Warning : SPG ( Language )
Revine's POV
"Boss anong gagawin natin!?" natatakot na sabi nung lalaki
"Tanga kaba? Edi labanan niyo! Kilalanin niyo!" sigaw nung dasken
"Mayayaman boss eh!"
"Baka naman bibili ng babae?" natatawang sabi ni grilo
"Oo nga naman! Kung maka akto ka dyan muka kang maiihi." nagtawanan sila ni dasken
Pumasok naman yung justin at tinignan kami.
"Nandyan si boss Bautista.." nagulat ako sa sinabi niya pati ang mga kaibigan ko
Boss Bautista??
Si nil ba ang tinutukoy ng mga walang hiyang to?
"Siya pala ang dumating eh.." natawang sabi ni dasken "papasukin niyo dito."
Maya maya lang ay may isang lalaking pumasok at nanlaki nalang talaga ang mata ko.
Si nil nga! Damn it!
"Boss!" bati nung tatlong itlog na to!
Nakita ko namang tumingin samin si Nil at parang hindi niya kami kilala.
Tangina ka!
Nagulat naman ako at pumiglas ng lagyan nila ng takip ang bibig ko. Tinakpan din nila ang bibig ng mga kaibigan ko
Tinignan ko ng masama si Nil at hindi ako makapaniwala na hindi niya kami tutulungan!
Nil anong nangyayari sayo?
"Bibili kaba ng babae Mr. Bautista?" natatawang sabi ni dasken
"Which one Mr. Bautista?" si Grilo at tinuro kami
Ngumiti naman ng nakakaloko si Nil at tinignan kaming maigi. "Freshmen students?" Tanong niya
"Galing bar yang mga yan.." si Rico
Ang akala ko siya na ang mag liligtas samin, hindi pala. Grabe lang!
"Tawagin mo nga sila rico at ang ibang tauhan, justin.." utos ni dasken kay justin kaya agad agad siyang lumabas
Lumapit naman si Nil samin at mukang sinusuri niya kami.
Lakas mong mag panggap na hindi kami kilala ah! Humanda ka sakin kapag nakaalis ako dito!
Mayaman na mayaman ang pustura niya ngayon at mayabang ang tindig.
"Dasken!!!" sigaw ni justin at pumunta dito na hinihingal "S-sila rico.. P-patay na.." umiiyak na sabi niya
"Ano?!" gulat na tanong ni dasken at nagulat din si grilo at si nil
"Sinong gumawa non?" may bahid ng inis sa tono ni nil
Gago ka! Traydor ka pala!
"H-hindi ko alam! Basta nakita ko nalang silang lahat na wala ng malay.." kinakabahang sabi niya
Napansin ko ding lumabas si dasken at napansin ko ding napaatras siya habang bumabalik sa dito sa loob.
Ang muka niya ay parang gulat na gulat.
Nanlaki din ang mata ko at nagulat sa nakita..
M-may isa pang Nil??
What the fuck?!
"Anong kagaguhan to nillo?" malamig na sabi ni Nil?
Omayghad! Kambal ba sila?
Halaa!!! Kambal nga! Iisa lang talaga ang muka nilang dalawa! So yung isa Nillo ang pangalan? Ghad!
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Genç Kurgudate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.