkamangha at paghanga sa mga naggagandahang modelo at sa mga suot nilang CRB designs.

"Let's all welcome, our own queen of Lutherford empire and also the ambassadress of Cleopatra Rensè. Let's give our warm applause to Miss, Thaliah Victoria Guivarra Lutherford!" Kung kanina ay naririnig ang palakpakan, ang bulungan ng paghanga at kasayahan. Naiiba naman ang nangyayari ngayon. For you can hear nothing but silence. When she comes out, everyone's eyes are on her. They cannot believe her perfection does exist. For she's truly a breath taker. She looks like the flesh of a goddess walking on the runway, wearing her black fitted serpentina dress, revealing her back with its cut almost reaching her butt. A dress that suits her pale skin that makes her look like an out of this world creature. A Goddess, indeed.
Elegante ang kanyang paraan ng paglalakad habang nakatanaw sa mga tao sa kanyang paligid. Tahimik ang lahat sapagkat ngayon lang nila nalaman na nagtataglay ng perpektong pares ng mga mata ang ambassadress ng Cleopatra Rensè.

"Welcome, everyone! Let's all enjoy the night." Her cold voice echoed all around the four corner's of the runway. Ngumiti siya sa mga tao, a kind of smile that can capture a man's heart.

Habang ang lahat ay nag kakasayahan, naiiba naman ang tagpo sa isang table sa may sulok. Tutop ang bibig at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Tila ay naninigas ang dalaga sa kanyang nakikita.

"No, no . . . This can't be her. No. . . Not now. Not now," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa babaeng inakala nila na matagal ng patay. Ayaw niyang mapornada ang kanyang mga plano ulit. Ngayon pa na unti-unti na niyang napapa-ibig ulit si Zackary.

Invited si Filicity sa espesyal na pagtitipon sapagkat isa siya sa mga mag peperform. Ngunit ng makita ang ambassadres ng Cleopatra ay dali-dali siyang lumabas ng venue at 'di na muling lumingon pa.

( Five years ago )

Sa isang liblib na lugar sa loob ng isang bodega ay may namumuong matinding tensyon.

"Where is my daughter, you bitch?" mahina lamang ang boses ni Thaliah subalit ramdam ng kanyang mga tauhan ang galit nito, lalong-lalo na ang babaeng nakagapos habang naka sabit sa pader ang dalawang mga kamay.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo, Thaliah! If you can't be a good mother at naiwala mo ang anak mo. Puwes! 'Wag mo siyang hanapin sa akin dahil hindi ako hanapan ng nawawalang anak ng may anak!" Saglit munang katahimikan ang namagitan. Hanggang sa nakakarindi na palahaw ang umalingawngaw sa buong sulok ng bodega.

"Ahh! Thaliah . . . Please tama na!" palahaw ni Katrina. Subalit imbes na pakinggan ay mas lalo pa nitong idiniin paikot ang kanyang matalas na punyal na nakatarak ngayon sa hita ni Katrina. Na siyang dahilan upang bumuka ng husto ang nahiwang parte ng laman. Makikita ang masaganang dugo na naglalandas mula rito.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon