STMZD 13 : Marrying a bitch

4.3K 113 0
                                    

Kahit maraming tao sa paligid ay walang ibang marinig si Etel kung hindi ang malakas na tibok nang kanyang puso. Para itong tinatambol na s’yang dahilan kung bakit pakiramdam n’ya ay nahihirapan s’yang huminga.

“S-sir Z-zack . . . ” bulong ni Etel na hindi mapigilang manginig. Tila ay na vi-visualize na niya ang maitim na awrang nakapalibot sa buong katawan ni Zackary. Naka-suot ng cap at eyeglasses si Zack upang hindi makilala ng mga fans at mga tao baka pagkaguluhan siya bigla. Gayon pa man, kilala ni Etel ang tindig at tayo ng lalaki. Nang hubarin ni Zack ang suot na eyeglasses ay kitang-kitang ni Etel ang mga titig nitong tila naghihintay ng konkretong explenasyon sa kanya nasaksihan habang salubong ang makakapal nitong mga kilay. ‘Bakit ba naman kasi maypahalik-halik pa sa kamay ko itong  si sir Phoenix e!” himutok ng dalaga. Maging siya man ay nabigla sa ginawa ng lalaki.

“Do you know him honey?” Mas lalong namutla si Etel ng tawagin na naman siyang honey ni Phoenix. Kung kanina ay kinikilig at masaya siyang naririnig ito ngayon ay tila nais na lang niyang mawala at tuluyan ng maglaho. Tila rin ay hindi na kayang suportahan ng kanyang mga paa ang kanyang bigat.

“A-ano . . . Ka-kasi . . ." Nanunuyo ang lalamunan ng dalaga at hindi makapagsalita ng maayos. Kita rin niya ang naka kunot-noong si Phoenix na kagaya ni Zack ay naghihintay din ng sagot mula sa kanya. Huminga muna nang malalim si Etel upang simulan ang kanyang pagpapaliwanag. Sapagkat nababahala siya baka kung ano na ang isipin ni Zack sa kanya.
“Aray! S-sir Zack, please po. Ang sakit!” hiyaw ng dalaga nang hilahin s’ya ni Zack at nakaladkad ng wala sa oras. Nakabaluktot ang kanyang mga paa habang suot ang mamahaling Peep-toe stiletto ng Cleopatra. Napipilitan siyang maglakad nang mabilis upang masabayan ang bawat hakbang ni Zack.

“Hey dude! Let go of her! Who are you to treat her like that?” Napalingon si Etel sa kanyang likuran ng marinig ang boses ni Phoenix. Hindi na niya namalayang nakasunod pala ito sa kanila.
Agad na nanigas si Etel sa kanyang kinatatayuan ng tumigil si Zack sa paglalakad at kabigin ni Phoenix ang kamay nito. Dahilan upang mabitiwan ng lalaki ang namumula na niyang palapulsuhan. 

“Don't call me dude, moron! I'm her husband you jerk!”  Nais na magdiwang ng kalooban ng dalaga sa kanyang narinig. Matagal na niyang gusto na angkinin siya ni Zack na sa kanya sa harap ng maraming tao. Ngunit, hindi sa ganitong pangyayari. Tila nagsusuntukan ang mga tingin ng dalawang lalaki sa isat-isa. 
“Omg! Ganyan talaga kapag maganda! Pinag aagawan.” Narinig ni Etel mula sa mga nakikiusyuso sa paligid.
“Ang g'wapo talaga ni Phoenix!”

“Si-si Za-Zackary ba iyan?” Napansin ni Etel na tila ay naalarma si Zack ng nagsisimula ng mag kumpulan ang mga kababaihan sabay kuha sa kanila ng mga litrato.
Matapos titigan ni Zack nang masama si Phoenix ay hinila na naman siya nito at naglakad nang napakabilis. Sa labis na pagmamadali ni Etel ay naiwan ang isang pares ng kanyang sapatos. Kaya ang naging resulta ay paika-ika ang kanyang mga hakbang habang hila-hila siya ni Zack. Napapangiwi na lamang ang dalaga sa bawat paglapat ng kanyang paa sa sahig ng kanilang nilalakaran. Pagkarating nila ng sasakyan ay walang ka preno-preno siyang itinulak ni Zack sa loob dahilan kung bakit muntik ng himatayin si Etel. Nauntog ang kanyang  ulo sa bintana ng kotse, pakiramdam niya ay mukhang nababasag ang kanyang bungo at tila mas maging bobo  pa siya nito. Hindi na rin alam ni Etel kung ano na ang nangyari kay Phoenix. Basta ang huling nakita lang niya ay matapos sabihin ni Zack na asawa siya nito ay hindi na nakasunod si Phoenix sa kanila.

Nakatitig ngayon si Etel sa lalaking kahit na anong pilit niyang isil-sil sa kanyang utak na hindi siya mamahalin nito kahit kailan, at ibaling na lang ang tingin sa iba ay hindi niya magawa. Mahina ang kanyang mga hikbi na pilit na pinipigilan upang hindi maistorbo si Zack na ngayon ay nakaupo sa couch nakapikit at hinihilot ang ulo. Napapapikit na rin si Etel dahil kumikirot na ang dating namamanhid lang na ulo dahil sa pagka bunggo sa matigas na bintanang salamin sa kotse. Mas lalo lang siyang naiyak ng maalala kung gaano ka gentle sa kanya si Phoenix. ‘Sana natuturuan ang puso,’ nasabi na lang ni Etel sa sarili.
“Phoenix . . .” Hindi namalayan ni Etel na naisatinig na pala niya ang kanyang dapat ay nasa-isip lang.

“What did you just say?” Agad na nakaupo nang tuwid matapos marinig ang mahina subalit galit na boses ni Zack.Sa tindi nang mga titig ni Zack sa kanya ay para bang may-balak itong kitilin ang kanyang buhay.
Hindi mapigilan ni Etel ang mapa singhot-singhot. “Sir Zack, wa-wala po 'yon. Wala po akong sinabi,” nakayuko niyang turan. Labis na Nakakaramdam ng takot si Etel sa tuwing nagagalit si Zack. Iniisip na rin ng dalaga na may anger management issue ang lalaki.
 “Don't you ever leave the house again manang! Kung uulitin mo 'yun! I will not hesitate to lock you up in your room! We're getting married! I don't want people to know that I'll be marrying a bitch! I just hope that you won't be the same as your mother. ” Mas lalong napa-hikbi si Etel sa sinabi ni Zack. Hindi niya lubos akalain na ganoon ang tingin sa kanya ng lalaki at nakuha pa nitong insultuhin ang kanyang ina. Naalala tuloy ng dalaga 'yung mga pamamahiya at pananakit sa kanya ng ina. Tila mas lalo pang kumirot ang kanyang puso ng sumagi sa isipan ang Ina. Wala siyang maaasahang magtanggol sa kanya. Labis siya kung magmahal, kaya kahit anong hirap ay tinitiis niya makasama lang ang mga taong mahal niya. 
“Oo . . .  Opo, Sir, Zack. Pa-pasensya na po.” Pinilit niyang ’wag pumiyok sa bawat salitang kanyang binibitiwan. Sadyang mala-gripo ang kanyang mga luha at ayaw paawat. Mistula siyang batang napagalitan.

“What's happening here son?” Napalingon si Etel sa pinanggalingan ng boses. Hindi na nila namalayan na nakalapit na pala sa kanila ang ama. Nahihiyang napa-yuko si Etel at sinusubukan itago ang nagsisimula ng mangitim niyang palapulsuhan. Ayaw niyang may-masabi si Trevor at wala namang imik si Zack. Subalit, huli na sapagkat nakita na ito ni Trevor. Hindi na nailag ni Etel ang kamay ng kunin ito ni Trevor at tiningnan ang pasa rito. Hindi mabasa ng dalaga ang emosyon sa mga mata ng kanyang itinuturing na na ama sa loob ng maikling panahon. 
“I want you to go to your room Ijah, do rest.” wika ni Trevor sa masuyong boses sabay pahid ng mga luha sa pisngi ni Etel. It was only a simple gesture, pero nakaramdam ang dalaga ng pagmamahal na matatawag niyang mula sa isang Amang nagmamahal sa anak.

“I'm sorry ulit sir, Zack.” Humingi ulit ng paumanhin si Etel kay Zack pati na rin kay Trevor bago patakbong umalis at nagmamadaling pumunta sa kanyang kwarto. Nang makapasok sa loob ay agad niyang ni-lock ang pinto at dumapa habang umiiyak sa kama. “Hindi naman kailangan sabihin pa niya ang mga masasakit na salitang 'yon . . .” Iniyak na lamang ni Etel ang lahat ng kanyang sama ng loob na namuo sa puso. Sobrang pagod ang kanyang nararamdaman at wala sa sariling napahawak sa masakit na parte ng kanyang noo. Masakit man ang pasa sa kamay at ulo ay mas nararamdaman niya ang sakit ng kanyang kalooban at puso sa mga sinabi ni Zack. Isa iyong pang-iinsulto na tumagos sa kanyang marupok na puso. 
Namumula ang mga mata ng dalaga habang nakatitig sa puting kisame na may palamuti na mga rosas. Pinalagay iyon ni Trevor ng malaman niyang mahilig sa rosas ang dalaga. Araw-araw ring may bagong pitas na rosas ang kanyang k'warto. Napangiti siya habang nakaramdaman ng saya at sakit. “Sana bukas mas maging maayos ang lahat.” bulong ni Etel at tuluyan ng nagpalukob sa pagod na nadarama. 

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon