CHΔPTΣR 5

1.4K 40 0
                                    

Revine's POV


Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Buti nalang at hindi kami ginising ni Lj

Pag gising ko ay gising na din pala sila at nag uunat unat pa.

Bumaba nako sa sala at pumuntang kusina para mag mumog.

"Day 2 na tayo sa school hahahaha!" si Lj

"Hindi mo naman kailangang bilangin."

Kumain na kami at nag ayos na para pumasok sa school

"Tara na." aya ni Nina kaya lumabas na kami at pumuntang parking

Sumakay na kami sa kotse ni Nina syempre at pumunta na ng school

Konti palang ang estudyante sa room namin ng pumasok kami.

"Aga niyo ah." bati sa 'min ni Ara

"Mas maganda ng maaga, kesa late." sabi ni Karry at nag sipag upo na kami

Maya maya lang ay dumami na ang pumapasok.

Nagtitilian na naman ang mga babae sa labas. Na akala mo may artista. Tsk.

"Lagi nalang. Ano bang meron d'yan?" si yennie

"May heartthrob ata rito sa campus natin eh." si Lj

"Mga heartthrob? Sus, mga pasikat lang naman 'yang mga 'yan." si Nina

"Hi, Good morning!" bati ni Ara dun sa apat na ugok. Pero hindi sila apat. May isa silang kasama na lalaki. May band aid pa sa muka 'yung lalaki

"Sino naman 'yan? Hindi ko siya nakita kahapon." si yennie

"Ako rin naman." Si Lj

"Huwag kayong maingay, nag aaral si karry at kathina." suway ni nina kaya napatingin kami kila karry.

Nag babasa ng libro si karry samantalang si kathina nag sosolve ng problem sa math.

Nakaupo na pala 'yung lima sa upuan nila.

Sino kaya 'yung isa? Baka nakasabay lang nila?

Isang sandali lang ay dumating na si Ms. Sy

"May sasabihin lang akong importante. Hindi muna ako mag lelesson kasi mag lilinis tayo ng room. Dahil pupunta ang direktor ng school nato dito sa room natin. Itatransfer na kasi ang anak niya dito sa section natin." sabi ni Ma'am

"Eh diba bobo 'yun? Bakit dito ililipat?" nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Hirro.

Siraulo talaga.

"Mas bobo pa nga pala 'yun sa 'yo." tinapik ni Ben si Hirro

"Shut up." suway nung isang kasama nila na hindi ko kilala

"Tahimik!" sigaw ni ma'am "Umpisahan niyo nang mag ayos at mag linis." at umalis na si ma'am

"Grabe!"

"Wala bang janitress?"

"Iaasa mo pa sa janitress, eh pwede ka namang mag linis!"

"Boys dapat gagawa nito eh!"

Mga reklamo ng mga kaklase ko. Hindi ko pa kasi alam ang mga pangalan nung iba.

"Ayan ang hirap sa mga mayayaman eh. Hindi marunong mag linis." Sabi ni Yennie at kumuha na ng walis

Kumuha na rin ng walis si Kathina. Si Karry naman kumuha ng basahan at nag punas ng bintana. Si Kathina at Yennie naman nag walis na. Taga hila naman ng upuan si Lj at Nina. At ako naman nag bubura ng nakasulat sa board.

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now