Revine's POV
Monday ngayon at may pasok kami ngayon. Yung usapan doon sa bahay nila leigie ay isinantabi lang muna namin at si leigie din naman ay tutal sa gusto ng kanyang ina.
"Revine.." tumabi sakin si kathina at yennie
5:30am palang ng umaga ngayon, maaga akong nagising dahil maaga akong natulog kagabi. Kaya naman gising si kathina ay dahil mag rereview daw siya. Si yennie naman ay nakatokang mag luto ngayong araw.
"Meron tayong party mamaya, sabi kasi ni Ms. Sy at nag rent sila ng resort.." sabi ni kathina sakin kaya tumango ako "Tsaka.. Yung tungkol dun sa picture niyo ni leigie.." tumingin siya kay yennie
"Yung nag upload ng picture ay yung mismong mommy ni leigie kaya naniniwala ang mga tao na may relasyon talaga kayo." patuloy ni yennie sa sinasabi ni kathina
Bumuntong hininga ako "I know that already.. Hindi naman namin pwedeng itanggi yun, dahil malalaman ng parents ni leigie ang totoo." dahilan ko
"Naisip na din namin yan. Kaso inaalala ka lang namin, maraming taga hanga si leigie. Maapektuhan ka pag nag kataon." si yennie
Naiintindihan ko naman ang punto nila, pero para sakin parang ang laki ng responsibilidad ko kay leigie. Ewan ko na.
"Kausapin mo si leigie, sabihin mo sakanya na sabihin sa mommy niya na wag na ipaabot sa mamamayan na may relasyon kayo." si kathina
Napahilamos naman ako ng muka sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Ang dami kong iniisip, unang una ay ang pag paplano kung paano magiging lalaki si leigie, hindi ko pa masyadong napapaghandaan yun.
Pangalawa, yung tungkol sa pagpapanggap ko na maging girlfriend niya at umabot na sa ibang tao ang tungkol saming dalawa.
At ang pangatlo, yung galit na matatanggap ko sa mga taga hanga niya. Kahit sabihin na nating mayroon pa ring suportado na taga hanga niya. Pero iba pa rin sa school, marami kakanti sakin.
-
"Maaga akong papasok, mauuna nako sainyo." paalam ko sakanila at umalis na
Narinig ko pang tinawag ako ni yennie pero hindi ko na siya pinansin.
Habang papasok na sa school ay napahinto ako ng may bumato ng kung ano sakin at nabasag iyon.
Nang hawakan ko ay isang itlog ang binato sakin. Napakalagkit!
Napaharap ako sa likod ay sinamaan sila ng tingin, apat sila na purong babae. Ang iba sakanila ay may hawak pang itlog at binato iyon sakin
Halo halong emosyon na ang naradamdaman ko ngayon, "Anong problema niyo?!" sigaw ko sakanila
"Kapal kasi ng muka mong landiin si leigie, eh bago ka lang dito!" usal ng isang babae
Pati ang uniform ko ay nalagyan ng itlog. Nagmantsa yun sa buong katawan at ulo ko
"Masyado kang mataas sa sarili, pinakilala kapa sa parents? Tuwang tuwa ka siguro?" panlalait naman nung isa sakanila
Nag kuyom ang kamao ko sa galit dahil amoy bugok na itlog nako! Sinasabi ko na nga ba at ito ang gagawin nila sakin kapag nakita nila ako.
Tinalikuran ko na sila pero napatigil ulit ako at napapikit ng batukan ako ng isa sa kanila.
"Aww!" daing ko ng itulak ako ng babaeng kaharap ko ngayon sa pader na medyo may patulis
Nanlaki naman ang mata ko ng may dumapong sampal sa muka ko.
Pakiramdam ko ay namanhid ang pisnge ko at nagdurugo ang labi ko.
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Novela Juvenildate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.