CHΔPTΣR 24

951 29 0
                                    

Revine's POV

Friday nga ngayon at pinag iisipan ko pa rin ang planong gagawin ko para maging lalaki yung baklang leigie na yun.

Kinancel ng mga head officers ang pasok ngayon araw dahil may laban ang mga athletes ngayon at bukas. Lahat kasi ng estudyante ay nasa ibang school, kami lang ang hindi kasali dahil senior yun, wala kaming kakilala doon kaya di kami nanood.

Mayroon nakong dalawang naiisip na gagawin niya pero hindi ko alam kung epektibo ba to or ano eh.

Nandito nga pala ako ngayon sa dressing room ni leigie, nandon siya nakaupo sa upuan kaharap ang salamin, inaayusan siya.

Ako ang sinama niya at pinakilala niya akong assistant sa manager niya at iba pang staff.

Alagang alaga sakanila si leigie. May aattenan kasi si leigie na Tv show, guest siya doon kaya sinama niya ako.

"Iwan niyo muna kami." sabi niya dun sa dalawang stylist kaya lumabas na sila

Humarap siya sakin at napatulala nalang talaga ako sakanya. Hindi mo talagang aakalain na bakla siya ano? Nakasuot siya ng white plain tshirt at naka jeans siya na dark blue, naka coat din siya na long. Kulay light brown naman ang coat na suot niya

"Mamaya kana ma starstruck sa muka ko." nakauhan naman ako dahil nag salita siya

"Tss. Asa!"

"May na plano kana?" tanong niya sakin

"Dadalawa pa nga lang eh!" inis na saad ko "Alam mo bang hindi ako makapag aral ng maayos!"

Ngumisi siya "eh ano naman ngayon? Tsk! Favor ko yan!"

Sasagot pa sana ako sakanya pero biglang dumating ang manager niya.

"Leigie, cancel muna ang pag ge-guest mo dahil may urgent interview ka sa company niyo. Aalis tayo after 5 minutes. Be ready.." anunsyo ng manager niya at lumabas na

"Pst!" napatigin naman ako sakanya ng sitsitan niya ako

"May pangalan ako!"

"Psst bansot!" natawa pa siya eh naasar na nga ako "Kunin mo yung mga gamit ko lalabas na tayo." sabi niya pa at tumingin sa malaking salamin na may mga bumbilya sa gilid.

At ayun na nga hirap na hirap ako mag buhat ng mga gamit niya pag labas namin.

"Ang b-bigat!" daing ko

"Okay nayan, exercise mo na din." sabi niya at nag suot ng shades

"Ma'am ako na po.." prisinta nung guard na naka black suit

Oh kuyaa! Thank you!

"Salamat po." sabi ko at binigay sakanya ang bag ni leigie

Tumabi naman ako kay leigie habang nag lalakad at nasa kabila niya din ang manager niya. Nasa likod naman ang mga guard na naka black suit.

Artistang artista ang dating ah?

Nang makalabas na kami ng building, akala ko ay kumikidlat yun pala ay flash ng mga camera nila

"Waaaaahhhhh!"
"Leigie ang gwapo mo!"
"Fafa leigie akin ka nalang hoooo!"
"Aaahhhhh leigiee ang gwapo mo!"

Lalo namang nag sigawan ang mga babaeng fan ni leigie ng ngumiti siya at kumaway sakanila.

"AaaaaAaaAAaaahhh! Leigie ang gwapo mo!"
"My ghad leigie!"
"Yiiiiiiiiiee!"

Halos malaglag na ang nga banner nila kakatalon at kakasigaw.

Hinarang naman sila ng mga guard para makapunta kami sa van na sasakyan ni leigie. Black yun at mukang bago

"Grabe! Ang dami mong fans." sabi ko sakanya ng makapasok na kami sa loob ng van

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now