REVINE.
Nandito kami sa isang interview room ata ito. Basta nasa isang kwarto kami na may mahabang lamesa at may mga pulis sa unahan.
Nakaupo kami dito.
"Dito po muna tayo ma'am/sir kasi wala nang space doon sa tanggapan dahil may nangyaring engkwentro kanina." paliwanag nung pulis
Napansin ko naman na nakatingin ng masama si Nina kay Hirro. Itong si Hirro naman mukhang adik na ngumingisi ngisi pa.
Ayaw ni Nina ng ganyan eh.
May isang pumasok na pulis at umupo din sa upuan na nasa gilid at hinarap kami.
"Anong kaso ninyo?" Tanong nung pulis
"Sabi niyo hindi kami kakasuhan?!" depensa naman ni Lj
"Hindi nga ma'am. Ang tinatanong lang po ni chief ay kung anong nangyari." paliwanag nung naka tayo
"Itong lalaking ito ay nakaharang sa daan! Highway kasi 'yon!" si Nina
"Alam mo 'yung salitang nasiraan?" si Hirro
"Eh kung hindi ka ba naman tanga tanga ano? Pwede mo namang itulak 'yun o kaya hilahin papunta sa gilid! Napaka simpleng bagay hindi mo magawa! Naging lalaki kapa!" depensa ni Nina at itong si Hirro naman hindi na nag salita
"Mga menor de edad pa kayo. Asan ang mga magulang ninyo?" tanong nung pulis
"Chief." tawag nung lalaking pulis na nasa labas "Nandito 'yung mga kaibigan ni Mr. Velasquez." at pumasok na nga si Drino at Ben
"Napa trouble ka?" si Ben at tinapik pa si Hirro
"Hindi kasi nag iingat ayan tuloy." si Drino naman ang nag salita
"Tinatawagan ko nga si Leigie eh. Hindi naman sumasagot ang loko." Maktol ni Hirro
"Tanga ka! Wala nang cellphone si Leigie, Dahil tinapon nung bruhildang Leilan 'yung cellphone niya! Paano mo siya matatawagan?!" sigaw ni Nina kay Hirro
"Bakit alam ko ba? Alam ko ba?! Kanina ka pa ah!" si Hirro naman na kanina ay relax relax lang pero ngayon papatulan na ata si Nina
"Mamang pulis may pop corn kayo?" tanong ni Lj dun sa pulis. Umiling naman 'yung pulis.
"Ano sapakan nalang?!" hamon ni Nina kay Hirro
"Huwag mo kong subukan!" si Hirro na napatayo na. Inawat naman siya ng mga kaibigan niya
"Pre babae 'yan."
"Relax lang! Madami ka pang kanin na itatae."
"Nakakainis eh!" Sinipa naman ni Hirro 'yung upuan kaya nakagawa ng ingay
"Aba! Hoy!" si Nina naman at tumayo na din kaya umawat na kami. "Nakakainis ka rin naman ah!"
"Abaaa! Hoy ben! Kausapin mo 'yang kaibigan mo. Masyadong mayabang!" si Lj naman ang sumisigaw kay Ben
"Eh bakit hindi mo unang pagsabihan 'yang kaibigan mong nakalunok ng microphone." sabat naman ni ben
"Alam mo kasi kasalanan mo ito! Kung tinabi mo lang 'yang motor mo eh di sana walang ganito!" si Nina
"Huwaw! Big word, eh ikaw na mismo nag sabi dun sa babaeng nag rereklamo ah. Bakit hindi kamo siya lumipad? Eh ikaw? Bakit hindi ka lumipad?!" si Hirro
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Teen Fictiondate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.