STMZD 18 : Huwes wedding

4.1K 96 0
                                    

Masaya ang naging bungad ng dalaga sa restaurant na pinuntahan kasama ang lalaking pangarap lamang ng ibang mga kababaihan. Subalit agad ding nawala ang excitement at kasiyahan ng dalaga nang mapagtanto niya ang kanyang suot. Sapagkat kung alam lang ni Etel na isang bantog na restaurant ang pupuntahan nila ay malamang nakapagsuot siya ng maganda at maayos na damit. Kagaya na lang ng isang cocktail dress. Maraming ganoong klase ng damit sa bahay ang dalaga dahil pinabilihan siya ng kanyang daddy Trevor sa sekretarya nito ng mga girly stuffs. Tila mas lalong nainis si Etel ng maalala ang mukhang pokpok na sekretarya ng kanyang soon to be father-in-law. Alam na alam ni Etel na inaakit nito  si Trevor, at ’yun ang hinding hindi niya pahihintulutan mangyari. Ipinangako na niya sa sarili na siya ang magsisilbing mata ng kanyang  mother-in-law na si Elecia kahit na ano’ng mang mangyari.

“Manang, I said hurry!”

“Ay! O-o, nand’yan na po, S-sir!” Patakbong sumunod si Etel kay Zack. Iiling-iling siyang nahihiya dahil sa hilig niyang mag space out. Nang binuksan ng guard ang pintoan ay masasabi ni Etel na talagang all eyes on them. Pakiramdam ng dalaga ay tila gusto siyang lamunin ng mga nandoon na kababaihan dahil sa talim ng titig ng mga ito. Walang ka lingon-lingon na naglalakad habang nakasunod si Etel sa likuran ni Zackary. Inaasahan na niya ang mga ganitong klaseng pangyayari. Bakit 'di nga naman, isang sikat na lalaking sex God ang makakasama niya. Habang siya ay  babae mukhang basahan at hindi magiging ka-level si Zackary kahit kaylan.

“Kyah! Papa Zackary is here!” sigaw ng mga maarteng babae. Kinunan nila ng litrato si Zack na mukhang nag eenjoy naman sa pinaggagawa ng mga fangirls nito. Picture rito, picture roon. Nang matapos sila ay ang dalaga naman ang pinag balingan ng mga ito.

“Who is she?” Rinig ni Etel na tanong  ng isang babaeng mukhang clown, na katabi naman ang babaeng mukhang papasok na sa kabaong sa sobrang artificial puti ng pagmumukha at iba naman ang kulay ng leeg.

“Maybe that girl is papa Zackary's alalay.”
‘Tsk! Alalay mo mukha mo!’ Hindi na napigilang umismid ng dalaga sa kanyang isipan. Tila ang baba talaga ng tingin sa kanya ng mga ito.

“She looks like a trash, girl,” saad ng babaeng mukhang clown. ‘Mga peste kayo! Baka mangud ngud ko pa kayo r'yan sa trash can pag napuno na ako bigla.’ Nakabusangot na si Etel at halatang nagpipigil. Kaya ay walang ka lingon-lingon na iniwan niya ang mga babaeng chismosa ng makita si Zack na pumasok sa isang pinto. Isa ito sa mga mamahaling pintuan na talaga namang kamangha-mangha sa dalaga. Nagmamadaling pumasok sa loob upang maabutan pa ang lalaki. Nang makita ulit ni Etel ang naglalakad na si Zackary, ay wala siyang ibang maisip kundi ang kanyang perpektong pangarap kasama ito. Nagtataka man kung saan sila pumunta ay walang pagdadalawang isip pa rin siyang sumunod dito. Nang lumiko sila sa isang pasilyo papasok sa isang maykalakihang k'warto ay tumambad sa dalaga ang kanilang ama na ni Trevor, at malapad itong  nakangiti sa kanilang dalawa ni Zack. Nasa tabi rin ng ama ang sekretarya nitong mukhang pokpok. Na kung makabakuran sa boss ay dinaig pa ang asawa. Habang ipinalibot ang paningin sa paligid ay may napansin pa si Etel na tatlong mga tao na hindi niya kilala. Mayroon ding dalawang maarting babaeng ’di pa naman katandaan na nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Sa unahan naman ay may isang lalaking naka-damit pang-judge. ‘Wait! What? Judge? Bakit may judge?’ Gulat at nagtataka ang dalaga sa nakikita.

          “Is she gonna be your wife, ijo?” Naputol ang mga iniisip ni Etel ng kausapin ng Judge si Zack. Sa paraan ng pagkakasabi nito ay mas lalong nagtaka ang dalaga. ‘Tsk! Pati ba naman si judge tititigan ako mula ulo hanggang paa? Ganoon na ba ako ka ganda?’ Iiling-iling si Etel sabay ayos ng kanyang buhok.

          “Yes, ninong,” sagot naman ni Zack na talagang nagpakaba kay Etel. Malakas ang kabog nang kanyang dibdib habang nakatingin sa mga taong kasama nila. Sapagkat lahat ng naro’n ay nakadamit ng pormal. Kahit si Zackary ay naka long sleeve na nakatupi ang manggas. Mukhang mag pho-photoshoot ito sa sobrang hot ng kanyang suot.

