CHΔPTΣR 23

947 28 6
                                    

Nina's POV

"Aww dahan dahan naman.. Ohhh shit! Teka masakit.. Ayun haha sarap!"

Pinalo ko siya. "Aray naman.."

"Sinasagad moko eh!" depensa ko

"Diko pa nga sinasagad. Ulol kaba?"

"Ano?!"

"Masakit na Nina!" sigaw niya sakin

"Kung ano ano kasing iniisip mo! Sabi ko sinasagad mo ang pasensya ko! Tigilan mo nga yan.." inis na sabi ko at tinuloy ang paggagamot sa sugat niya

Nandito kami sa kwarto niya at nakaupo kaming dalawa sa kama niya. Ang arte kasi ayaw niya daw sa sala baka biglang dumating si ben.

Nang lalagyan ko na ng band aid ay napansin kong nakatitig siya sa mga mata ko at hindi niya inaalis yun.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na naggagamot sa sugat niya.

Nanlaki ang mata ko at napalunok ng ilapit niya ang muka niya sa muka ko habang hawak pa rin ang kamay ko. Hanggang sa tuluyan nakong napahiga sa kama at nasa ibabaw ko na siya.

P-pakshet mah men!

Hindi ako maka hinga!

Masyado namang mabilis si hirro! Homayy!

"A-ano bang.. Ginagawa mo?" gulat parin na sabi ko

Ngumisi siya "You're driving me crazy, Nina." at nilapit niya pa ang muka niya sakin

"Uy bagong scandal!"

Napabalikwas ako ng bangon at ganon din si hirro.

Kunyari ay tinitignan niya ang muka niya sa salamin at ako naman ay kunyaring may hinahanap sa ilalim ng kama.

"Huwag na kayong mag kunyari. Kitang kita ko na! Gagawa na nga lang ng scandal wala pang video. Tsk!" si ben pala ito! Lintek na! "Masyado ka namang mabilis pre, hinay hinay lang. Mangangagat yan!"

"Get out ben!" bulalas ni Hirro at hinarap siya

"Hahahaha! Grabe. Anong nangyari sayo? Epekto bayan ng paibabaw mo? Hahahaha!" Sabi ni ben na hindi na maka hinga sa kakatawa

Ako naman ay namumula na sa sobrang hiya.

"Kung ako sayo Nina hindi ako magpapahalik dyan, kasi kapag once na hinalikan ka niyan. Ha! Wala ka nang kawala hahaha!" sabi pa ni ben

Naghalikan naba sila ni hirro? Alam na alam niya eh.

"I said get out!" sigaw ni hirro

"Oo na, gusto mo lang ituloy eh." dali dali naman siyang lumabas.

Narinig ko namang bumuga ng hangin si Hirro.

Nabigla na naman ako ng nakatitig na naman siya sakin. Napatigil naman siya ng may marinig siyang kumatok.

"Hay si ben talaga!" agad siyang lumabas at sumunod naman ako

Nang bubuksan na niya ang pinto ay parang hindi na si ben ang kumatok. Umupo ako sa hapagkainan niya at kumuha ng hinanda niyang pagkain.

"Nag dala ako ng pizza, Hindi ko naman mauubos kaya hati nalang tayo. Nakita ko din pala si ben kanina, tawa ng tawa. Baliw talaga!" shit! Nagpintig agad ang tainga ko ng makilala ang boses na nag salita

"N-ngayon ka lang nakauwi, k-kuya Jann?" nauutal na sabi ni hirro sakanya.

Dali dali naman akong nag tago sa ilalim ng lamesa!

Kuya ko yun huhuhu!

"Ayaw mokong papasukin? Dati naman agad mokong pinapapasok? Sayang si ben hindi ko nayaya." sabi pa ni kuya at ako naman ay nakapikit

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now