CHΔPTΣR 30

1.2K 32 3
                                    

Warning : SPG ( Language )

Ghan's POV

[A/N : ito yung nangyari kung pano sila nakapunta doon sa basement. :) at kung paano sila nag kabati bati nila Nil]

"Nakita mo ba sila kathina?" tanong ni drino sakin

"Ayan kase inaaway mo kaya ka iniiwasan." puna ni ben sakanya

"Hindi ko naman alam na makikita niya pala kami ni wendy eh, tsaka may boyfriend na yun tao." usal ni drino

"Edi sana inexplain mo sakanya. Ungas ka!" sabi ko

"Kaya nga sasabihin ko na sakanya ngayon eh." sabi naman ni drino

"Ano nang balita kay leigie?" si hirro

"Ewan ko dun. Nilamon na ata ng einstone hahaha!" si ben

Napansin ko naman dumaan si Nil samin.

"Pst oy!" tawag sakanya ni ben "Nakita mo ba sila Lj? Diba lagi mo yun kasama?"

Tanging iling naman ang ginanti ni Nil.

"Lah bastos?" daing ni ben ng lagpasan siya ni nil.

"Ben.." may tono na nag uutos sa boses ko dahil hinarangan niya si nil kaya napatigil ito

"Hindi ako makikipag away," mahinahong sabi ni ben "Ikaw ba yung nag dala kay leigie sa hospital?"

"Oo." tipid na sagot ni nil

Sa totoo lang namimiss ko na yung dating mga kaibigan ko, ang dami kasing nag bago simula nung mawala si jack.

Nag sisisi din ako non, hanggang ngayon. Dahil dahil sakin kaya siya nahulog, kaya siya nakabitaw.

"Alam mo.." panimula ni drino "hindi na naman dapat tayo ganito eh." nagtaka naman kaming lahat at napatingin sakanya.

"Every people need a second chance." dagdag ni drino

Ngumiti ako, dahil si drino talaga ang may pinaka malambot na puso saming lahat. Noong una palang wala siyang sinisisi dahil aksidente ang lahat, matagal na niya kaming kinakausap na mag kaayos ayos na pero kami pa rin ang ma pride.

Hinarap siya ni Nil "Kung iniisip niyo na mag kakaayos pa tayo, huwag na kayong umasa." sabi niya kay drino

"Bakit sa tingin mo makikipag ayos kami?" si hirro.

"Hanggang ngayon ganyan ka pa rin?" sarkastikong tanong ni nil kay hirro.

"Alam mo, kung gumagawa ka ng paraan para mabuo tayo, edi sana okay na diba?" nilapitan ko si hirro dahil may nabubuo ng tensyon sakanila "Kaso wala eh, lahat tayo ma pride! Tanginang pride yan!" sigaw niya

"Hirro.." saway ni drino

"Sa tingin niyo ba ginusto ko na mawala si jack ha?!" sigaw ni nil

"Tama na.." si ben

"Eh gago ka pala eh! Ano ka santo? Walang kasalana--" Hindi na natuloy ni nil yung sinasabi niya dahil sinuntok siya ni hirro

Pumagitna naman kami sakanilang dalawa.

Nakita kong may nag babadya ng luha sa mata ni hirro "Kahit kailan! Walang araw na hindi ko rin sinisi ang sarili ko!" tumulo ang luha niya "Gusto kitang patawarin pero bumabalik lahat ng sakit na minarka mo!"

"Tama na hirro.." Si drino "mag kaayos nalang kasi tayong lahat. Sa tingin niyo matutuwa si jack na ganito tayo?!" inis na tugon ni drino

Huminahon naman ang lahat, tumalikod si hirro at nag pahid ng luha. Si nil naman ay bakas na sa muka ang sakit

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now