STMZD 15 : Can you . . .

4.5K 108 2
                                    

Mabigat ang pakiramdam ni Etel ng s’ya ay magising. Marahil dahil iyon sa nangyari kahapon. Hindi n’ya ninais na ma-disappoint sa kanya ang lalaking minamahal. Matapos maligo at magbihis ay dumeritso na s’ya sa rose garden ng kanyang future mother-in-law. Dito ginugugol ni Etel ang oras kapag walang nais ipagawa sa kanya ang mag-ama.
Kumakalam man ang sikmura ay ipinagsa walang bahala n’ya na lang iyon. Hindi pa s’yang handang harapin si Zack at ipaalala n’ya rito ang kahihiyan na idudulot ng ginawa n’ya. Si Zack ay kilalang tao, maging ang pamilya nito na isa sa pinakamayaman na mga angkan sa kanilang lugar. Kaya ay magiging isang eskandalo kung pag-iisipan s’ya ng masama ng mga taong nakakita sa mga nangyari sa mall. Maaaring madungisan ng kanyang katangahan ang pangalan ng lalaking pilit niyang inaabot.
          Hindi mapigilan ni Etel ang magpakawala ng sunod-sunod na buntonghininga. ’Liban sa gutom ay mabigat sa kanyang puso na galit sa kanya si Zack.

          “Ba’t ba kasi ang tanga mo Etel . . .” bulong n’ya upang maibsan man lang kahit na kaunti ang bigat na nadarama.

          “Are you alright?”

          “Ay! kabayong naka-heels.” Halos mahimatay si Etel sa gulat ng marinig ang boses ni Zack. Ni sa hinuha ay hindi n’ya naisip na kakausapin s’ya nito. At ito pa mismo ang unang lumapit sa kanya.

          “Si-sir Zack . . . ” bulong n’ya at hindi pa rin magawang tumingin nang diretso sa lalaki.

          “Would you like to go fishing with me?” Nahigit ni Etel ang kanyang hininga sa mga sinabi ni Zack. Ang dating kasi nito sa kanya ay mistula nag-aanyaya ang lalaki na mag-date sila.

          “A-ako po, Sir?”

         “Who else am I talking to Manang?” Iritadong sagot ni Zack.

         “Si-sige po.”
Sumunod na lamang si Etel sa naglalakad na si Zack. Hindi na siya nagtanong ulit sapagkat ayaw niyang sirain ang mood nito. Kung ano man ang nakain ni Zack at bumait ito sa kanya? Ipinagpapa salamat na lang ito ni Etel. Halos hindi maitago ng dalaga ang kanyang malapad na ngiti nang buksan ni Zackary ang takip ng isang big bike. Nagugunita na ni Etel na aangkas siya sa likuran ni Zack at yayakapin ito. Tila isa siyang baliw na magkasalikop ang mga kamay, ngumingiti habang naka-tingala sa langit. Halatang nag de-day dream ang dalaga at mukhang nahihibang.

          “Hey! Manang! I said, hop in. Hurry!”

          “Oh! Opo sir Zack, nandiyan na po.” Aligaga si Etel na tinakbo ang kinaroroonan ni Zack. Hindi n’ya malaman kung saan kakapit nang maka sakay na siya sa motorsiklo.

          “Hold on tight.”

           “Saan po?”

           “Hindi ka pa ba nakasakay ng motorcycle before?”
Saglit na natigilan si Etel. Paano ba n’ya makakalimutan ang sasakyang biyaheng langit. Ang tinutukoy ng dalaga ay ang mga motorsiklo na tinatawag nilang habal-habal at ang iba ay may katig. Habal-habal ang palagi niyang sasakyan pauwi sa tuwing pakiramdam niya ay gagabihin siya sa daanan kung maglalakad lang siya pauwi. Ayaw din kasi niyang mabawasan ang perang iuuwi para sa ina. Kaya kung minsan ay sariling sikap na lang ang pinambabayad niya. Iyon ang naging pangunahing gamit ng mga sukling hindi na kinukuha ng iba niyang kostumer.
Biglang napayakap si Etel kay Zack nang maalala niya ang isang karanasan na siyang dahilan kung bakit una at huling beses lang siyang sumakay sa motorsiklo na may-katig.

          “That's it. Humawak ka, wala naman akong nakahahawang sakit.”

          “Hi-hindi naman po sa ganun Sir. May masama lang akong karanasan sa pagsakay ng motorsiklo.”

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon