STMZD 22: Set-up

4K 102 1
                                    

Celeste Makini

Tinatanaw ko ngayon ang papalayong sasakyan ni Phoe. Seven thirty-five na ng gabi ng maihatid niya ako rito sa mansyon ng mga Devrox. 'Liban sa cenelebrate pa namin ang aking birthday ay medyo na traffic din kami ni Phoe on our way papunta rito. Pinilit ko kasi siya na ihatid na ako, kaya ay nag biyahe kami ng mismong pick hour. Kaya ang naging resulta ay na stuck kami in a huge traffic.
Naaawa tuloy ako kay Phoe, masyado na siyang nadadamay sa kahibangan ko sa lalaking may-iba ng gusto. I mean . . . May-iba ng minamahal.
Napa buntonghininga ako ng tuluyan ng nawala sa aking paningin ang sasakyan ni Phoe. Bagsak ang aking mga balikat na naglalakad papasok ng mansyon.

“Ms. Celeste, maligayang pag-uwi po. Kanina pa po kayo hinihintay sa loob ng mansiyon,” sabi ng isa sa mga bantay ni daddy Trevor sabay payong sa akin dahil malakas pa rin ang ulan.

“Po? Bakit daw po?” tanong ko na may matinding pagtataka. Akala ko kasi I'm just nobody kaya ay nagtataka ako kung bakit pa nila ako hinihintay.

“Pasok na po kayo sa loob Ms. inaabangan po kayo ni yaya, kanina pa siya nag-aalala sa iyo,” saad ni kuyang bantay. Kaya ay minabuti ko nalang na pumasok na nang tuluyan sa loob. Kahit gabi na ay malinaw ko pa ring nakikita ang paligid ng mansyon. Ang ganda talaga nito, lalo na pag-gabi. Paborito kong tinitingnan ang mga bulaklak na rosas sa hardin ng mommy ni Zackary. I mean, sa mommy ko na rin. Sobra kasi ito kung magningning kapag gabi. Talagang takaw atensyon ang mga masisigla nitong petals na pinapatingkad pa lalo ng mga led light.
Habang papalapit ako sa main door ng mansiyon ay hindi ko mawari kung bakit kinakabahan ako. Kinakabahan ako na parang hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Hindi ko pa man na tutulak ang engranding pintuan ay bumukas na ito at iniluwa ang punong silbidura na si yaya Meding.

“Etel! Diyos ko pong bata ka, saan ka ba nagsusuot huh? Ako'y talagang kanina pa nagaalala sa iyo,” halos mangiyak-ngiyak na turan ni yaya. Makikita mo sa mukha ng matanda ang matinding pagaalala na lubos ko namang ikinatuwa. Maliban kasi kay Phoe at daddy Trevor ay nararamdaman ko ring napamahal na sa ’kin si yaya Meding. Sa loob pa lang ng halos dalawang linggo ay kilala ko na sa mansyon na ito ang mga totoong tao kumpara sa mga plastics.

“Nako yaya, matraffic kasi masyado sa daanan. Kaya nahihirapan akong makauwi agad, saka umuulan pa,” naka ngiti kong turan sa matanda upang mabawasan na rin ang pagaalala niya sa akin.

“Akala ko ay napano ka na,” saad ng matanda sabay pisil sa aking pisngi.

“Nabasa ka ba sa ulan, ijah?” tanong ni yaya na nagpangiti na naman sa akin. ‘Yaya talaga, kita na nga niyang umuulan pa rin ng malakas tapos nagtatanong pa.’

“Kanina po yaya, pero natuyo na po ako ngayon.”

“Diyos ko po! Magkakasakit ka niyan, halika na sa loob at ng maka pagbihis ka at inaantay ka nila sa loob.”
Agad na akong sumunod kay yaya Meding. Kanina pa talaga ako nagtataka kung bakit nila ako hinihintay. 'Bakit may meeting ’di abansi ba ngayon dito?’ Or, gusto lang nilang makita ang babaeng ikinasal at iniwan agad ng asawa niya sa daan na hindi niya kabisado sa gitna ng malabagyong buhos ng ulan.
Ngunit ano pa man ay pumasok na ako sa aking k’warto at naligo. Gusto ko sanang magbabad pa sa maligamgam na tubig kaso may nag hihintay daw sa ’kin. Ayaw ko namang masabihan na pa-importante ng kung sino man ang mga nag aantay sa ’kin na bisita.
Nang biglang maalala ng aking isipan ang usapan kanina ni Zack at Filicity. ‘Hindi kaya ay si Filicity ang aming bisita? Agad ko na lang ipinilig ang aking ulo. ’Wag naman sana, parang hindi pa kasi ako handang harapin ang babaeng dahilan kung bakit hindi ako magawang mahalin ng lalaking kinababaliwan ko. But whatever it is, I'll just cross the bridge when I get there.
Kaya mabilis ko ng tinapos ang aking paliligo. Nag toothbrush na rin ako at isinuot ang paborito kong ayos pag ako ay nasa bahay lang. Sexy lingerie! Natatawa ako, as if kaya ko iyang isuot. Kaya ay kinuha ko na ang faded kong pajama at loose shirt na pinaglumaan pa ni humabon. Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang suot kong t-shirt sa full length mirror. Sinusuot ko na kasi ito simula pa noong 8 years old ako. So parte na siya ng buhay ko.
Before getting out from my room and meet them, tinuyo ko muna ang aking buhok gamit ang hair blower at isinuot ang aking panda sleeper. Kabibili lang sa akin nito ni daddy Trevor through his malanding secretary. Ayaw ko talaga sa babaeng ’yun, maganda naman talaga siya, kaso ang pangit naman ng pag-uugali. Para sa akin ay naglalabas siya ng enerhiyang traydor. Hindi ko na sinubukan magpaganda, matagal ko na iyong tinatamasa sa natural kong mukha.
I was walking now heading to the dining area kung saan ay nag aantay daw sila sa ’kin.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon