CHΔPTΣR 6

1.2K 41 0
                                    

Revine's POV

Ano bang nangyayari?

"Leigie tama na." awat ni Ghan sakanya

"Oh kaibigan niyo na pala 'to?" sabi ni Nil habang naka turo kay Ghan "E diba binugbog niyo 'yan? Kaibigan niyo na?" natatawang asar pa niya bago tumayo

"Guys tama na please. Baka malaman ng mga teachers 'to!" saway sakanila ni Ara

Ang ibang estudyante naman dito tahimik lang. Gaya namin. Hindi namin kayang maki awat sakanila.

Tuluyan na ngang naka tayo si Nil. Lumapit si Leigie sakanya. Mas matangkad pala si Leigie sakanya kung tutuusin.

"Please!" pakiusap ni Ara sakanila

"Matagal na naming kaibigan si Ghan." seryosong sabi ni leigie

"Gusto mong siraan kita?" nanghahamon na sabi ni Nil

"Then do it." sabi ni leigie "Sa tingin mo matatakot ako sa basurang gaya mo?" mukha namang naasar si Nil sa sinabi ni Leigie sakanya

"Tama na ano ba?!" sigaw ni Ara kaya lumayo si Leigie kay Nil

Nagsibalik na sila sa kani kanilang upuan. Nakita ko naman si Nil na nakatayo at naka kuyom ang kamao. May dugo din siya sa labi.

"Ano kayang issue nila?" bulong sakin ni Lj

"Tumigil ka na nga." saway ko sakanya kaya umayos na siya ng upo.

Dumating na din ang ibang teachers at nag discuss.

Lunch time beybe!

"Tara sa primary building!" aya ni Lj

"May aaralin ako sa English. Sa library muna ako." sabi ni karry

"Sige tara!" masiglang sabi ni Lj

"Sa canteen muna ako." paalam ko sakanila

"Samahan na kita!" prisinta ni yennie kaya nag nod nalang ako

"Revine.." tawag sakin ni kathina

"Bakit?"

"Pwede mo ba akong bilhan ng pagkain sa canteen. Sa primary building nalang siguro tayo kumain." tumango naman ako at kinuha na ang pinapabili niya

Kaya naman pumunta na kami sa canteen at pumila

"Ang ganda talaga ng school na 'to, 'no?" sabi ni yennie "Ang lawak lawak pa ng canteen nila. Tapos may nalaman ako!" sabi niya naman

"Ano 'yun?" tanong ko

"Sa likod ng main building ay may building pa! Apat!"

"Maniwala tanga." sabi ko

"Seryoso! Nakita ko. Apat na building. XNEXX din."

"Saan?"

"Sa likod nga ng main building." sabi pa niya na naiirita na "Nung papunta tayong parking. Meron pang isang malaking gate do'n sa kabila. Tapos nung nilibot ko yung main building may nakita akong bridge do'n papunta sa likod na building. Nung tumawid ako sa bridge. Meron do'n na malawak na field. Tapos may apat na building." paliwanag pa niya

"Eh bakit hindi sinabi ni Ara sa atin 'yun?" tanong ko naman

"Ewan ko baka trip niya." sabi niya at bumili na ng kakainin

Nag order na rin ako ng kakainin ko at 'yung pinabili ni Kathina sa 'kin.

Pagkatapos naming bumili ay nakasalubong namin yung limang lalaki na kaklase namin.

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now