Revine's POV
Nakatitig pa rin kami sa isa't isa at kasabay non ang pagtulo ng luha ko.
Pakiramdam ko ay ligtas nako, at parang may natanggal ng tinik na nakabara sa puso ko.
Ngumiti siya sakin at dahan dahang humarap sa mga umaway sakin kanina.
Oh ha! Shokla yan! Patay kayo ngayon..
Nakita ko siyang umarte na naiirita sa pintura na nasa katawan niya.
"L-legie.."
"Shit!"
"Halaaa omg!"Daing nilang lahat ng makita ang reaksyon ni leigie.
"Who did this?" malamig na tanong ni leigie sakanila
"S-siya!" Turo nung isang babaeng sumapal sakin dun sa babaeng long hair
"N-no! It wasn't me!"
"WHO!!??" Buong lakas na sigaw ni leigie kaya napaatras kaming lahat
Masyado siyang mainit at galit na galit.
Ikaw ba naman tapunan ng pintura hindi ka magagalit?
Napalunok ako ng makita kong yumuko si leigie at nag kuyom ang kamao.
Nag angat siya ng tingin "Umalis na kayo." may dignidad na tugon niya
Dali dali namang umalis ang mga estudyante na kumanti sakin at yung mga estudyanteng nanonood.
Hinarap niya ako "Are you okay?" natawa ako kaya sumama ang itsura niya "Anong nakakatawa?"
"Para ka kasing gwapong pintor na naglaro sa pintura hahaha!" saad ko at tumawa.
"Excuse me? Gwapo?!" ay shit
Bakla pala to.
"Kakaiba ka no? Hahahaha, yung ibang lalaki, gustong gusto nilang nasasabihan silang gwapo tapos ikaw ayaw mo pa!" patuloy ko
"May sugat ka na nga at nanghihina, nag bibiro kapa." usal niya kaya napangiti nalang ako
"Mag ayos kana, matutuyo yung pintura sa katawan mo oh. Yung uniform mo din!"
"Kaya kong bumili ng uniform kahit ilan ang magustuhan ko!" inis na sabi niya
"Wow yabang!" natawa ako "Bakit kaba naiinis? Dahil gwapo ka? Eh totoo naman!"
"Naiinis ako kasi may sugat ka!" sigaw niya kaya namula ang pisnge ko
"M-mag palit kana.." sabi ko
"Samahan moko, dadalhin din kita sa clinic."
Kaya naman pumunta muna kami ng locker room para kumuha ng uniform na gagamitin niya.
Pumunta siya sa primary building at sumunod naman ako sakanya.
Pumasok siya sa banyo doon at naligo na din siguro.
Nandito ako sa gilid malapit sa pool.
Hindi ko na natuloy ang pag gawa ng plano kung paano siya magiging lalaki. Gusto ko lang naman ay mag pakatotoo nalang siya, kung ano ang gusto ng puso niya ay dapat sundin niya
Kung pinipilit niya ang sarili niya maging lalaki at kung ang puso naman niya ay 100% shokla. Wala ring mangyayari sakanya sayang lang ang napaghandaan ko.
Napatigil ako sa pagiisip ng may mapansin akong tao na nakaupo sa may hagdan.
Si Ara bayun?
Lumapit pako sakanya at napagtanto ko ngang si Ara nga talaga yun. Umiiyak siya at nakayuko.
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Teen Fictiondate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.