STMZD 04 : I'm getting married

6.2K 136 0
                                    

CHAPTER 04

Marahang ipinasok ni Zack ang sasakyan sa parking space na naka reserved para sa kanilang magkakaibigan. Okupado na ang pwesto ng tatlo indikasyon na siya na lang ang hinihintay. Nang makababa na ng sasakyan ay agad na tinungo ni Zack ang elevator sa basement upang marating ang second floor ng hotel bar. Sa second floor matatagpuan ang pribadong mini-bar ng kanyang kambal na kaibigan. Dito sila madalas na magkita-kita 'pag mayroon silang pag-uusapan na importante, o kung nais lang nilang mag-relax from stress and workloads.
Matapos buksan ni Zack ang pinto gamit ang kanyang black keycard ay agad na siyang pumasok sa loob. Nakakailang hakbang pa lang siya ng kanyang mapansin ang nakabibinging katahimikan. Nang inilibot niya ang paningin sa apat na sulok ng k'warto ay doon niya nakita ang tatlong kaibigan.
Ang kambal na si, Tommy at Timmy na magkaharap habang umiinom at naglalaro ng chess. Si Tristan naman ay abala sa pagtitipa ng kanyang laptop.

"Uhm!" Tumikhim si Zack upang ipahiwatig na nariyan na siya. Tumingin lang saglit sa kanya ang kambal at mabilis pa sa alas k'watrong ibinalik ang atensyon sa paglalaro. Doon niya naunawaan na talagang pinag-tripan siya ng mga ito.
Habang kinukuha niya ang basong maylamang alak sa mesa ay palipat-lipat ang kanyang tingin sa kambal na nasa kanyang harapan. Nakaramdam si Zack ng inis sa pagkukunwari ng mga ito na hindi siya napansin, at gusto niyang pag-umpugin ang dalawa. Kaya ay gigil na lang niyang ibinaling ang paningin sa ibang direksyon, ngunit mas lalo lang nainis si Zack nang humantad sa kanyang paningin ang sign na 'T and T, drink the fuck up!' Napailing siya habang hinihilot ang kanyang sentido.
Iniisip niyang talagang magaling ang mga ito pagdating sa kalokohan. Ngunit masasabi n'ya rin na kahit paano ay may panahon na nagiging matino naman ang magkapatid. Pero sa ngayon ay talagang b'wisit siya sa mga ito. Kitang-kita niya kung paano magpigil ang dalawa na huwag siyang pagtawanan. Tila ay napanood na rin ng kambal ang mga nangyari sa kanya sa balita, tungkol sa babaeng kanyang hinalikan.

"Tsk!" Papansin ulit ni Zack sabay bagsak na paglapag sa table ng hawak niyang glass of vodka. Natapon sa mesa at sa kanyang kamay ang ibang laman ng baso, dahilan upang mas lalo siyang mainis. Nakabusangot siyang umupo at tumingin nang masama sa kambal.

"Uy, bro! Nandito ka pala?" tanong ni Tommy sabay kalabit sa kanyang kakambal. Nagkukunwari naman itong umiinom at naglalaro na halata namang binabantayan ang kanyang bawat kilos.

"Uy, bro! How was your kwek-kwek experience?" tanong ni Timmy sa kanya sabay ngiti ng nakaloloko. Inaasar na naman siya nito na talagang nagpapawala sa kanya sa tamang timpla.

'Isa na lang talaga!' inis na turan ni Zack sa sarili.

"No! No no, we mean your kiss with the kakanin vendor," sabay turan ng kamabal habang inilalapag sa mesa ang mga kakaning hindi niya malaman kung saang lupalop nila ito nakuha. 'Ito talagang dalawang 'to! Pag 'di ako nakapagpigil.' Para siyang baliw na nagpipigil sa isipan. Pakiramdam niya ay puputi ang kanyang mga buhok nang maaga kung ito ay magpapatuloy pa.

"Talagang mga g*g* kayo!" matapos iyong isigaw ay ibinato ni Zack sa kanilang dalawa ang mga kakanin na inilatag nila sa mesa kanina. Naisip 'man n'yang sayang ang mga ito e, wala naman siyang ibang makita na p'weding ibato sa dalawang isip-batang kaibigan.

"'Buti pa si Tristan, tularan nga ninyong dalawa at nang tuminutino naman kayo kahit na konting-konti," turan ni Zack sabay tingin kay Tristan. Ngunit tila ay nakaka-pansin s'ya na parang may mali rin dito. Mukha itong may itinatago na hindi n'ya lang mawari kung ano.

Nang bigla na lang sabay na humagalpak nang tawa ang kambal. "G*g*! Siya kaya ang mastermind namin. Tingnan daw namin kung mauuto ka na pumunta doon sa magulong palengke at tumikim ng kwek-kwek. Naka-bonus ka pa nga 'di ba? With a kiss," sabi ni Timmy at tuloy lang ang kanilang pambwibwiset sa kanya na tila ba ay wala ng bukas.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon