CHΔPTΣR 9

1K 36 2
                                    


Revine's POV

Dapat hindi nila ako iniwan! Ugaling ugali kasi nila yun eh. Akala siguro nila umuwi nako o kaya naman sinundo ako ni kuya. Kaya tinext ko si Nina

"Asan kayo?"
3:32 PM sent

Pagka text ko kay Nina ay nag reply na din siya matapos ang ilang minuto.

"Nasa bahay na. Ikaw asan ka?"
3:34 PM

"Bakit niyo ko iniwan? :<"
3:35 PM sent

Ang tagal niya talagang mag reply minsan. Kaya tinawagan ko nalang siya.

----------

- On Phone Call -

'Oh?' sagot niya sakin ng masagot na niya ang tawag ko

"Iniwan niyo ko!" sigaw ko

'Ang tagal mo kasi. Akala namin naka uwi kana.'

"Sige na uuwi na 'ko! Mag tataxi nalang ako." sabi ko at binaba na ang tawag

--------

"Kawawa ka naman." napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Leigie na nakasakay sa motor niya

Hindi ko naman siya sinagot. Tinignan ko lang siya ng masama

"Kasalanan mo." kumunot naman ang noo niya "Kaya nila ako iniwan." dagdag ko

Nagtaka ako dahil inabot niya sa akin 'yung helmet niya "Suotin mo." sabi niya

"Bakit ko susuotin 'yan? Takot akong sumakay sa motor." sabi ko

"Edi sige. Mag isa ka diyan sa labas kakahintay sa taxi." At sinuot na niya yung helmet niya

"Talaga."

Pinaandar na niya yung motor niya at umalis na.

Ayokong sumakay sa motor niya kasi grabe siya mag patakbo. Akala mo naman may humahabol sakanya.

Ako nalang pala ang nandito sa loob ng school kaya naman lumabas na ako at nag abang ng taxi sa may highway.

Lumipas ang ilang oras pero wala akong nakikitang taxi na dumadaan. Puro mga kotseng may, may ari lang ang dumadaan.

"Ma'am," napalingon naman ako sa gilid ko nang tawagin ako ni manong guard "May hinihintay po ba kayo?" tanong niya

"Nag aabang po ako ng taxi." sagot ko naman

Napakamot siya ng ulo "Wala pong nadaan na taxi dito ma'am." Sabi naman niya

Hayyy! Grabe!

"Ganon po ba?" tumango naman siya

"Kanina ko pa po kayo nakikita dito. Akala ko po may sundo kayo pero wala po akong nakikitang sumusundo sainyo kaya nilapitan ko po kayo." Sabi niya

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now