CHΔPTΣR 19

937 34 0
                                    


Revine's POV

Nandito kami ngayon sa bukanan ng gubat na pinagcampingan namin, nilakad namin ni Leigie hanggang sa may makita kaming bahay.

"Tao po!" tawag ko sakanila hanggang sa may lumabas na dalagang babae at batang lalaki

"Ano po yun?"

"Itatanong ko lang po sana kung saan yung papuntang hiway? Yung sakayan papunta sa mga may village." tanong ko sakanya kasi parang nasa probinsya kami ngayon eh.

Sa totoo lang hindi ako pala gala eh kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

"Sa Einstone company ang punta namin, saan ang sakayan?" napalingon naman ang babae kay Leigie at ako, taka namang tinignan ng babae si leigie.

Naka mask at cap kasi si leigie, naka jacket din. Mukang holdaper eh hahaha

"Ahh.." panimula nung babae "Lakarin niyo lang yung pasilyo dyan sa madadaanan niyo kanto, dere derecho na yun. Pag may nakita kayong tricycle-an sabihin niyo pabayan kayo, may sakayan doon papunta sa sinasabi niyo." nakangiting dagdag niya

"Maraming salamat po.." pasalamat ko sakanya.

"Sige, walang anuman." at tumingin siya kay leigie.

"Thank you." sabi ni leigie kaya nangunot ang noo ng babae.

"Pamilyar talaga ang boses mo sa akin, pati ang pananamit mo. Saan nga ba kita nakita?" nako po! "Ahh! Kamuka mo yung nasa Tv.. Yung artista!" lumawak naman ang ngiti niya

"A-ahh, marami na pong nag sasabi sakanya non. Pero malayong malayo po ang itsura nilang dalawa hehe. Sige salamat!" agad ko namang hinila si leigie paalis don. Baka kuyugin pa siya ng mga tao don

"Bitaw na." Napatingin ako sakanya ng sinabi niya yun at sa kamay kong naka hawak sa braso niya, kaya naman inalis ko agad ang pagkakahawak ko sakanya.

Sinunod namin ang sinabi nung babae na dere derechuhin lang ang pasilyo kapag nakapasok na sa kanto.

Mga ilang minutong lakaran din ang ginawa namin ng may makita kaming pilahan ng tricycle at sinabi pabayan kami kaya sumakay na din kami.

Hindi rin kasi kami makakatawag sakanila para magpasundo dahil wala daw signal dito sa bayan. Lowbat na din ang cellphone ko, ang kay leigie naman hindi niya dala.

Galing davah?

"Aww!" daing ni leigie ng mauntog na naman siya sa gilid ng tricycle.

Kanina pa kasi siya nauuntog, nandito kami sa loob ng tricycle at nagpa special nalang kami para hindi na mag aantay ng ibang pasahero. Mayaman naman tong lalaking to.

"Tangkad kasi ayan tuloy.." bulong ko sakanya

"Palibhasa pandak ka." bulong niya pero narinig ko.

"Iwanan kaya kita?" panghahamon ko sakanya

"Iwanan mo, i can handle my self. Ewan ko lang sayo.."

Ayokong iwan to, baka mapano pako hahaha!

"Esh!" Reklamo na naman niya dahil nauuntog untog siya, malubak kasi ang dinadaanan namin.

Masagana din sa busina si kuya, busina ng busina eh.

"Dito na po!" at tumigil na ang tricycle sa isang tabi, nakita naman namin yung binabaan namin na ang daming jeep na nakahilera.

"Magkano po?" Tanong ko kay kuyang driver

"80 lang miss beautiful," nakangiting sabi ni kuya.

Napatingin naman ako kay leigie ng umubo siya ng kunyari.

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now