STMZD 17 : Other back

4.2K 105 2
                                    

Masaya ang mga mata ng dalaga at nagniningning na ngumingiti. Pinilit niyang tingnan ang wall clock sa kanyang k’warto. Doon niya nakumperma na twelve one am na. At iisa lang ang ibig sabihin nun. Karawan na niya. Hindi maitago ni Etel ang saya na walang mapagsidlan. Ang pangyayaring ito ay isa sa pinakamagandang natanggap niya sa kanyang kaarawan. Habang masayang nag-iisip ng kanyang mga pantasya na kasama si Zack ay nakaramdam ang dalaga ng pananakit ng tiyan. Kaya ay agad siyang kumilos upang makapag bihis na. Sinubukan niyang gumalaw ng mas may p’wersa, Ibinuhos ni Etel ang natitirang lakas upang makaalis sa pagkakadagan sa kanya ni Zack. Napakunot-noo ang dalaga at napapaisip kung tulog ba talaga si Zackary o gusto lang siya nitong tsansingan dahil sa tindi nang pagkakayakap nito. Iyong tipong nilagyan ng pandikit at dinaig pa si Samson sa lakas niyang kumapit.
          Napapagod na ang dalaga sa kanyang ginagawa. Nais niyang umiyak sapagkat ang gusto lang naman talaga niya ay magbihis at humiga ulit sa kama kasama ang lalaki. Nagsisimula ng maglandas ang kanyang mga luha ng nakaramdam na parang may humahaplos sa kanya. Tila nanigas si Etel ng napagtanto ang nangyayari.

          “Uhm . . .” Nakatingin lamang ang dalaga sa lalaki na ngayon ay nasa-ibabaw na n’ya. Matamang nakatitig ngayon si Zackary sa kanya na animo’y kina-kabisado ang kanyang mukha. Halos pigilan ni Etel ang paghinga ng unti-unting humahaplos ang kamay ng lalaki sa kanyang hubad na upper body.

“Hhhh” Hindi alam ng dalaga kung ano ang gagawin. Tanging kabog ng dibdib at mabilis na tila napigtas na paghinga ang namumutawi sa kanyang bibig. ‘Ito na ba ’yon? Mawawala na ba si vivi ko na aking pinag iingatan? Magpapa versace na ba talaga ako sa lalaking matagal ko ng gusto?’ halos nababaliw na turan ni Etel sa sarili.

          “Ugh!” Napaigtad ang dalaga sa mga bagong sensasyon na pinalalasap sa kanya ng mahal na lalaki. Sapagkat ni sa panaginip ay hindi n’ya naiisip na mangyayari ito. Napapa pikit ang dalaga at nag-aabang sa mga susunod na gagawin ni Zackary.
          "I-I love you so much, Fi-filiccity baby.” Mistula nanigas si Etel sa kanyang narinig. Tila ay na-bukol siya sa lakas ng pagkaka batok sa kanya ng mga salitang ’yun. Medyo nawala rin ang kanyang excitement at tempo ng marinig ang mga katagang binitawan ni Zack. Matapos masabi ang nais sabihin ng lalaki ay siniil  siya nito nang isang mapusok na halik. Pilit na tinutulak ng dalaga si Zack ngunit mukhang hindi naman ito tumatalab. Hanggang sa ’di naglaon ay nagustuhan na ito ulit ng dalaga. Binablanko ng mga kakaibang pakiramdam na hatid ng minamahal ang kanyang buong sistema. ‘I don't want this to end.’ Sa pusong uhaw sa atensyon ng lalaking pinapangarap ay tila tama para sa kanya ang mga kaganapang ito.
          Zackary's kisses became more gentle. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ang dalaga ng pagmamahal. Mas lalo pang lumalalim ang halik sa isat-isa at pinupunan ang mga pusong uhaw sa pagmamahal. Mababanaag ang pagpoprotesta sa mukha ng dalaga ng bitiwan ni Zack ang kanyang mga labi. Labis na siyang nawawala sa sarili at tila ay naliliyong nagpaanod sa dekta ng kanyang puso. Ninanamnam n’ya ang bawat dampi ng mga labi ni Zack sa kanyang leeg habang pababa ito ng pababa. Agad siyang napadilat ng hindi na gumagalaw si Zackary.

“Hmmm . . .”

Nag-init ang buong mukha ni Etel ng titigan niya si Zack. Ang sarap-sarap ng  tulog nito na parang wala lang ginawang kakaiba sa kanya. Hindi maikubli ni Etel ang kanyang pagkadismaya. ‘Pati ba naman ito ay gagawin niyang biro sa akin?’ Napa-tungo ang dalaga na tila nahihiya sa kanyang sarili. Hindi rin n’ya maiwasang mapatitig sa bumubukol sa loob ng pantalon ni Zack. Nanginginig siyang napapailing. Sapagkat Iniisip niya kung ano ang hitsura ng nasa loob nito.‘Ako na lang kaya ang magpatuloy. Mabilis lang naman, gagayahin ko lang siya at vuwala!’ Tila gustong batukan ng dalaga ang kanyang sarili sa laswa ng kanyang mga naiisip. “Hindi pa naman ako ganoon ka desperada . . . ” bulong ng dalaga habang hindi sigurado sa kanyang sinasabi.
          Hanggang sa napagpasyahan niyang subukang alisin ang kamay ng lalaki na naka-dantay sa kanya. Sa ngayon ay mas nadagdagan ang bigat na literal na kanyang iniinda. Pakiramdam niya ay mala-purong bato sa sobrang bigat ang kamay ng lalaki. Dala na rin ng tinding pagod, medyo inis at pagkadismaya ay nakaramdam s’ya ng antok. Hinihila siya nito at ang kanyang natitirang lakas.

SOLD TO MR.ZACKARY DEVROXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon