REVINE
"Noong kapanahunan ko!" may halong pagmamayabang ang sabi ni papa "Maraming sexy ang patay na patay saakin! Pumipila pa sila sa harap ng bahay namin... Ako pa ang nililigawan!" lasing na sabi ni papa.
Itong dalawa naman, tawa lang nang tawa. Nakita kong namumula na si Leigie at si kuya naman inaantok na pero kapag nag jojoke si papa tatawa naman.
"Inom pa!" sigaw ni papa at itinaas ang medyas niya
"Pa..." tawag ko sakanya at inawat na siya. Inumin daw ba ang medyas.
"Cheers! Para sa mga chicks!" sigaw ni kuya. Hawak hawak ang basong nakabaliktad.
Ilang alak ba ang nilaklak nitong mga 'to?
"Para sa ekonomiya! Magpugay!" Sigaw naman ni Leigie at hawak ang flower vase.
Nakita ko namang sinasampal sampal ni mama si papa at inakay papuntang kwarto nila.
Si kuya naman bumagsak na. Nakatulog na sa sobrang lasing.
Nilapitan ko naman si Leigie na naka tungo na. Nakapatong ang dalawang siko niya sa tuhod niya.
"Leigie." tawag ko sakanya ng may halong tapik
"Hmm?" ang tanging naisagot niya.
Paano 'to makakauwi eh lasing na! Papa kasi eh!
"Dalhin mo nalang siya sa kwarto mo anak..." napalingon naman ako kay mama.
May kwarto kasi ako dito. King bed size naman siya kaya... Teka hindi naman ako matutulog dito.
"Doon kana rin matulog dahil hating gabi na." bilin ni mama at umalis na
11pm na pala.
"Kaya mong tumayo?" tinitignan ko lang kung makakausap pa ng maayos.
"Superman... Thor... Hulk.." Lasing na sabi niya "Ang mga ibonn... Na lumilipad..." kumanta pa siya at sinisinok na.
Inalalayan ko na siyang tumayo papunta doon sa kwarto ko. Doon nalang ako matutulog sa mini sofa sa kwarto ko. Okay na 'yun.
Nang makarating sa kwarto ko ay pabagsak ko siyang binaba sa kama. Hinihingal ako sa bigat nitong lalaking 'to eh!
"Anak," dinig kong tawag ni mama at kumatok. Pumasok na rin siya. "Ito ang tshirt ng kuya mo. Palitan mo muna 'yang tshirt niya at amoy alak." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mama.
"Wow ma! Makapag sabi kayong palitan ko 'to ng tshirt, akala niyo asawa ko 'to!" Gulat na gulat na sabi ko. Samahan na natin ng hindi makapaniwalang reaksyon.
Ngumiti naman ng malapad si mama "Ayos lang yan. Lalaki naman 'yan eh! Wala kang makikita dyan. Tsaka anak, tshirt lang. Hindi short or ano. TSHIRT LANG!"
"Okay po. Sige na." at kinuha ko na ang tshirt. Lalong lumapad ang ngiti ni mama "Ano na naman 'yan ma?!" bagot na sabi ko
"Bagay kayo anak." nakangiti pa rin siya "Dalaga kana talaga. Dati ang pinapares ko sa 'yo ay mga pangbatang damit, manika at laruan. Ngayon..." nginuso niya pa si Leigie na natutulog sa kama ko "Lalaki na."
"Lumabas na kayo ma."
"Sige na. Nang masolo mo na 'yan."
"Ma!"
Dali dali naman siyang lumabas ng kwarto. Tinitigan ko naman si Leigie na naka tihaya na natutulog.
Huwag ko nalang kaya palitan? Kaso baka magkasakit naman 'to. Bahala na nga!
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Dla nastolatkówdate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.