          “Let's start your huwes wedding then!”

Halos mag earbleed si Etel sa kanyang narinig. ‘Anong huwes? Anong wedding? 'Diba bukas pa ‘yon? Paano na? Hindi ako mag de-dress? Mukha akong makipag basag ulo sa suot ko ngayon. Daig ko pa ang mag babasketball sa suot kong Nike shoes na binili ni daddy Trev. Naka faded lose shirt pa ako na may mga butas-butas kasi medyo luma na ito. Nasaan ang hustisya? Hindi ba uso ang i-inform muna nila ako sa mga plano nila about sa wedding thing na ‘to!’ Tila baliw na nagrereklamo ang dalaga sa kanyang sarili. Hirap siyang tanggapin ang katotohanang ikakasal siyang mukhang standby.

          “Sir, Zack, bukas pa ang kasal natin ’di ba?’ aligagang bulong ni Etel sa lalaki. Kinailangan pa niyang tumingkayad upang maabot ang tenga nito.

          “I changed my mind and it's right now. As you can clearly comprehend,” bulong naman pabalik ni Zack sa kanya sabay pukol ng napaka-lamig na tingin.

          “Is there any problem here, ijo?”

          “Nothing ninong, let's proceed and get this over.”

Nang nagsimula na ang seremonyas ng kasal nina Etel at Zack ay halos lutang lang ang dalaga. Halo-halo ang emosyon na nadarama. Malaki ang panghihinayang niya sapagkat hindi ito ang kanyang kasal na inaasahan. Masakit para kay Etel ang isipin na ikakasal siya na yong tipong kakain lang d’yan sa tabi-tabi ang suot. ‘Paano na ’yong wedding dream ko na beach wedding? Iyong gown na ubod ng puti—’

          “It's your turn to sign the contract, manang,” bulong ni Zackary sa kanya. Sa sobrang lutang ng dalaga ngayon ay tila pag-i-ido lang ang kanyang natatandaan. At ang halik sa noo sa kanya ni Zack na parang pang grandmother kiss lang.
          Nang matapos na ang kasal ay agad napako ang tingin ng dalaga sa sing-sing na nasa kanyang daliri. Tinitigan ito ni Etel at wala sa sariling napangiti. Tila napawi ang lahat ng kanyang pagkadismaya at inis ng napagtanto na, Officially Mrs. Celeste Makini-Devrox na siya.

          “Bro, congratulations!” sabay-sabay na sigaw ng tatlong mga lalaking may mga g’wapo ring mukha at makisig ang pangangatawan. Hindi naka-iwas sa mga mata ni Etel na pinukol ni Zack ng matalim na tingin ang tatlong lalaki. Iiling-iling siyang napaisip na may sa bastos talaga ang lalaking kanyang naging asawa. Napayuko na lamang siya ng ibinaling ng mga ito ang tingin sa kanya. Doon niya naisip na ito ang tatlong matalik na mga kaibigan ng asawa. Lalapit na sana ang mga ito sa kanila nang sa walang ano-ano man ay hinila siya ni Zack palabas ng venue at mabilis pa sa alas kuwatro ang kanilang pag-alis mula sa restaurant.
          Halos mag-sasampung minuto na ang lumipas ng makaalis sina Etel sa venue ng kanilang kasal. Nakaupo siya ngayon sa tabi ni Zack sa driver's seat habang tahimik na ngumingiti. Naglalakbay ang kanyang diwa sa mga maaaring mangyari ngayong kasal na sila ng lalaking pantasya lang niya noon. Sumisilay ang ngiti ni Etel sa tuwing maiisip na ibibigay na niya sa asawa ang ang pinakaiingatang kainosentihan.
Malalim na ang kanyang pagpapantasya ng bigla na lang tumigil ang sasakyan.

           “Stay here manang, may mga reporters sa labas,” Agad na nasiyahan ang dalaga sa kanyang narinig. Ang dating kasi nito sa kanya ay nagpapaka-protective husband ang lalaki sa kanya.

           “Tsk! I don't want them see you,” matapos iyong sabihin ay binigyan lamang siya ni Zack ng nang-uuyam na mga tingin. ‘Oo na, nakakahiya na ako. Sus! Akala ko pa naman concerned ka na sa ’kin. ’Wag na talagang umasa, masakit sa bangs.’ Himutok ng dalaga sa kanyang sarili habang pilit na isinisilsil sa isipan na ’wag magtampo sa asawa dahil dapat masaya lang ang araw na ’to. Kundi man kay Zack, iyon ay sa kanya.

“I'm sure by this time, alam na ng mga tao na ikinasal na ako. Stay here, I'll face them myself,” saad ni Zackary sabay upo ng tuwid at inayos ang suot na nakatuping long sleeve.

“Sige po sir. Zackary,” Nakayukong pagsang-ayon ng dalaga. Lalabas na sana si Zack ng sasakyan. Ngunit, bigla na lang tumunog ang telepono nito. Nagtatakang pa-sempling sinilip ni Etel ang screen ng telepono ng asawa. Sapagkat nagtataka siya kung bakit biglang nagbago ang timpla nito. Kita ni Etel kung paano tumingala at  napa buntonghininga ang lalaki bago sinagot ang tawag.

“He-hello, Filicity . . .”

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon