STMZD 20 : Even if it takes forever

4.2K 105 3
                                    

                     Phoenix Grey

          I have really wanted to kiss her ever since we met. And so I did. Right now and right here in this not so busy street with the sound of the howling wind and the breeze of the heavy rain pouring in us. Nawala na ang payong na kanina ay ginamit ko upang hindi  kami mabasa ng ulan. ‘Sana walang na-disgrasya na sasakyan dahil naliparan ng aking payong.’
          Masaya akong ninanamnam ang tamis ng kanyang mga labi. Isa ito sa mga pangyayari sa aking buhay na ayaw kong matapos. Pero . . .
            Parang gusto kong bugbugin ang bumosinga ng pagka lakas-lakas na siyang dahilan upang humiwalay ng bigla sa paghahalikan namin si Etel. Hindi ko alam kong ano ang nangyari basta umalingawngaw ang nakaka bingi na busina ng sasakyan.

          “Ha-hala Si-sir! May na disgrasya,” sabi niya sabay turo sa isang motorcycle rider. Ngayon ay tinatayo na niyang  muli ang kanyang sasakyan galing sa pagkakatumba sa kalsadang madulas at basa dahil sa kadahilanang umuulan pa rin hanggang ngayon.
          “Hoy! Kayo! Kung gusto ninyong maglampungang dalawa! humanap kayo ng motel! 'Wag dito sa kalsada! Nakakaistorbo kayo!” halos mapigtas ang ugat ng lalaki sa leeg dahil sa mahabang litanya niya habang sumisigaw.
          Agad kaming nagkatinginan ni Etel. Kitang-kita ko ang pamumula niya habang pinipigilan wag mapa hagalpak ng tawa. Kahit medyo madilim na ay hindi naman mahirap makita ang kanyang mukha.  Mas nagliliwanag pa nga ito kaysa sa mga  ilaw  na nasa poste. Ako man ay natatawa rin. ‘Bakit, inutusan ba namin siyang manood na parang nasa sinehan lang siya?’ ’Yan tuloy disgrasya ang inabot niya. Agad kong hinila si Etel paalis sa lugar na iyon at tinungo namin ang aking sasakyan.
Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti. Ang sarap sa pakiramdam na nandito kaming dalawa, magkahawak ng kamay sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. ‘Sana tumatakbo kami para ipaglaban ang aming pag-iibigan, pero shit lang! The reality is that, tumatakbo kami ngayon papunta sa sasakyan kong naka park sa ’di kalayuan. Ang mas masaklap ay ako lang yata ang nagmamahal. At ni katiting ay wala akong maramdaman na kaya rin ibalik ni Etel ang pagmamahal na kaya kong ialay sa kanya.
          “Hmmm . . . Grabe ang lamig Sir!” nanginginig niyang sabi ng makapasok na kami sa loob ng sasakyan. Napapailing ako sa bawat pagtawag n’ya sa akin ng Sir. Para iyong tunog guro sa akin.
          “Please call me Phoe, Etel. Mas gusto ko ’yon ang itawag mo sa akin.”
           “Si-sige Ph-Phoe . . .” Halos pigilan ko ang aking paghinga at wagmagpa tunog ng paglunok ng aking laway sa aking nakikita ngayon. My Etel, with her messy wet hair, water dripping from her skin. . . Her huge shirt, huge wet shirt  that made her bra almost visible to my eyes.
My god! My temperature is soaring high. Kahit basang-basa ako sa ulan ay pakiramdam ko nasa ibabaw ako ng bulkan sa init na aking nararamdaman.
Kaya bago pa ako kademonyohan, two months na rin kasing absent ako sa aking sex life ay minabuti ko na lang na ipa suot sa kaniya agad ang aking spare jacket.
For Pity's sake! Mas naging hot pa yata siya sa pinasuot kong jacket sa kanya. I need to cool myself, I need to calm my buddy down. Kaya ay  minabuti ko munang tumingala. Blink my eyes many times and maybe I need to count a thousand sheeps too . . . Mistula nagwawala ang aking buong sistema. Pagdating talaga sa kanya ay nagiging hibang at nawawala ang ulirat ko sa katawan.

          “Phoe? Okay ka lang ba?” tanong ni Etel sabay hawak sa akin.

          ‘Shit! Shit! Don't touch me right now Etel at  baka maka limot na ako ng tuluyan. Agad akong napapitlag ng maramdaman ang medyo may kalamigan niyang mga kamay sa aking noo. Para akong napaso sa pag damping ‘yun. ‘Ganoon na ba ako ka hibang sa ’yo Etel? My Etel?’ Hindi ko mapigilan ang nangungusap kong mga mata habang tinititigan ko siya.

           “Would you mind if I ask how old you are?” tanong ko sa kanya, it just came out of nowhere. I'm so tactless for asking her a question like that. Parang iyong indian na nag chat sa messenger. Mukhang mahina na ako sa diskarte.
Pero, para hinaplos ang puso ko ng ngumiti siya sa ‘kin ng pagka tamis-tamis. Ang mukha kasi niya ay parang paslit sa sobrang baby face.

          “I just turned 18 today, Phoe,” nakangiti niyang sagot sa ’kin.

          “Oh! Are you serious? Why didn't you tell me this beforehand? Let's celebrate then,” masigla kong turan at hindi mapigilang ngumiti nang mas malawak.

          “Ako lang ang nakakaalam nito Phoe. Ayaw kasi ni nanay ang petsa ng aking kapanganakan kaya ay nilipat niya ito sa ibang petsa,” she said with an apologetic smile. ‘Ang weirdo naman ng ina na ganun.’ Nagtataka man ay tumang-tango pa rin ako.

          “This calls for a celebration, love.”

          “Huwag na Phoe, gusto ko ng umuwi, baka hinahanap na ako ni daddy Trevor. Masaya na ako na naging officially Mrs. Devrox na ako. Best birthday gift ever.” Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. ‘Ano ba ang nakita niya sa lalaking iyon?’ Wala naman itong ibang ginawa kung hindi ang pasakitan siya.
          Nakatingin lang ako sa kanya at hindi mapigilang mapakunot-noo. Ngumingiti siya habang nakatitig sa sing-sing na nasa kanyang palasingsingan. Ngunit ang mga ngiting iyon ay tila napalitan ng kalungkutan ng  tumingin siya sa akin.

          “Etel . . . I love you,” sinabi ko ulit iyon habang nakatitig sa kanyang mga mata. Para kasing hindi lang niya pinapansin ang aking pag-amin ng aking totoong nararamdaman sa kanya. Nang marinig n’ya ulit ang sinabi ko ay malungkot ang kanyang mga matang tumingin pabalik sa akin.

          “I'm sorry, Phoe. Kung natuturuan lang ang puso, sa simula pa lang ay sana naturuan ko na itong ’wag magpakatanga kay Zack. Pero hindi, mas lalo ko pa yata siyang minahal ngayon,” malungkot niyang sabi. Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay yumuko siya. Ngunit bago pa man niya naitago ng tuluyan ang kanyang mga luha ay nakita ko na ang pagpatak nito.
I immediately hold her chin at inaangat ang kanyang mukha mula sa pagkaka tungo nito.

          “Tama ka Etel, kung natuturuan lang ang puso. Pero kahit na mangyari ’yon, I still teach my heart to fall for you. And I'm gonna do it over and over again. Don't worry, I'll be here waiting for you always,” naka ngiti kong sabi to cover up my pain.

          "Mahal kita, Phoe . . . Pero hanggang kaibigan lang,” Mapait ang mga ngiting saad niya. Hindi ko mapigilan ang pagsikip ng aking paghinga. Masakit na marinig mula mismo sa babaeng una kong minahal, hindi ko matatanggap. But still, I manage to  smile. Hindi naman nagbabago ang tibok ng puso over night. I swear mamahalin niya rin ako.  Maybe not now  but maybe in the future. I'm hoping that I can have a future with her. Not just a damn friend but a lover.

          "Shhh . . . I can wait for you to love me, Etel. Even if it takes forever,” sambit ko at niyakap siya ng mahigpit. Iyong tipong ayaw ko siyang pakawalan. At harapin ang katotohanan na malalayo na naman s’ya sa akin.

This story is already completed and free to read in Dreame and Yugto. If ever gusto n’yo pa pong basahin. Feel free to follow me dearest! Pen name: figuresofspeech.
Maraming salamat sa lahat ng sumupurta sa journey ni Etel at Zack.
Salamat sa supurta ninyo sa akin.
Isa lang po akong baguhan sa pagsusulat. Sana ay masamahan n’yo ako sa aking panibagong journey.
I love you all.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon