STMZD 08 : Broken hearted

5K 127 0
                                    

Umalingawngaw sa buong paligid ng stardom ang isang sikat na musika. Kasabay ng pagkanta ng isang babae ay ang sigaw ng kanyang mga tagahanga. Umindayog si Filicity at masiglang kinanta ang chorus ng isa sa kanyang mga sikat na awitin. Mas lalong lumitaw ang kanyang ganda ng tinamaan ito ng ilaw na akma sa kulay ng kanyang balat. Mistula siyang isang Diyosa na sinasamba sa gitna ng entablado. Hindi maalis sa kanyang mga labi ang ngiti habang nakikita kung gaano nagwawala ang mga fans habang nagpe-perform siya. Ito ang pakiramdam na talagang hindi niya kayang bitiwan. 
Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging buhay kung hindi siya magtatanghal at makagawa ng panibagong mga kanta. Filicity Falcon is a talented performer. She sings perfectly, writes her own music and is an excellent dancer. Nasa bantayog pa siya ng kasikatan. Ito ay matagal niyang pinangarap lalong-lalo na ng kanyang frustrated singer na ina. Nang nabuntis ang kanyang ina sa kasagsagan ng kasikatan nito ay lumugar na ito sa tahimik at pinakasalan ang kanyang ama. Masaya naman ang naging buhay nila, lalo na noong ipinanganak siya. Ngunit, nagbago ang lahat ng maaksidente ang kanyang ama na siyang ikinamatay nito. Filicity was sixteen years old at that time. Simula noon ay naging obsessed na ang kanyang ina ng nagpakitang gilas siya sa musika. Her mother personally trained and handled her. Ito ang kanyang nagsilbing mentor and manager. Sa pagtupad niya ng kanyang mga pangarap ay hindi lang sa kanya ang natutupad, kundi maging ang sa kanyang ina. Kaya ngayon na natatamasa nila ito ay hindi ganoon ka dalali ang umalis at iwanan ito. 

“I love you all, guys!” sigaw ni Filicity bago tuluyang umalis sa stage. 
        Nang makarating na siya sa backstage ay hindi pa rin mawala-wala ang kanyang mga ngiti. Kaliwat kanan ang kanyang natanggap na papuri galing sa kanyang mga staffs at co-performer.

                “Good job honey! You always make me feel so proud of you!” ’yan lage ang naririnig niya mula sa kanyang ina na gustong-gusto niya namang marinig. Simula ng namatay ang kanyang ama ay naging super duper hands on na ang ina sa kanya. Kahit paano ay nakalimutan nito ang pag-iyak at magmukmok. Isa ito sa nagsisilbi niyang motibasyon upang mas pagbutihan pa ang kanyang mga gagawin. 

       "Thank you mom!” sagot ng dalaga sa ina na masaya rin at hindi mapatid ang mga ngiti sa labi. Sa kabilang banda ay nagui-guilty siya. Alam niya kasi na whether she likes it or not, malalaman din  at malalaman ng kanyang ina ang matagal na niyang itinatago. Hindi niya pa rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng ina, ’pag nalaman nito ang tungkol sa kanya at kay Zackary. Si Zackary na mahal na mahal niya na isang Devrox. Hindi rin alam ng dalaga kung ano ang naging alitan ng kanilang pamilya. Kaya ngayon ay silang dalawa ni Zack ang nahihirapan.

        Matapos magpaalam sa ina ay dali-daling tinungo ni Filicity ang kanyang private room. Halos liparin na niya ang kinaroroonan ng kanyang telepono. Hindi na kasi siya nakapag paalam kay Zack at hindi na sila nagkakapag-usap simula kahapon. Agad na idinayal ng dalaga ang numero ni Zack ng makita niya ang fifteen missed calls nito.

       Nakakunot-noo si Filicityng matapos na lang mag ring ang number ni Zack ay wala pa ring sumasagot. Ito ang unang beses na hindi agad siya nasagot ng mahal na lalaki. Napapa-dasal na lang siya na hindi talagang nagtampo ang lalaki. Nagpasya na lang siya na idayal ulit ang numero dahil baka hindi lang napansin ni Zack ang kanyang tawag.

        “Hello, babe?”

        “Babe! What took you so long to answer my call?” inis na bungad ni Filicity sa nobyo.

        ”It's just a single missed call Filicity!” Agad siyang natahimik ng marinig ang iritadong boses ni Zack sa kabilang linya. She was shocked. Hindi pa siya kailanman pinagtaasan ng boses ni Zack, ngayon lang. Kaya ay ikinalma niya ang sarili, dahil kahit saang anggulo tingnan ay kasalanan niya naman.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon