STMZD 16 : You can't leave me

4.2K 95 1
                                    

Mariing nakapikit ang mga mata ni Etel. Subalit pabaling-baling ang kanyang higa at tila hindi mapakali.

“Uhm . . . ”Basam-basa ang kanyang damit na tila ay galing siyang naligo pagkatapos ay dumiritso ng higa. Tanging ungol na maykalakip na impit at iyak ang iyong maririnig mula sa dalaga.

“Uhmm . . . ”

“Mo-mommy . . . I'm your princess . . .
Help . . . Mommy . . ."

“No!”

“Ahhh!” Napabalikwas nang bangon si Etel ng magising mula sa kanyang panaginip. Tumayo s’ya at nagtatakang napatingin sa kanyang paligid. Makikita ang takot at pagkalito sa kanyang mukha. Animo’y iniisip niyang totoo ang kanyang napanaginipan.

“Sinong mommy?” Bakas sa boses ni Etel ang matinding pagtataka. Sapagkat ni minsan ay hindi pa niya tinawag na mommy ang kanyang nanay Katrina.

“Sino ang babaeng nasa panaginip ko?” Sapo ni Etel ang kanyang dibdib. Naninikip ito at nakakaramdam siya ng sakit at habag.

“Bakit ba kasi hindi ko maalala ang kanyang mukha?” Himutok ng dalaga at nagsimulang magmartsa papuntang banyo. Pilit niyang iwinawaksi ang panaginip. Subalit hindi iyon nawawala dahil iyon ang unang pagkakataon na nanaginip siya ng gano’n. Ipininid na lamang niya ang kanyang ulo at iniisip na baka ay bunga lang ’yon ng pagkahilig niyang manood ng mga pelikulang madrama at nakakatakot. Nang marating ng dalaga ang banyo ay agad na nahagip ng kanyang mga mata ang maruming damit na isinuot niya noong nakaraang araw. Hindi na niya iyon masusuot pa dahil sinabihan siya ng kanyang yaya Meding na itapon na lang dahil sa mantsa ng buko. Agad na namula ang pisngi ng dalaga ng maalala ang nangyari. Hindi niya alam kung ang nararamdaman niya ay bunga ng litu, pagmamahal o pagkainis. Inis dahil sa ang buong akala niya ay hahalikan siya ni Zack. Naglambing lang pala ito sa kanya upang umakyat siya sa puno ng niyog at kunan niya ito ng bunga. Inis na pumasok si Etel sa shower room. Bakas pa rin sa kanyang hita ang markang naiwan ng pumadaos-os siya embis malapit na siyang makababa sa puno ng niyog. Medyo mahapdi pa rin ito at namumula.
         Binuksan ng dalaga ang shower. ’Di na niya inalintana na mababasa siya. Ang nais lang niya ay pakalmahin ang sarili dahil sa samut-saring emosyon nararanasan.

         “Ito na siguro ang resulta sa pagiging mahilig ko sa kape . . .” bulong ni Etel habang ninanamnam ang maligamgam na tubig na unti-unting bumabasa sa kanya. Nakahinga lamang siya nang maluwag ng tuluyan ng makapasok sa kanyang sistema ang temperatura ng tubig. Nakapikit ang mga mata habang nakatingalang sinasalubong ang agos ng tubig.
          Mistula nataranta si Etel ng marinig niya ang malakas na kalampag mula sa labas ng shower room. Agad na naglaro ang kanyang malikot na isipan. Maraming senaryo ang nangyayari dito. Lalo na ang mga nakakatakot na pangyayari sa mga banyo sa horror movies.
       
“Mhanang . . . Whaht didt dyou dho to . . . yow ugleh.” Nangilabot ang pakiramdam ni Etel nang nakarinig siya ng kakaibang lengwahe galing sa labas.

“Ay! Kabayong naka-heels.” Halos takasan ang dalaga ng kanyang kaluluwa ng biglaang bumukas ang pinto ng shower room at iniluwa ang mahal na lalaki. Saglit na napatitig siya rito. Imbes na magtampo at magalit ay nakaramdam ang dalaga ng habag sa hitsura nito ngayon. Sa palagay ng dalaga ay naka-inom ito o ’di kaya ay talagang lasing.

           “Mhannang . . .”

           “Ayyy!” napahiyaw na naman siya ng wala sa oras. Hindi malaman ni Etel ang gagawin. Sapagkat ang g’wapong mukha ni Zack ay nakasubsob ngayon sa glass wall ng kanyang shower room. Habang ang pisngi, ilong at bibig naman nito ay sobrang nakadikit sa glass wall. Nagtatakang nakatingin si Etel sa pintuan ng mismong banyo na naiwang nakabukas.

           “Paano ka ba nakapasok dito Sir. Zack?”

         “Mhannn—” Patakbong lumapit si Etel at dinaluhan niya agad si Zack na ngayon ay mukhang ewan na ginahasa ang sahig.

        “Mhannang . . . Ahm I handsome?” Kunot-noong nakatitig si Etel kay Zack. Ang tanging naiintindihan niya lang sa sinabi nito ay ang salitang handsome.

         “Yes sir, Zack. Ang handsome mo po. Pero umayos ka ng tayo kasi ang bigat mo . . .” Halos hindi na mahitsura ang mukha ng dalaga sa pag-alalay kay Zack upang makalabas sila ng banyo.

          “Ang bigat mo Sir.”

         “Hi-ikaw . . . Gusto mo ako ’di ba? Maraming mhanga vabaeng patay na phatay shakin . . . W-why? Why did Fi-filicity le-leave me?” Panandalian na bato si Etel sa kanyang narinig. Parang dinudurog ang kanyang puso habang pinagmamasdan ang minamahal na ganito. ‘Ano ba, Zack! ‘Wag kang ganyan, ‘di bali ng ako ang masaktan ‘wag lang ikaw.’ Nais iyong isigaw ni Etel sa mukha ng lalaki. Pinipigil niya rin na ’wag umiyak. Ngunit, sadyang traydor ang kanyang mga luha. Iniyak lahat ni Etel ang bigat na nadarama. Ni minsan ay hindi pa siya umiyak ng ganito ka sakit. Sapo ang kanyang dibdib na mistula ng sasabog.
          “Bakit ka ganyan? Mahal kita e, mahal na mahal. Hindi lang naman si Filicity ang babae sa mundo. Hindi man ako kasing perpekto ni Filicity, pero ako, mahal kita ng sobra . . .” Pumipiyok ang dalaga habang binibitiwan ang mga katagang iyon.
          “Hindi mo ba napansin ang mga pagpapaganda ko para sa 'yo?” Pakiramdam ng dalaga ay  para siyang sira na tinutulungang  maglakad si Zack papunta sa kanyang kama habang panay pa rin ang agos ng kanyang mga luha.
          Konti na lang at mailalapag na niya si Zack sa higaan. Nanghihina ang mga tuhod ni Etel dahil sa sobrang bigat ng lalaki. Nagunit, hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Ang mas iniisip niya ay ang mabangong pabango na pinarisan ng natural na amoy ng katawan ni Zack, pati na rin ng alak. Habang naglalakad ay mistulang nagyeyelo ang katawan ni Etel ng tumapat siya sa malakas na ihip ng aircon. Sa lagay niya ngayon na basang-basa at naninigas sa lamig habang hawak si Zackary ay inakala na niyang nasa Poland siya at nakikipagbuno sa polar bear. Mistula nagyeyelo rin ang kanyang mga luha at pati ito ay tumigil na rin sa pag tulo.

“Hmmmp!”

Napapangiti ang dalaga habang tinititigan si Zack.
           “Talagang napakahirap mong dalhin sir,  Zack.” Nailapag man niya ng tuluyan sa kama ang lalaki ngunit kalahati lamang ng katawan nito ang nakahiga. Ang dalawang mga paa nito ay nakasayad sa sahig habang ang kalahati ay nakahiga na sa kama. Maingat na inangat ng dalaga ang mga paa ni Zack at inayos ang pagkakahiga nito.
 
Napapangiti na naman ang dalaga habang pinagmamasdan ang g‘wapong mukha ng lalaki. Iniisip niyang talagang pinagpala ng Maykapal si Zack pagdating sa ganda at kakisigan. Na malamang noong umulan ng pagka perpekto ay malaking batya ang dala ng nito.

          “Alam mo Zack, kahit sinaktan mo ako, hindi nabawasan kahit zero percent ang pagmamahal ko sa ’yo,” Malaki ang mga ngiti ni Etel habang inaayos ang magulong mga buhok ng lalaki.

“Filicity . . . Fi-filicity, do-don't leave me p-please." Malungkot ang mga mata ni Etel habang tinititigan si Zack. Kahit tulog at lasing ito ay puro Filicity pa rin ang nasa kanyang isipan na labis na nagdadala ng mabigat na pakiramdam kay Etel.
          Bago tumayo upang makapag bihis na rin siya ay hinimas muna ng dalaga ang makinis na mukha ni Zack. Ngunit, sa bandang huli ay mas inuuna niya pa rin si Zack. Mas matatagalan ang proseso kung tatawagin pa niya si yaya Meding. Kaya ay siya na lang ang nag-alis ng suot ng lalaki.
           Sunod-sunod na mga lunok ang pinakawalan ni Etel nang humantad sa kanya ang mala tinapay na six packs ni Zackary. Sa kabutihang palad ay tagumpay naman niyang na itinaguyod ang natitirang dignidad ng mapigilan ang sarili na hawakan at kainin ang pagkain na nakhain sa kanyang kama. Matapos hubarin ang damit  ng lalaki ay kanya naman sinunod ni Etel. Naka hubad na  s’ya sa kanyang suot na malaking loose shirt nang maalalang wala pala siyang suot na bra. Mabilis pa sa alas k’watro ang pag takip niya sa kanyang dibdib. Sinilip agad  ni Etel si Zack baka nakita nito na naka buyangyang siya. Pero, ang sarap pa rin ng tulog nito. Nakabusangot ang mukha ng dalaga ng mapagtanto na tulog mantika ito. Kaya ay nagpasya na lamang siya na umalis para kumuha ng panibagong damit.

“Yhou c-can't leave mhe aghain!”

“Ayyy!” napasigaw si Etel ng hatakin siya ni Zack at sabay silang dalawa na bumagsak sa kama. Hindi alam ng dalaga kung ano ang uunahin. Ang binti ba ni Zack na naka-patong sa kanya? O ang braso nito na naka-patong naman sa maliliit niyang dibdib? Tila nararamdaman ni Etel na mas lalong naging flat chested s’ya dahil sa pagkakaipit ng kanyang dalawang bundok. Sinubukan niyang alisin ang kamay ni Zack, subalit mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
          Lumipas ang ilang minuto ay ganoon pa rin ang kanilang posisyon. Hindi man lang lumuwag ni kaunti ang yakap ni Zack kay Etel. Humihikab na napapakamot ng ulo nalang ang dalaga dahil talagang napasubo na siya.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon