Revine's POVNandito pa rin kami sa Grocery store at namimili kami ng aming kakainin mamaya sa picnic.
Humiwalay muna ako kila Ghan at pumunta kay kuya.
"Revine" tawag sa akin ni kuya kaya napalingon ako sakanya "Uuwi muna ako kasi may kailangan akong gawin. Si Raivel, hinahanap na ni papa sa bahay kaya kailangan na rin niyang umuwi. Ikaw sasabay ka ba?" dagdag ni kuya
"Sayang hindi tuloy 'yung picnic." nalungkot naman ang mukha ni Raivel
"Kapag natapos na akong pumili, uuwi na rin ako. Mauna na kayo sa bahay." sabi ko naman
"Mag taxi ka nalang, eto pera." at inabot niya sa akin 'yung pera "Umuwi ka kaagad ha!" tumango ako "Tara na raivel."
Napatingin naman ako kay Raivel na naka nguso habang sumusunod kay kuya, kawawa naman ang batang 'yon.
Mabait naman iyong kapatid ko na 'yon. Ang kaso lang minsan ma tripa 'yon sa mga kasing edad niya. Minsan sa matatanda pa sakanya.
At ito na nga! Binilisan ko nalang ang pamimili kasi sa totoo lang wala na 'kong maisip na kainin eh.
"Mag isa ka lang?"
"Pusang nirebond!" gulat na sabi ko dahil sumulpot bigla si Ghan sa tabi ko
"Ah oo, umuwi na kasi sila kuya dahil may gagawin daw." paliwanag ko
"Sama ka nalang sa amin." nakangiting sabi niya.
"Nako! Huwag na. Bonding niyo 'yang magkakaibigan, makikigulo pa ako." pagtanggi ko sakanya. Totoo naman eh
"Hindi ka na rin naman bago sa amin. We're classmates, ayos na 'yun diba?" mapilit to eh.
"Okay lang, namimili lang naman ako ng kakainin. Gagala nalang siguro ako rito sa mall."
"Hindi masaya ang gumala ng walang kasama." sabi niya at nilagay 'yung coke sa cart na hila hila niya.
"Ghan!" tawag ni Drino kay Ghan "Bayaran na nati—andito ka pala Revine." nakangiti na naman itong lalaking to.
"Revine right?" tanong sa akin ni Ghan. Hindi pa pala kami nag kakakilala ng ayos.
"Revine Dren Sadella." at nilahad ko ang kamay ko sakanya
"Ghan Verzosa." nakangiti niyang pakilala sa akin, mabait naman pala "Sama kana sa amin para hindi ka ma-bored. Masaya kasama 'tong mga mokong na 'to."
"Hahahaha pre! Lintik si Hirro! Hahahaha nag papapogi doon sa sales lady tas nadulas hahahaha putcha!" parang si Lj din pala itong si Ben. Nag tatravel din ang laway kapag nag sasalita.
"Bwisit ka ben! Gusto mo sampulan kita!" at inangat ni Hirro ang kamao niya.
"Si Ara asan?" Tanong ni Ghan sakanila pero nagkatinginan si Ben at Hirro
"Nandun na sa labas nitong store, nag iinarte. Ayaw daw pansinin." Paliwanag ni Ben
"Sige na bayaran na natin 'to." yaya ni Ghan sakanila
"Sama ka sa amin?" tanong sa akin ni Drino habang papunta ng cashier.
Bakit nga ba ako sumusunod sakanila?
"Hindi, sasabay lang ako palabas. Wala na akong bibilhin eh." paliwanag ko
"Sumama ka na sa amin." pagpipilit ni Drino sa 'kin. "Ihahatid ka rin namin pauwi." at ngumiti siya sa akin
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Teen Fictiondate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.